14

4K 90 14
                                    

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Nahihiya naman akong tanggalin iyon kaya kagat labi ko na lang tinignan ang kamay namin. Nakakahiya pa kasi naka uniform kami! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao!

Baka akalain nila na malalandi kaming estudyante! Mukhang kilala pa naman ng iba si Archer bilang anak ng mayor. I mean obviously... He joined some events already and a lot are expecting for him to run as the next mayor. Probably expecting him to enter the political world...

"Uh, dalawang bote ba ang bibilhin natin?" bahagya kong hinila ang kamay ko at agad hinawakan ang wooden glue na nasa harap namin.

Liningon ko siya at mukhang wala naman siyang pake. Maybe that holding hands thing didn't matter to him or have any meaning. Nalungkot ako sa naisip. Damn, gusto lang diba at saka akala ko ayaw mo sa kanya Lair? Process nga diba? Process of not liking him anymore!

"Pwede, we can just buy a new bottle if ever it gets finish." I nodded my head and got two bottles.

Nauna na akong naglakad paalis para mabayaran pero mabilis niya akong nahabol. Ngayon ay sabay kaming naglalakad. Ang kamay niya ay nasa magkabilang bulsa. I almost wanted to roll my eyes. I can see how some saleslady were staring at him.

Though I'm not shock. Hindi naman talaga mapapagkaila na gwapo at matipuno si Archer. I just shookt my head a little as I proceeded to the counter. Pati ang cashier ay tumitig!

"Ako na ang magbabayad." pigil niya nang kukuha na sana ako ng pera sa wallet.

Wala na akong nagawa nang dumukot siya ng one thousand sa wallet at binayad ito sa cashier. Ngumuso na lang ako at sinauli ang wallet sa sling bag. Kaya ko naman iyong bayaran...

Lumabas na kami at bumili ng toothpicks. Mga sampung boxes ang binili namin. Iniisip ko pa lang kung paano namin gagawin ang bridge ay nawawalan na ako ng lakas at pag-asa.

"Asan tayo? Tapos na diba? Sa inyo na tayo didiretso?" he shook his head.

"Gutom ako, gusto mo bang magstarbucks? Ako na ang bahala sa bayad."

"Ha? Wag na... Ako na lang ang magbabayad sa bibilhin ko. Ikaw na nagbayad sa mga materials eh." hindi naman siya nakipag talo kaya hindi na ako masyadong nahirapan.

Nakarating kami sa sa Starbucks at siya na ang nag order para sa amin. Though I paid him for my order. Isang java chip drink at isang cookie lang ang inorder ko.

Tahimik lang ako habang hinihintay si Archer na pumipila. I insisted that I should be the one lining up but he shut me down and slowly pushed me away.

I got my phone ang scrolled around my Instagram feed. Ang unang bumungad sa akin ay ang mga post ni Vera. Tinignan ko ang stories nito at marami itong selfies na pinost. May mga pinost din siyang pagkain at ang hindi pa nasisimulan na bridge.

Akmang magrereply ako sa story niya pero agad ring naibaba ang cellphone nang marinig ko ang papalapit na yabag ni Archer. Nag-angat ako ng tingin at nginitian niya ako bago binaba ang hawak-hawak niyang tray.

"Inantay mo ba ang drinks?" bahagyang natatawang sabi ko.

"Yeah, I hate standing up again and again." ngumuso ako at tumango na lang.

I started eating. It's awkward. Walang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko rin naman alam nag sasabihin ko kaya hindi na ako nagsalita. Kung sina Vera pa ang kasama ko ay baka marami na kaming napagusapan ngayon.

"Since we're a pair for this project that would probably last for almost a year, it's better if we get to know each other right?" napalabi ako sa sinabi niya pero dahan dahang tumango.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon