01

9.4K 159 25
                                    

"How's school anak?" bati ni mama nang makarating ako sa bahay.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili ko para sa isang pekeng ngiti. Hinarap ko siya na may malaking ngiti.

"It's fine mama. Everyone is so kind like usual. Siguro dahil maganda ako?" biro ko.

It's not true mama. I'm the girl that everyone hates because you're the mistress. They don't even know that you're just communicating with my father because he gives me supplies and monthly needs.

"Wala bang nanliligaw? Gusto ko ng makita ang boyfriend mo eh!" tumawa ako sa sinabi ni mama.

"Meron ma, pero binasted ko agad! Gusto ko munang matapos sa pag-aaral para magkaroon na ako ng pera at hindi na natin kailangan humingi ng pera kay sir Adam." mama frowned at what I said.

I get it. Gusto niyang tawagin kong papa o daddy yung ama ko. Pero ayaw ko. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay namin ni mama. Alam niyang may asawa siya pero hindi alam ni mama.

He's the one to blame yet it's my mom's name who got dirty. Kasi walang naniniwala sa sinabi ni mama. Bakit naman kami papaniwalaan? We're nothing without the power.

"Call him papa okay? Ayaw ko man sa kanya, hindi kita ipagkakait dahil anak ka niya. Naiintindihan mo ba anak?" I nodded my head.

"Sure," I said dryly.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko. Bahay din to na binili ni sir Adam. Kaya minsan ay naririndi ako. Pag-natapos talaga ako sa pag-aaral ay gagawin ko ang lahat para lang mabayaran siya.

Hindi kami magkakautang ni mama sa kanya. Kahit piso man lang. Ama ko siya pero wala akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. I also don't understand why his wife, ma'am Emerie is always mad at us.

'Yong asawa niya ang nangabit. Silang dalawa ni mama ang pinaglaruan pero nanatili siyang bulag. She strongly believes that what she believes is the truth.

Our truth, the truth, is now covered because whatever comes out of their mouth is what people believe. Binuksan ko ang laptop ko at pumunta sa Facebook.

I decided to stalk my crush again. Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Our world's are so far... Anak siya ng mayor, malinis ang pangalan niya, and he looks at me with so much disgust.

Kaya bakit ko siya nagustuhan? The word gorgeous isn't even enough to explain him but I'm sure that's not the reason why I like him. Nangyari lang talaga. Nagkagusto ako sa kanya.

Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko. Pagod ko itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Good evening Lair!" napairap ako nang marinig ang boses ni Vera.

"Morning." sarkastiko kong sagot.

"Gala tayo sa IT park please!" napairap ulit ako sa sinabi niya.

"Akala ko ba wala kang pera? Tapos ngayon nag-aaya ka ng gala?" kunot noong tanong ko.

Hindi na talaga ako naniniwala kay Vera. Mahilig talaga mag sinungaling. Napailing-iling ako at napasandal sa headrest ng kama ko.

"Ang layo ng IT park. Ano naman ang gagawin ko roon?"

"Try mong magdasal mukhang pwede." halos itirik ko na ang mata ko sa walang kwentang sagot ni Vera.

"Alam mo Vera, wala ka talagang kwentang kausap. Sa nagtatanong tayo ng maayos." nakasimangot kong sabi.

Rinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. Mukhang nasiyahan pa sa pinapakita kong inis sa kanya. Fourth year college na tapos mukha paring bata. Kainis naman.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon