12

3.8K 94 6
                                    

Kinabukasan ay nilagnat ako kaya hindi ako pumasok. Thankful din naman ako na nilagnat ako kasi kung hindi, edi papasok ulit ako sa eskwelahan tapos classmate ko pa si Archer? 

Huminga ako ng malalim at humiga sa kama ko. May cool fever na nakalagay sa noo ko. Nag-alala kasi si mama kasi syempre minsan lang ako lagnatin kaya medyo nataranta si mama nang bigla akong linagtan. 

Kung alam mo lang talaga ma.

Napalingon ako sa pinto ko nang may kumatok roon. Bago pa man ako makasagot ay binuksan na ito. Napalabi ako nang nakita si Erika. Sino pa nga ba ang bubukas sa pinto ko ng walang paalam? 

Linibot niya ang tingin sa kwarto ko. Kung may lakas ako ay kanina ko pa siya hinila palabas pero dahil pagod talaga ako ay hinayaan ko na lang siya.

Tumitingin tingin siya sa mga gamit ko roon kaya tinaasan ko siya ng kilay. Umupo siya sa loveseat na nasa gilid ng veranda ko.

"Nagka lagnat ka ba ng dahil sa ginawa ng mga kaklase mo kahapon?" I rolled my eyes. 

"What do you want to know Erika?"

"Wala, gusto ko lang malaman kung binubully ka talaga. Bakit hindi mo sinasabi kay tita? Dapat ay sabihin mo. Para ma aksyonan-"

"At mas lumala ang pambubully sa akin Erika?" pagputol ko sa kanya.

I honestly thought about that already. Na isumbong sila ka mama pero habang mas tumatagal ako sa USC ay napagtanto ko na wala talaga itong silbi. Their families are powerful, too powerful. 

Wala akong laban pagdating sa kanila. That's what makes everything unfair. Justice are for the rich and of course, for the powerful. Kaming mga hindi makapangyarihan ay napipilitan na tumahimik na lang. 

"Hay nako Lair, you keep thinking about the worse scenario. Yes, I understand about the powerful stuff you keep saying pero kung hahayaan mo talaga sila ay sosobra sila Lair. Dapat ay pinapakita mo sa kanila na kahit hindi mayaman at maimpluwensya ang pamilya mo hindi ka papayag na apak-apakan ka lang nila." Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay. 

"Now you sound worried about me. Hindi ba ito ang gusto mo? Ang apak-apakan ako?" tanong ko. 

Nakakapanibago lang na ganito siya. She sounds concern, looks concern, and acts like she's concern. Eh gusto niya naman na makita akong nagkakaganito. Ang nahihirapan.

"Gusto ko ako lang ang bumubully sayo. Bakit ka pumapayag na ibully ka nung mga kaklase mo? Kung ako nga ay sinasagot sagot mo, sila pa kaya?" I smirked at her and closed my eyes.

Medyo sumasakit na ang ulo ko. Para itong binibiyak. "I don't want any complications Erika. Paalis na rin naman ako sa USC. Isang taon at ilang buwan na lang ang hihintayin ko." 

"And you think everything would stop there? No, hindi dahil nakagraduate ka ay tapos na ang lahat. They'll just continue bullying you. Who knows... They might even block your way to success. People are cruel. They never stop being cruel, especially if they see you as a threat." at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto ko. 

Hindi ko na lang siya pinansin at natulog na lang ng dahil sa pagod at sa sakit rin ng ulo. Nagising lang ako nang naramdaman ko na may mahinang humaplos sa buhok ko. 

"Are you okay? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Umiling ako sa tanong ni mama. 

"I'm fine ma, nabasa lang kasi ako kahapon at natuyuan tapos naka aircon pa yung sasakyan ko kaya ganon." mama nodded her head but she still looked worried. 

Alas syete na pala ng gabi. Dahan dahan akong umupo at inalalayan ako ni mama. She let my back and head rest on the headboard of my bed. 

"Kain ka na. Gusto mo bang subuan kita?" mahina akong humalakhak at umiling kay mama. 

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon