15

4K 93 3
                                    

It's been a week since that dinner. I still remember everything clearly and Mayor Hidalgo's words still troubles me. His words wakes me up at night. It doesn't allow me to sleep because it bothered me..

Sa mga nakalipas na araw ay parehas lang naman ang pagtrato ko kina Hera. Kay Archer naman ay medyo iniiwasan ko siya. Kinakausap lang kapag tungkol sa project at pag pumupunta ako sa bahay niya ay hindi kami masyadong nag-uusap.

I guess he noticed that I was uncomfortable after what happened at the dinner last week. I was offended and hurt because I know it was true. Maybe that's why I can never clear my name nor my mother's name because I am the living proof of her being a mistress.

Dahil nandito ako, nabubuhay. I will forever be a living image of how Sir Adam and my mom had a one-time relationship. I sighed as I looked at Erika who's busy watching a series while my mom is inside the kitchen, cooking dinner for us.

Hindi na ako magugulat kung malaki ang babayaran namin sa kuryente. Non stop ata to si Erika sa pag nenetflix eh. Kakarating ko lang sa bahay siya ang bubungad sa akin at kapag wala namang klase, buong araw siyang nagt-tv.

"Luto na ang pagkain!" si mama.

Nauna akong pumunta sa kusina at umupo sa upuan habang linalapag ni mama ang mga putahe na niluluto niya. Sumunod naman si Erika sa akin at umupo sa tabi ko.

"How's your school, Lair? Erika? Kamusta ang usjr? Okay lang ba?" si mama.

"Schools fine ma." sagot ko.

"Yes tita! Usjr is fine. Thank you po sa pag papaaral sa akin tita. Babawi po ako pag nagkapera na sina mama." biglang naging seryoso ang mukha ni mama kaya tumaas ang kilay ko.

May masama bang na sabi si Erika?

"Mabuti kong ganon." and just like that, the conversation died.

Ako na ang naghugas sa pinagkainan namin at pumunta ako sa veranda ng kwarto ko habang tinatanaw ang buwan at bituin. The scenery was beautiful. Hindi nagtago ang mga bituin. They shined beautifully.

Nagring ang cellphone ko kaya napatingin ako sa maliit na lamesa sa gitna. Si Archer... Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinasagot iyon.

"Hello?" sagot ko sa mahinang boses.

Tahimik ang kabilang linya kaya kinakabahan tuloy ako. Bakit hindi siya nagsasalita? Sana pala ay hindi siya tumawag kung hindi lang siya magsasalita.

"Hello?" ulit ko pero wala pa rin.

Ngumuso ako at tinignan muli ang buwan. Bahagyang nagulat ng may makitang shooting star! Dali dali akong pumikit at binulong ang mga hiling ko. I then returned my attention to Archer who's still on the other line.

"Kung hindi ka sasagot, ibaba ko na lang ang tawag." I was ready to end the call but Archer was quick enough to answer.

"Hello..." his deep voice gave chills to my spine.

Deep and hoarse. Na para bang galing siya sa isang malalim na tulog at pagkagising niya ay ako agad ang tinawagan niya. I blushed at the thought.

"Bakit ka tumawag? May kailangan ka?"

"It's my birthday next week..." nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Bakit mo sinasabi sa akin? Pero advance happy birthday. Sorry at wala akong gift." humalakhak ako sa sinabi ko.

Sinandal ko ang likod ko sa upuan. The thought of me and Archer talking over the phone under this night sky made me feel butterflies in my stomach.

"Punta ka, you're invited." I smirked.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon