09

3.9K 101 25
                                    

"What? Are you just going to look at it?" napa kurap-kurap ako. Hindi pa rin makapaniwala na si Archer itong nasa harap ko.

"Ayaw mo ba? Fine," he was about to leave but I held his hand.

Napatingin siya roon at tinaasan ako ng kilay. Tumikhim ako at dahan-dahang binaba ang kamay ko.

"I'm sorry. Pwede bang hiramin yan?" I said slowly.

Takot na baka magalit siya at hindi na ibigay sa akin ang extra uniform ni Hera. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at ganun nalang ang lakas ng tibok ng puso ko nang nag-tama ang mata naming. Damn Hidalgo! Iba talaga ang epekto mo sa akin.

"Bakit hindi ka lumaban?" I looked at him, puzzled.

Nakita niya ba ang nangyari kanina? I just kept my mouth shut and didn't answer. Hinawakan ko ang mga daliri ko at pinaglaruan iyon.

"Why didn't you fight back? Like what you did to me yesterday? Namimili ka ng aawayin mo?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at umirap na.

"I got bullied because of what happened yesterday Archer. Kaya nga todo iwas ako kasi... kasi natatakot ako na baka ma ulit yung kanina at mas lalo lang lalala. I just want to finish this school year peacefully." I explained.

"They bully you because you let them." Napangiti ako sa sinabi niya.

I can't believe I'm having this kind of conversation with him. Ano bang nakain nito? O baka naman ay kinausap siya ni Hera kaya nagkakaganito siya.

"You were outside right? You saw what they did and Vianna still loves you so she did that... Bakit hindi mo sila pinigilan?"

"Kasi akala ko papatulan mo sila. I also don't care if Vianna still loves me. I don't love her anymore. That's why we broke up." Yumuko ako at dinilaan ang pang-ibabang labi.

My heart is fluttering too much. This is just a normal conversation yet my heart is beating too fast. Suminghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko at nag-angat ng tingin. Nilagay niya ang paper bag sa kamay ko at pasimple nilagay ang kamay niya sa bulsa.

This man doesn't know his effect on me! Kahit sa simpleng pagdikit ng balat namin ay para na akong mamamatay sa kilig. This is so wrong but it feels so right.

"I'll go now." I nodded at him.

"Thank you..." pabulong kong sabi.

Tumango siya at tuluyan ng umalis. Nang nawala na siya sa paningin ko ay nahawakan ko ang dibdib ko. Ramdam ko ang malakas ng pagtibok ng puso ko. Natulala ako ng ilang sandal pero agad ring nagising nang tinawag ako ni Vera.

She hurriedly ran her way towards me. Kasama niya si Hera sa gilid niya. She looked at me with so much pity in her eyes. Napalabi ako at nginitian sila. Hindi ito pilit at hindi rin ito peke. Masyado akong naging masaya sa pag-uusap namin kanina ni Archer.

"Grabe talaga sila! May damit ka ba?" I gently nodded my head and showed her a paper bag.

"San galing yan?"

"Ah, nagdala ako sa kotse ko." kumunot ang noo ni Vera sa sinabi ko.

"Nanghiram ka nga sa akin ng uniform dahil hindi ka nagdala diba? Yun yung sinabi mo kahapon!" napalabi ako sa sinabi niya.

"Ngayon ko lang namalayan na meron pala. Tara na! Baka ma late pa tayo!" hinila ko sila papunta sa cr at nagbihis roon. Medyo basa pa ang buhok ko kaya sinuklay ko nalang iyon.

My hair is long. Hanggang bewang ko ito at hazelnut brown ang kulay nito. Nag buntong hininga ako at inayos ng mabuti ang buhok ko. Paglabas ko ay nilagay ko na ang paper bag sa loob ng sasakyan ko.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon