Chapter xxviii ~ Kanya kanyang opinyon

16.8K 368 44
                                    

Chapter xxviii 

Nagtuloy tuloy ang araw araw na community service ko pati na rin sa pagiging assistant ko sa art related subjects ni Ms. Christina. Sa buong linggo bukod sa school ay ito ang ginagawa ko. Masaya ito at talaga namang exciting lalo na at nagagawa ko ang gusto ko. Yun ay walang iba kundi ang pagpipinta. Sabik na sabik ako sa bawat araw na lumipas lalo na't sa bawat araw na nagdaan ay hindi pa nagpapaamdam sa akin si papa. Para sa akin ayos ang lahat, hanggang sa nakapartner ko sa isang project si Nathan. 

Naalala ko pa sa subject na Social Studies noong isang araw. Nagkaroon kami ng project na may kinalaman sa pagsusulat ng research paper tungkol sa kahit anong piliin naming topic tungkol sa Philippine history. Napagdesisyunan ko na na ako na mag-isa ang gagawa iyon nga lang, nagulat na lang ako noong sumulpot ang isang asungot sa tabi ko. 

"Hi partner." bati nya sa akin na akala mo kabute kung makasulpot sa tabi ng upuan ko. May nalalaman pa syang paakbay akbay sa akin. Ang laki laki rin ng ngiti nya. Kung makakilos akala mo isa kaming matalik na magkaibigan. 

Minsan sa totoo lang hindi ko sya maintindihan. Noong mga nagdaang araw magkasundo kami dahil parehas kami ng hilig sa history. Idinala pa nga nya ako sa secluded na library na tanging may special permit lang ang makakapasok. Nagkasundo naman kami ng ilang araw at hindi ako magrereklamo dahil nakakagulat mang isipin pero... nag-enjoy akong kasama sya sa mga nagdaang araw na iyon. Iyon nga lang, sa sumunod na araw noong akala kong ayos na kami at matatawag ko na syang 'kaibigan' bigla na lang syang magbabago. Wala na syang ibang ginawa kundi asarin ako at bwisitin. Kung kailan akala ko seryoso na sya sa pag-uusap namin, bigla na lang syang nagiging pilosopo. Ang hirap nyang kausapin kung minsan. Sumasakit lang ang ulo ko. 

Ngunit ano pa bang magagawa ko? Noong lilipat na sana ako ng mauupuan noong araw na iyon, saka naman nagdeklara ang teacher namin na kung sino na ang katabi namin, iyon na ang magiging partner namin sa project na gagawin. Ano pa nga bang magagawa ko? Stuck na naman ako sa baliw na lalaking iyon. 

Kasalukuyan akong naglalakad sa labas ng school ngayon. Noong makita ko ang isang pamilyar na pigura, dumiretso ako sa kanya. 

Umupo ako sa tabi ni Nyree noong makita sya sa labas. Nakaupo sya at halatang seryoso sa binabasa sa phone nya. Masyado pang maaga para magsimula ang klase kaya karamihan sa mga estudyante ay nakatambay muna sa labas o di kaya'y busy sa kani-kanilang mundo. 

"Oh my god. This news is impossible! Nakakainis!" Sandali akong napatingin kay Nyree dahil sa biglaan nyang pagdadabog sa kinauupuan nya. Gigil na gigil sya sa cellphone na hawak. Kung hindi lang siguro sya si Nyree na mahinhin, aakalain kong dudurugin na nya ang cellphone sa higpit ng pagkakahawak nya. 

"Ano bang balita?" taka kong tanong dahil sa biglaan nyang pag-aalboroto. Tumingala ako sa may taas ngunit agad ding napapikit. Sa pagitan ng mga dahon ng puno ay ang pagsilip ng liwanag mula sa kasisikat lang na araw. Kapag pumipikit pikit ako, animoy may bakat ng itim o dilaw na liwanang ang nakikita ko sa likod ng mga takipmata ko.

"Nakakainis kasi itong nababasa kong balita ngayon sa internet. Sabi rito, tatanggalin na raw sa curriculum ng college at universities ang Filipino subjects. Can you believe it?! I strongly oppose this new ordinance." 

Nabalitaan ko na rin ito noong isang araw. Balita ko nga marami raw school teachers and professors ang maaaring mawalan ng ikabubuhay. Sa pagpasa ng K-12 curriculum sa bansa, sadya talagang mayroon itong maganda at hindi magandang maidudulot sa bansa lalo na ang mga guro at estudyante. Maswerte kami sa Princeton Academy dahil isa ito sa pinaka-advance na paaralan sa Pilipinas. Isa ang Princeton Academy sa mangilan ngilang pribadong paaralan sa Pilipinas na noon pa lang ay may K-12 curriculum na. Malaki ang pagpapahalaga ng Princeton Academy sa pananatili ng Kultura ng mga Pilipino. Isang patunay dyan ay ang iba't-ibang disensyo sa paaralan na hindi lang puro modern, may halo rin itong tradisyunal. Dito sa school ay may mini museum pa nga para sa Philippine Culture and Heritage kaya ganun na lamang ang pagsuporta ng guro at estudyante na wag matuloy ang ordinansang ipinapapasa sa gobyerno. 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon