02

6.7K 139 16
                                    

Habang pinapark ko ang sasakyan ko sa building namin ay hindi ko mapigilan na kabahan. Alam ko na ako na naman ang laman ng balita lalo na sa nangyari sa Sugbo Mercado kahapon. Ano pa ba ang bago? I'm their favorite gossip. Pagbaba ko sa sasakyan ay agad nila akong tinignan.

Fans ko ba sila? Bakit ba lagi silang nakatingin sa bawat galaw ko? Para naman akong artista nito! Naghihintay lang sila kapag may ginawa akong mali at pag meron na nga, ako na naman ang laman ng balita.

"Huwag mo na silang pansinin." Napaatras ako sa gulat sa biglaang pagsasalita ni Vera.

Hindi ko namalayan na nasa tapat ko pala siya. Kakapark lang din ng sasakyan niya. Mabuti naman at nagdala ito ngayon. Napagod na ata mag commute nang dahil sa nangyari kahapon.

"Hindi naman talaga." sabay kaming naglakad papasok sa building namin.

May mga senior high students na nakatingin. Parehas lang kasi kami ng building. Pati ba naman sila nakikichismis sa buhay ko?! Syempre, si Archer na ang pinag-uusapan.

Maraming STEM students na nagkagusto sa kanya. Hindi ko rin naman sila masisisi. Siguro napaka stressful na ng strand nila at naghahanap sila ng inspirasyon sa college of engineering.

"Feel ko talaga na artista ako pag kasama ka eh. Parang alam mo 'yun, 'yung famous na bad bitch sa school?" humalakhak ito kaya napahalakhak din ako sa sinabi niya.

"Kung ano-ano nalang talaga ang pumapasok sa isip mo Vera. Alam mo ba na may quiz tayo mamaya?" napatigil siya sa paglalakad at gulat akong tinignan.

Hinawakan niya pa ang pulsuhan ko kaya bahagya akong napaatras at gulat din na nakatingin sa kanya.

"Hoy tangina? Di nga?" lihim akong napangiti.

"Oo nga kasi! Hindi ka ba nakinig sa klase kahapon?"

"Hoy! Hindi ako nakapag-aral! Hoy, tulungan mo ako! Baka bumagsak ako patay na talaga ako kay mama!" naiiyak niyang sabi pero alam ko naman na hindi yan naiiyak.

Tumalikod ako at nauna ng maglakad. "Isipin mo na lang na surprise quiz." sabi ko at patuloy na naglakad.

Agad naman siyang nakasunod sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Anong isipin ko na surprise quiz?! Grabe ka, hindi mo man lang ba ako papakopyahin? Anong klaseng bestfriend yan?!" pagmamaktol niya.

"Ako yung klase ng kaibigan na gustong makita na mag-excel ka." sumimangot siya sa sinabi ko at kumapit sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa classroom.

Hindi na lang namin pinansin ang mga tingin nila kasi kahit sitahin pa namin sila ay mas lalo lang silang titingin.

"Bakit ba lagi mong pinapamukha sa akin na ako 'yung bad influence na friend?" pabiro niyang tanong kaya humalakhak ako.

"Wala naman akong ginawa? Tsaka mamaya pa naman yung quiz. Sasabayan kitang mag-aral sa lib mamaya okay? 'Wag kang mag-alala." ngumiti siya sa sinabi ko.

Pagdating namin sa classroom ay nahagip ng tingin ko si Archer nakausap ang isang babaeng kaklase namin. Mukhang nag-aaway. Mukha kasing naiinis ang babae at tinignan ng masama si Archer.

"Hay nako! Sa block na naman natin nakahanap ng malalandi si Archer." hindi na ako sumagot at nauna ng naglakad.

Ayaw kong dumaan sa harapan nila kaya nilagpasan ko sila at sa likod dumaan. Ang exit na pinto. Halos mapasinghap ako nang dumaan ako dahil amoy na amoy ko ang mabangong pabango ni Archer.

It smelled like a men's cologne. It wasn't too much like how other men from our building smell. Na para bang linulunod at liniligo nila ang sarili sa perfume. Mas bumabaho lang sila dahil ang tapang ng amoy ng perfume nila tapos ilang spray pa ang linagay nila sa sarili.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon