03

6K 129 26
                                    

Tahimik lang akong naglalakad pabalik sa classroom habang hawak-hawak ang binili kong burger sa canteen.

"'Yan 'yung feeler na babae. Akala niya makukuha niya si Archer." Tawa nito.

Napalingon ako sa direksyon nila at bahagyang nagulat nang nakita ang dalawang matalik na kaibigan ni Vianna. Nandoon din si Vianna.

Huminga ako ng malalim at linampasan sila pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang huling salitang binitawan nila.

"She needs to be Vianna in order to do that. Yan kasi, anak ng kabit." I gritted my teeth.

Ayaw ko silang patulan kaya linagpasan ko sila pero mukhang malas nga talaga ako. Nabangga pa ako at dahil don ay nalaglag ako kasama ang burger ko.

I cursed when I felt the mayonnaise on my chest. Huminga ako ng malalim at nag-angat ng tingin sa nabangga ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Archer.

He was busy wiping off the ketchup near his collar. Naiinis niya akong binalingan at agad namang lumapit sa kanya sina Vianna.

"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? How are you so clumsy! Nadumihan tuloy ang uniform ni Archer." kinuha nito ang panyo niya at tinulungan si Archer na matanggal ang napakaliit na stain ng ketchup!

"Sorry," sabi ko sa mahina na boses at tumayo.

Lalagpasan ko sana siya ng may humila sa pulsuhan ko kaya muntik na akong masubsub. Huminga ako ng malalim nang nagtama ang mata namin ni Vianna.

"'Yun lang ba ang sasabihin mo? Your half hearted sorry?!" gusto kong umirap sa sinabi niya.

Kung maka-asta siya ay parang siya ang natupunan ko! Hindi naman! Si Archer ang natapunan ko!

"My sorry wasn't half meant. I meant it. Kaunti lang naman ang nadumihan sa kanya. Tingnan mo to," tinuro ko ang uniporme ko na ang daming ketchup and mayonnaise.

"Mas marami pa sa kanya. Kung tutuusin ay dapat nga siyang mag-sorry din kasi pareho naming nabangga ang isa't isa." tinignan ako ng masama ni Vianna at marahan kong hinila ang pulsuhan ko.

"Ikaw ang nakabangga!" giit niya.

Nagbuntong hininga ako. Gusto ko pa sanang sumagot pero ayaw ko ng away. This is nothing big. Kung papatulan ko pa ito ay siguradong mas lalaki ito.

"I'm sorry. Kasalanan ko. Ako yung nakabangga. Sorry..." tumalikod na ako at iniwan sila roon.

I sighed and went inside our classroom. Agad naman akong sinalubong ni Vera.

"Anong nangyari sayo? Bakit ba ang dumi mo? Tinaponan ka ba nila ng ketchup? Aba't ireklamo na natin sila sa dean!" kulang nalang ay isigaw niya iyon sa buong campus.

"Are you okay? Bakit ka na dumihan?" Hera offered me her hanky and I gladly accepted it.

"Ah, nabangga kasi ako tapos yung kinakain kong burger natapon sa akin. 'Wag na kayong mag-alala." pumunta ako sa upuan ko at kumuha ng alcohol roon.

I gently wiped my uniform so that I won't smell like ketchup and mayo. Nag-spray din ako ng perfume at nginitian ang dalawa na mukhang nag-aalala talaga.

"Don't worry... It's an accident. Hindi nila ako binubully okay?" I assured them.

Pagkatapos ng klase ay umuwi muna ako sa bahay para makapag-bihis. Tatapusin kasi namin sa bahay ni Hera ang reporting namin. Hindi pa kasi namin ito natapos noong linggo.

Ayaw ko namang pumunta roon sa bahay nila na may ketchup at mayonnaise na stain. I sighed as I went out my car. Pagpasok ko sa bahay ay napaatras ako nang nakita si sir Adam.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon