Chapter i
Pinaka-ayoko sa lahat ang lumalabas at nakikipagparty. Sabi nila napaka anti-social ko daw. Laging gustong mapag-isa at nagkukulong lang sa kwarto kapag walang magawa. Sabi rin ng iba para daw akong bampira. Sa gabi lang lagi lumalabas at ayaw sa masyadong maliliwanag na lugar. Pero syempre lahat ng yun ay walang katotohanan. Hindi ako anti-social at mas lalong hindi ako bampira. Wala lang talagang mga tao na kusang lumalapit sa akin dahil lahat sila ay takot. Walang gustong lumapit, walang gustong magyaya. Ano pang punto para lumabas, makipag-usap at makipagparty kung unang una palang alam ko ng maa-out of place lang ako?
Pero iba kapag may misyon. Sa gusto ko man at ayoko kailangan kong lumabas, kailangan kong makipagsocialize, at mas lalong kailangan kong lumabas sa pagbabalat-kayo. Anti-social? Bampira? Well. Meet the real me. Meet the real Leira.
Meet the real Rose.
The number one assassin of our gang.
Naglalakad ako sa gitna ng napakaraming tao na nagsasayawan. Lahat ng kalalakihan ay napapatingin sa direksyon ko. Mapupulang labi at mapang-akit na mga mata. Ngumisi ako sa direksyon nila at kulang na lang ay sundan nila kahit saan ako magpunta. Salamat sa itim na maskarang suot ko at walang nakakakilala sa akin. It's a masquerade party and this is the party of the year. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at nag-order ng isang champagne. Sobrang ingay sa buong paligid, umaalingawngaw ang musika at walang pagod na nagsasayawan ang mga tao sa loob.
Isang lagukan kong ininom ang inorder na champagne bago pasimpleng tumingin sa paligid. Wala ako ni isang kakilala o kahit isang pamilyar na namumukaan sa kanila. Sa totoo lang wala akong pakialam dahil mamaya aalis na rin naman ako dito at hindi na magtatagal pa.
May narinig akong isang pamilyar na tunog at pasimple akong napahawak sa tenga ko na natatakpan ng mahaba kong buhok.
"Rose." isang pamilyar na boses na nanggagaling sa maliit na gadget na nasa tenga ko. "Target number one: Angelo Caparas. Wearing dark blue tuxedo with a silver mask on his face. Nakatayo sya sa tabi ng isang pader sa likod mo. Sa tabi ng babaeng nakakulay pula."
Pasimple akong tumingin sa likod at iginala ang aking paningin. Target number one spotted. Ngumiti ako bago sumagot
"Target number one. Got it."
Dahan dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Diretso lang ang tingin sa pakay ko. I'm like a snake, eyeing her next victim before attacking with a deathly venom on her fangs. Yun nga lang sa pagkakataong ito, walang kaalam alam ang biktima ko tungkol sa mga mapagmatyag na mata sa paligid nya. Nakahandang umatake. Nakahandang lumapit. Nakahandang kitilin ang buhay nya ng walang pasabi.
"Hi" nakangiti kong bati sa kanya. Umalis na ang nakapulang babae na kasama nya kanina leaving him and me in this perfect spot.
"Oh. Look what I got, another beautiful lady on my side. Napakaswerte ko naman ngayong gabi."
Hinigit nya ang bewang ko papalapit sa kanya at nakangiti ko naman itong pinahintulutan. Umupo kami sa may kalapit na sofa at inoffer-an nya ako ng wine. Kinuha ko ito at kunwaring iniinom pero sa tuwing hindi sya tumitingin, dahan dahan kong itinatapon ang laman ng baso sa katabing paso sa may mesa. Nag-usap pa kami ng konti tungkol sa mga walang kwentang bagay. Tuwang tuwa naman ang loko kahit na ang totoo nyan ay bored na bored na akong makipag-usap sa kanya.
"Do you like some more wine? Kulang ata sa atin 'to" pinakita ko sa kanya ang halos mauubos na na isang litro ng wine na kanina pa namin iniinom na dalawa. Masaya naman syang tumango kaya tumayo na ako agad para manguha ng bago.
Sa likod ng isang pader malayo ng konti sa mga tao ay pasimple kong inilabas ang isang syringe na may chemical formula. Dahan dahan ko itong ininject sa takip ng wine tulad na rin ng utos sa akin. Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa naghihintay kong kasama.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.