Chapter xLii
Hindi ako nakatulog noong gabing iyon. Sino ba ang Marcus Ashen na yun para magsalita ng ganun? Gayunpaman, kung alam nya ang tungkol sa pitong rosas at tungkol kay mama marahil ay talaga ngang meron syang alam.
Ang tanong mapagkakatiwalaan ko kaya sya? Sa totoo lang hindi ko na alam.
Sa bawat araw na lumipas pagkatapos ng school ay patuloy lang ang pagtratrain na ginagawa ko kay Nathan. Tulad noong una ko syang tinuruan ay mayabang pa rin at may pagkamatigas ang ulo. Palagi nyang kwinekwestyon ang lahat ng binibigay kong training pero sa huli, kahit pa gaano ito kasimple ay hindi nya rin agad nakukuha.
"Ayoko nang tumakbo. Ano ba? Ito na lang ba ang paulit ulit kong gagawin sa araw na ito?" hingal na hingal nyang sabi sa akin. Nakapatong ang dalawang kamay nya sa may tuhod at ang ulo nya ay nakatingin sa lupa. Noong iangat nya sa akin ang tingin ay talagang naliligo na sya ng pawis. Halos kasisimula pa lang namin ngayong araw na ito pero ang bilis nyang mapagod.
"Wag ka ng magreklamo sundin mo na lang ako."
Isang huling bulong ng reklamo at bumalik ulit sya sa dulo para tumakbo.
"What an exercise huh? Talagang pinapahirapan mo si Nathan." Nagulat ako noong may bigla na lang akong narinig na nagsalita. Di kalayuan kung saan ako nakatayo ay si Kelly, nakadungaw sya kay Nathan, ang kamay nya ay nasa noo.
She smirked at me but not a friendly one though. Yung parang nang-iinis lang.
Naiinis ako na nitong mga nagdalaang araw ay tila ba bumabagal ang reflexes ko. Tulad na lang si Marcus Ashen. Hindi ko ako ang may problema o sadyang mabilis lang talaga sila.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"I've heard from Aziel na ikaw raw ang inatasan ni ate master na magtrain kay Nathan. I just want to check if everything is okay at kung talaga bang may natutunan si Nathan sayo o wala." Inayos nya ang nakataling buhok bago ibinalik ang tingin sa akin. Ang tagal na rin noong huli ko syang makita ng ganito kalapit, at mahirap mang itanggi mukha talaga syang manika sa ganda parehas sila ng kapatid nyang si Nyree.
"What makes you say that? Ginagawa ko ang dapat kong gawin."
"Well, mas maganda na ang nakakasigurado dahil mahirap na, marami ang traydor jan sa paligid. I'm just taking precautions." In a way, kung paano nya iirap ang mga mata nya naaalala ko sa kanya yung isang kaibigan ni Serene, si Clarisse.
Pero hindi ko mapigilang mainis dahil pinaparatangan nya ako bilang isang traydor. alam kong hindi nya direktang sinasabi sa harap ko pero ito ang nais nyang ipahiwatig sa akin.
"Ano bang nagawa ko sayo para mainis ka sa akin ng ganyan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabi ang unang pumasok sa isip ko.
Suminghal sya ng konti na tila ba natawa lang sya sa sinabi ko. "Inis? I don't think so. Masyado naman yatang magaan yun para sayo."
"Kung ganun ano? Gusto ko na lang maayos ito dahil ayoko ng gulo."
"You're humbling yourself too much. Magmula noong pumunta ka rito sa school na ito, you've been part of a bigger 'trouble' more than you think you know. Dahil sayo nagkaaway kami ni Nyree. Ano masaya ka na? Welcome sa 'gulo' na sinasabi mong ayaw mong magkaroon."
Nagkaaway sila ni Nyree ng dahil sa akin? Iyon ba ang dahilan kung bakit ako iniiwasan ni Nyree ngayon?
"I want you out here you know, pero ipinagpipilitan nyang isa kang mabuting tao na kailangang bigyan ng pagkakataon. I disagree about that because I can see it in your eyes, you are something far from that." The intensity of her gaze, kahit noon pa man ay pakiramdam nya nababasa nya ako sa loob.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.