13

3.8K 94 7
                                    

"Hindi ka pa rin papasok? Nilalagnat ka pa rin?" si Vera nang sinagot niya ang tawag ko.

I sneezed before answering. "Yup, hindi pa rin bumababa ang lagnat ko eh."

Mataas pa rin ang temperatura ko. Malapit ngang hindi pumasok si mama sa trabaho niya kasi nag-aalala talaga siya sa akin. Mamayang hapon ay magpapacheck up na ako para masigurado kong lagnat lang ba talaga ito.

"Naman! Miss ka na namin ni Hera!" I stilled.

Can I really avoid Hera? Kakayanin ko ba? She's a great friend who did nothing but be nice to me tapos bigla ko siyang iiwasan? Bigla akong bibitiw?

I just didn't want any complications. Hera is related to Archer and that's why it's a mess... Kasi sa lahat ng pwede niyang maging pinsan si Archer pa talaga!

"Ah, oo. Miss you both too. Paki sabi na lang sa akin kung may mga gagawin para magawa ko. Paki sabi rin sa prof ha, na linalagnat ako kaya wala ako." she hummed on the other line.

"Oo, sasabihin ko." binaba niya na ang tawag.

I sighed and went out of my room. Ang unang bumungad sa akin ay si Erika na kumakain ng hilaw na mangga at sinasawsaw ito sa patis at suka. Tinignan ko ang pinapanood niyang series.

"Shadow hunters?" hindi makapaniwalang tanong ko. She's into fantasy movies pala?

"Kumain ka na don, ako ang sasama sayo sa ospital." Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay.

"Talaga? Ano naman ang nakain mo at pumayag ka na samahan ako?" pinakita niya sa akin ang hawak hawak niyang mangga.

"Ito, at saka pinakausapan ako ni auntie no! Busy daw siya ngayon sa trabaho. Gusto ka raw niyang samahan pero busy siya kaya nakiusap siya sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi diba? Nakikitira na lang nga ako." hindi ko na siya sinagot at pumunta na sa kusina.

May nakahanda na hotdog at itlog roon. Ayaw ko mang kumain ay kailangan kong pilitin ang sarili ko para lumakas at makabalik na sa pag-aaral. Missing classes as an engineering student is hard. Marami kang mamimiss na discussion at mahirap na mag catch up.

Kumain na lang ako roon at pagkatapos ay nagbihis na. Hindi pa kasi ako pwede maligo dahil linalagnat. Nakasuot lang ako ng leggings at white t-shirt. Pagbaba ko ay nakita ko na ang pinsan ko na para bang mall ang pupuntahan namin.

"Mang-aakit ka ba ng doktor doon?" kunot noo kong tanong at tinignan siya ng mabuti.

She smirked at me. Nakasuot ito ng fitted black dress na sleeveless. Kumuha ito ng mini denim jacket blazer at sinuot ito. Bahagaya pang kumunot ang noo ko nang may kinuha siya sa bag niya.

"Shades!" she exclaimed. "Mang-aakit ako ng doktor. Baka sakaling ma fall sila sa beauty ko." She let out a bark of laughter before going out.

Binigay ko sa kanya ang susi ng kotse ko at siya na ang nagdrive patungong Chong Hua hospital para magpacheck up. Everything was good though. Nagkaflu at fever lang daw ako. May rineseta ding medisina na binili namin sa baba.

"Libre mo naman ako ng Jollibee." siniko ako ni Erika kaya tinignan ko siya ng masama.

"Wala akong pera." sumimangot siya at inirapan ako.

Tinanggal niya na ang suot suot niyang denim jacket dahil ang init ng panahon ngayon. Kita ko ang pawis na namumuo sa nakakunot niyang noo.

"Hay nako! Tara na nga at para makauwi na tayo! Ang init! Ni wala man lang gwapong doktor!" napaubo ako sa sinabi niya lalo na nang tinignan kami ng guard.

"Tumahimik ka nga! Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo. Mahiya ka nga!" hinila ko siya papunta sa nakapark kong sasakyan at tinulak siya papasok sa drivers seat.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon