11

3.9K 102 15
                                    

"Bakit ka umalis kahapon? Akala ko cr lang? Bakit hindi ka na bumalik?" bungad ni Hera sa akin nang pumasok ako sa room. 

Mahina akong natawa sa tanong niya. Vera raised her brow, na para bang hindi naiintindihan ang pinaguusapan namin. 

"May gala kayo na hindi ako invited? Napaka traydor niyong dalawa ha." humalakhak ako at umiling. 

"My dad's birthday. The mayor and his family were invited." 

"Hindi ka bumalik. Sabi ni Archer pinapasabi mo na lang raw na umuwi ka." 

"Yup, umuwi talaga ako." sabi ko na lang at umupo na sa upuan ko. Hindi na sila nagtanong kaya hindi na rin ako umimik. 

Pumasok na ang prof namin na may dala dalang laptop at tumikhim. Tumayo kaming lahat para bumati. He motioned his hand that we should sit down. 

"Good morning Block D, today I would like to introduce you to your new block mate. He requested to be transfered here and the dean approved that." tumaas ang kilay ko. 

Sino naman kaya to? Naghintay ako na tawagin ito ng professor. 

"Archer Hidalgo, please come in and greet your new block mates." literal na nanlaki ang mata ko.

Archer went in looking clean in his uniform. Naka clean cut, may suot itong relo at may suot pa itong glasses! The glasses that didn't make him look like a nerd! The glasses that made him look hot! What the fuck? 

"The fuck? Bakit hindi ko alam to?" gulat na tanong ni Hera. 

Maraming nag bubulong bulongan. Tila nagulat sa biglaang pagtransfer ni Archer sa block namin. Nagulat din naman ako! 

"Good morning everyone, Archer Hidalgo, pleased to meet you all." 

"Okay Mr. Hidalgo, umupo ka sa tabi ni Dela Fuente." nalaglag ang panga ni Hera. 

Alam ko na gusto niyang umalma pero hindi niya magawa. Masama ang tingin niya sa papalapit na si Archer. Tinitigan ko si Archer at nang nagtama ang mata namin ay agad akong nagiwas ng tingin. 

Bahagya pang uminit ang pisngi ko. He caught me checking him out! Tumikhim ako at nakinig na lang sa teacher nang nagsimula itong magturo. 

"Bakit kaya nagtransfer si Archer sa block natin? Dahil ba sayo Hera?" si Vera nang kumakain kami sa canteen. 

"Hindi ko alam! Why would he even transfer in our block just because of me? Hindi naman siguro…" 

"Wala namang ibang dahilan. Lahat ng malalapit niyang kaibigan ay nasa block nila. Kaya bakit naman?" 

"Baka gusto niyang bantayan si Hera? He's a protective cousin right?" I asked and took a bite from my burger. 

"Ang weird… Wala naman siyang sinabi sa akin. At tingnan mo o," nginuso ni Hera ang pwesto nila Archer. 

"Yung mukha nila Vianna hindi maipinta, mukhang hindi rin nila alam na biglang nagpatransfer si Archer sa block natin." I stared at their group. 

Hera's right. Kita ko ang galit sa mukha ni Vianna. Hindi ata makapaniwala na bigla itong umalis sa block nila. Nagtama ang mata namin ni Vianna at agad niya akong tinignan ng masama. Tinaasan ko siya ng kilay. 

Bakit naman siya galit sa akin? I literally did nothing! Nagiwas na ako ng tingin at binalik sa mga kaibigan ko ang tingin. 

The day went fine, that's what I thought at least. 

Bumaba ako papunta sa court para sana tingnan ang mga varsity players na naglalaro pero pababa pa lang ako sa stairs ay bumungad sa akin sina Vianna. 

Alam ba nila kung kailan ko kasama o hindi kasama ang mga kaibigan ko? Vera and Hera isn't with me again. Nasa library sila. 

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon