24

3.4K 81 5
                                    

Nang may kumatok sa pintuan ay alam ko na agad na dumating na si Archer. Tinignan ko si mama at nginitian. Nang magtama ang mata namin ni Erika ay ngumiwi ako.

She was wearing a black fitted dress. Her hair in a low ponytail, wearing silver heels, and had make up on her face. Mukhang may party siyang pupuntahan sa suot niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at binuksan ang pinto. Doon bumungad sa akin ang aking boyfriend. May hawak hawak itong dalawang malalaking bulaklak.

"Wow..." I laughed and went near him to kiss him on his cheeks.

"Uh, may cake akong dala sa kotse..." tumango ako at pumunta sa kotse niya para kunin ang cake na dala.

"Pasok ka, kanina ka pa nila hinihintay." nakita kong lumunok siya bago tumango kaya lihim akong napangiti.

Pagpasok namin ay unang bumungad si Erika. Sumunod naman si mama at ramdam ko ang kaba ni Archer.

"Good afternoon po, tita..." tinignan niya si Erika.

"Good afternoon din sayo?"

"Erika, pinsan ako ni Lair." at naglahad pa ng kamay ang bruha!

Tinanggap naman ito ni Archer at nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang isa bouquet kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nagulat rin si Archer at tinignan ako.

"Thank you sa flowers! Paano mo nalaman na nakatira rin ako dito?' napa iling iling na lang ako.

"That was supposed to be for you." he whispered.

I smiled and just shrugged. "Hayaan mo na..."

"Tita, for you po." tinanggap ni mama ang bulaklak pero matalim ang titig niya kay Archer kaya mahina akong natawa.

"Ma," I called her attention.

"Salamat iho, hali ka sa kusina at marami akong niluto para sayo dahil mahaba haba ang pag-uusapan natin." liningon ako ni Archer.

May kaba sa mata niya kaya nginitian ko siya. Nauna na akong pumasok sa kusina habang may ngiti sa labi at pinasok muna ang cake sa refrigerator.

We all finally settled down and started eating. Tahimik lang kami habang kumakain hanggang sa natapos kami. Nilinis ni mama ang lamesa at hinanda ang cake at doon na nga nagsimula ang imbestigasyon na para bang nasa presinto si Archer.

"Anong nagustuhan mo sa anak ko?" unang pambato na tanong ni mama.

Tahimik lang ako habang pinapakinggan sila. Si Erika naman ay nakatingin lang kay Archer. Akala ko ba may crush siya?! Bakit tingin tingin siya sa jowa ko?

"At first tita, I liked her because of her intelligence and beauty-"

"Ganda lang ang habol mo sa anak ko?" pag putol agad ni mama kay Archer.

"Auntie, ang gwapo ni Archer, anak pa ng mayor. Kung ganda lang ang habol niya edi sana hindi si Lair ang pinili niya? Mas maraming magagandang babae kaysa kay Lair auntie. Lalo na sa grupo nila Archer. You know, Elite people..." natatawang sapaw ni Erika.

I liked what she said but at the same time I think she took that as an opportunity to insult me. I glared at her and she only gave me a smirk, as her response.

"Ma, patapusin mo sa pagsasalita si Archer. Hindi yung puputulin mo. Parang kanina lang ay excited ka dahil may boyfriend na ako." nagiwas ng tingin si mama.

Tinignan ko si Archer na mukhang kinakabahan pero pilit na tinatatago. Mama isn't usually like this. Nabigla lang siguro siya ng malaman na si Archer yung jowa ko kasi syempre, anak ng mayor, mayaman, at makapangyarihan. Mama just wants to protect me because she was once fooled by someone who had exactly the same status with Archer.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon