Chapter xxi
Nanlalamig ang mga kamay ko sa pawis. Ipinagdaop ko sila sa isa't-isa at saka hinawakan ng napakahigpit. Itinago ko ang nanginginig kong mga kamay sa likod ko. Hindi ito pwedeng mangyari.
Umuwi na ang lahat ng mga kasama ko. Ako na lang ang natitirang nakatayo sa labas ng principal's office. Kanina ko pa hinihintay ang paglabas ni principal Reyes. Ngunit halos kalahating oras na ang nakalipas pero hindi pa rin sya lumalabas.
Ayokong mawalan ng pag-asa. Kailangan ko syang makausap sa lalong madaling panahon.
Bumakas ang pinto at halos sandaling tumigil sa pagtibok ang puso ko sa mabilis kong paggalaw. Gulat na nakatingin sa akin si principal Reyes dahil hindi nya inakala na hanggang ngayon ay naroon pa rin ako.
"Ms. Dela Torre. Ano pang ginagawa mo rito? Kanina pa uwian ah." Kunot ang noo nito dahil sa pagtataka. Gamit ang isang kamay na may hawak na panyo, pinunasan nya ang namamawis na noo. Ngayong nakita ko si principal Reyes ng malapitan, ngayon ko lang napansin na hindi pala sya ganun katanda tulad ng inaasahan. Long sleeves na kulay asul ang suot nya na may kasamang itim na necktie. Itim din ang suot nyang pang-ibaba at ganun din ang mga sapatos nya. Base sa porma, ayos at galaw, sigurado akong hindi sya nalalayo sa edad na tatlong pu. Napakabatang edad para sa isang propesyon na meron sya.
"Gusto ko lang po sana kayong kausapin." huminto ako saglit. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. "Tungkol po sana doon sa pagpunto ng parents dito bukas?"
Umiling sya sa akin na tila ba alam na nya kung ano ang sasabihin ko. "Ms. Dela Torre, kayo at ang iba pang grupo ay gumawa ng kalokohan na maaaring makapagpahamak sa ibang mga estudyante rito sa Princeton. Kailangan itong malaman ng mga magulang nyo at ng sa ganun ay makausap ko na rin sila para hindi na maulit ang ganitong senaryo. You'll be good, don't worry. Lalo na kung wala ka naman talagang ginawang masama." Tinapik nya ako sa balikat at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Sa kanang kamay ay hawak nya ang isang briefcase, at sa kaliwa naman ay ang susi ng kotse nya. Hinagis hagis pa nya ang susi na hawak sa ere habang naglalakad palayo sa akin.
"Pero hindi nyo po naiintindihan." Hinabol ko sya. "Please po Mr. Reyes. Lilinisan ko na lang po lahat ng ikinalat namin. Kung gusto nyo po, gagawa ako ng community service ng kahit ilang linggo, ilang buwan o kahit isang buong taon pa. Huwag nyo lang pong papuntahin dito ang papa ko. Please po." Pero hindi sya huminto. "M-mag... magpipinta po ako!" Hindi ko akalain lalabas ito sa mga labi ko. Panic, iyon ang namumukod tanging nanaig sa dibdib ko. Naging mas desperado ako kaysa sa inaasahan, pero wala akong pakialam. Kung ito ang magiging kapalit, gagawin ko. "Magpipinta po ako Mr. Reyes. Papagandahin ko po ang mga pader na nasira namin kung gusto nyo."
"At paano mo gagawin iyon? Sinayang nyo lahat ng pintura noong naisipan nyong maglaro ng batuhan ng mga kaibigan mo. Baka nakakalimutan mo, wala ng natira."
"Wala na po bang stock? K-kahit.. kahit anong kulay po ang ibigay nyo sa akin. Gagawan ko na lang po ng paraan."
Umiling sya na parang nawawalan na sya ng pasensya sa akin. Hanggang ngayon tuloy tuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Go home Ms. Dela Torre. Malapit na ring magdilim baka hinahanap ka na ng mga magulang mo."
Pero hindi ko sya pinakinggan at nagpursige pa lalo. "Mr. Reyes please? Sige na po." Ipinagdaop ko ang dalawang kamay sa may tapat ng labi ko na parang nananalangin. Natatakot ako, isang pakiramdan na hindi ko basta basta nararamdaman. Isa lang naman ang kinakatakutan ko at ang papa ko iyon.
Sana pakinggan nya ako. Sana.
"Ms. Dela Torre.." Huminto sya at muli akong hinarap. Puno ng pag-asa sa mukha ko noong tumingin ako sa kanya. "I'm sorry but I don't give second chances. It's late. Go home."
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.