04

7.5K 144 36
                                    

Lumabas ako sa kwarto ni Hera para kumuha ng tubig sa kusina. Nagpasama nga ako kay Vera pero umayaw siya dahil gustong-gusto niya yung pagkahiga niya sa kama ni Hera.

Now that I think of it... Magkatunog ang pangalan nila dalawa. I guess they were fated to be my friend?

"Ugh, for all I know siya yung nakipagkaibigan kay Hera! At si Hera naman ay pumayag kasi alam mo naman maawain iyon."

"Kung maawain iyon Vianna sana naawa iyon sayo!" tawa ng lalaki.

Nasa may pool sila. The girls were wearing bikinis while the guys were wearing shorts.

"Shut up Red! Back to the talk. What if she's just using your cousin Archer? Alam naman natin na may gusto siya sayo! Maybe she's obsessed with you so she's doing everything! She's befriending your kind cousin so that she can get sympathy. Baka nga ay nakawan ka pa ng underwear nun!" humalakhak siya.

"O baka ipagayuma o kulam ka! You never know what she can do for love, you know?" umismid ako.

Sa aming dalawa ay mukhang siya panga ang obsessed kay Archer. Mas siya pa ang kaya magnakaw ng underwear!

"Just admit it Vianna. You're jealous of her." sabi ng isang babae.

Narinig ko ang malakas na singhap ni Vianna at mahina rin akong napasinghap. Bakit naman magseselos sa akin si Vianna... She has everything.

Her friends, her wealth, and her ex lover is Archer. Ano pa ba ang mahihiling niya sa buhay? If I were in her shoes I'd be happily contented.

"Ew? Me? Jealous of her? You gotta be kidding me Cass!" at humalakhak ito.

"What? She's pretty and smart. Ayaw lang naman natin sa kanya dahil anak siya ng kabit. If she wasn't a daughter of a mistress she'd probably outshine you Vianna." saad ng isang lalaki.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ganito ba ka straight forward ang mga lalaki? They're too honest...

"What?!" malakas na tanong ni Vianna. Hindi ata matanggap ang sinabi ng lalaki niyang kaibigan.

"Just being honest Vianna. You're also mad at her because Hera is fond of her. Habang noong kayo pa ni Archer ay halos harap-harapan ka niyang ipahiya." napalabi ako sa sinabi niya.

I didn't want to eavesdrop. I think I heard enough. I don't really like Vianna because she's mean but I don't think she deserves that. Bakit ba kasi sumasama siya sa mga taong ganon?

Real friends will never insult you like that. They'd hype you up so that you'll feel better. Ganon siguro sila mag-bonding?

"What are you doing here?" napaigtad ako ay halos mabitawan ang hawak-hawak na baso ko.

Liningon ko ang nagsalita at hindi nga ako nagkamali. Si Archer ito. Nakasuot ito ng shorts. May tuwalya na dala. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at halos mapamura ako.

His body looks good! Napamura ako sa isip at agad na binalik ang tingin sa mata niya. Nakita ko kung paano umangat ang gilid ng labi niya.

"Done checking me out?" uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin.

Nakakahiya! I didn't mean to do it though! It was just a sudden move! Saglit lang naman iyon.

"Uh, kumukuha lang ako ng tubig dahil nauuhaw ako." sabi ko at hindi pa rin siya tinitignan.

Nahihiya sa ginawa ko kanina. It was weird to talk to him like this. I felt like I was forbidden to talk to him. I finally looked at him and his cold eyes met my shy ones.

"Uh, aalis na ako. Salamat sa tubig." I said in a small voice.

Akala ko ay may sasabihin siya kaya hindi muna ako umalis pero nang mapagtanto na wala na ay dahan-dahan akong humakbang paalis.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon