Chapter xxxv
Sa malamig na gabi, sa tabi ng waiting shed, hinintay ko ang pagdating ni Souta. Wala talaga akong balak gamitin ang calling card nya kundi lang nangyari ngayon. Kanina pa ako humihingi ng tawad dahil sa abala na nagawa pero tinawanan nya lang ako. Laking pasasalamat ko lang na kahit gabi na ay naisingit pa nya ako sa oras nya.
May humintong kotse sa harap ko. Kulay asul ito at mukhang magara. Noong binuksan nito ang bintana ay nakita ko ang nakagiting mukha ni Souta.
"Marami bang nainom?"
Ngumisi sya ng konti. Tinutukoy nya si Nathan. Sinabi ko kasi sa kanya kanina sa tawag kung bakit ko kailangan ng tulong nya.
Lumabas ng kotse si Souta at tiningnan si Nathan. Sa mukha nya ay para syang natatawa.
"Hoy Nathan, gumising ka na riyan."
Tinangka nya itong hawakan para alalayan na pumasok sa loob ng kotse. Tinampal lang ni Nathan ang kamay nya palayo sabay balik sa pagkakasandal sa pader.
"Bitaw! Huwag mo akong hawakan!"
At ano pa nga ba? Balik na naman sya sa pagkakatulog nya.
"Sira ulo talaga ang loko. Iinom inom hindi naman pala kaya."
Kahit ano pang protesta ni Nathan ay hindi na nito pinansin pa. Ano bang magagawa ng lasing sa taong diretso pa ang pag-iisip? Tinulungan ko si Souta sa pamamagitan ng pagbubukas ng pinto ng kotse.
Noong naipasok na namin doon si Nathan ay kunot noo akong humarapkay Souta. Hindi ko sinabi sa kanya ang pangalan ni Nathan noong tumawag ako kanina. Ang sabi ko lang yung 'kaibigan' ko ang lasing kaya kailangan namin ng sundo. Paano nya nalaman? Bukod sa pangalan ay kung kausapin nya si Nathan ay para na silang matagal na magkakilala.
"Kilala mo sya? Magkaibigan kayo?" taka kong tanong.
Tumango sya sa akin.
"Hindi ko sya ganun kakilala pero kaibigan nya yung kaibigan ko. Nakasama ko na rin sya minsan kapag may mga lakad kami." Dumiretso na sya sa may driver's seat at pumasok. "Pasok na. Saan ka pala nakatira at ihahatid na kita?"
Madalas kapag ito na ang itinatanong sa akin ay tumatanggi na ako. Pero sa ngayon ay wala ang isip ko sa tanong na iyon kundi nasa mga sinabi nya kung paano sila nagkakilala ni Nathan.
"Kaibigan mo sila Nyree?" naitanong ko bago ko pa napigilan ang sarili ko. May panibago kasing katanungan ang nabubuo sa isipan ko.
"Nyree?" sandali syang napaisip. "Oh yeah, you mean the Fray sisters?"
Tumango ako bilang sagot.
"Not really. I met them ones but that's all. Mas kilala ko ang ate nila, si Serene."
Pumasok sa isipan ko ang mga tagpo kung saan una kong nakita si Souta-- noong mga panahon na kailangan kong tapusin ang ikaapat na rosas ko. Malinaw pa sa isipan ko ang pag-uusap nila. Tungkol ito sa gangster queen at sa ginawang atraso ni Souta sa kanya.
Kilala ni Souta ang gangster queen. Myembro ng Ellipses sila Nyree at Kelly. Master nila si GClef. Ang Princeton ang teritoryo ni GClef base sa sinabi ni Aziel-- Ang tanong sino nga ba ang gangster queen? Huwag mong sabihin na si...Serene? Pero imposible naman. Hindi sya ang iniimagine ng utak ko para sa titulo na iyon. She looks so sweet, she looks so...fragile. The gangster queen I've heard is a monster by her own accord.
"Pinakilala lang sa akin ni Serene si Nathan and the rest of her friends. They were all so nice. Naging kaibigan ko rin sila. But well of course, except Jace and Niel. They seem not to like me that much. Kasalanan ko rin naman kasi." habang sinasabi ito ay napapangiwi na lang sya. Kasabay ng pagbuntong hiningi nya ay ang pagkibit ng balikat nya.
BINABASA MO ANG
The Seventh Rose
Mystery / ThrillerWhat will you do if you have nothing to lose? First posted on Wattpad © 2013 Revised Version © 2017-2018 by Wistfulpromise.