27

3.5K 63 12
                                    

Tulala lang ako habang nakaupo sa couch. Ramdam ko ang titig ni Erika sa akin pero hindi ko iyon binigyang pansin. My mind is a mess.

After that night, everything between me and Archer was still the same. He got sweeter but to be honest I was bothered. Not because of his actions but because of his father's words. His last words were like a curse. As if casting it on us.

A curse that was sealed. Na para bang mangyayari talaga.

"Huy!" natigilan ako sa pag-iisip ng bigla akong tinunilak ni Erika.

Tinignan ko siya ng masama. "Ano ba?" medyo iritado kong tanong.

"Bakit ka tulala? May problema ba kayo ni Archer?" umiling ako.

Hindi naman talaga kami nag-aaway ni Archer. Hindi ko rin naman dinidistansya ang sarili ko sa kanya. May mga panahon lang talaga na bigla kong naiisip ang sinasabi ng papa ni Archer. Hindi na siya lumayo sa isipan ko.

Tahimik lang ako habang naglalakad sa hallways ng school. Hindi muna ako pumasok sa classroom kasi gusto ko munag mag-isip isip.

"If it isn't Archer's girlfriend! What a nice day to meet you!" nag-angat ako ng tingin at nang nagtama ang mata naming ay tumaas ang kilay ko.

"Vianna?"

"In flesh, my dear." she smiled. "I heard pinakilala ka na niya kay tito... It was awful right? I'm sure tito lashed out!"

"How would you even know that? Wala ka don." humalakhak siya sa sinabi ko.

Hinawakan niya pa ang tiyan niya, na para bang may nakakatawa akong sinabi.

"I know tito, he hates mistress's and of course, the son or daughter itself." hindi ko alam kung bakit bigla siyang ganito.

She never talked to me after what happened at Vikings. Tanging mga pekeng ngiti lang ang binibigay niya sa akin at lagi niya akong iniiwasan. Kaya nakakapagtaka kung bakit siya lumapit sa akin ngayon at para bang bumalik ang dating Vianna.

"He welcomed me nicely, with arms wide open Vianna." I lied but she only laughed.

"Oh, really Lair? Kaya pala ako tinawagan ni tito? Bakit raw hindi ako ang kasama ni Archer kahapon? Bakit daw ibang babae at ang anak pa talaga sa labas ni tito Adam?" ngumiti ito sa akin.

Nanlaki ang mata ko at napaatras. She smiled at me wickedly. Tinawagan ba talaga siya ni mayor? Totoo ba? Si Vianna ba talaga ang gusto niya para kay Archer?

"Y-you..." she smiled and nodded.

"Yes, me Lair. Me. Sa tingin mo ba ay nanalo ka dahil naging sayo siya Lair? No. You're still a loser. You still lose. Why do you think I was calm after knowing you both were together? Because I know tito would stop the both of you." napa kurap kurap ako at ngumisi siya.

"There was no competition Vianna and if there is. I assure you that I'll win." mariin kong sabi kaya humalakhak siya.

"Look Lair, do you think you and Archer are a great pair? If yes, then you must be blind. I don't have to worry Lair, I have tons of things to do right now. Alam ko naman sa huli na ikaw ang bibitiw. Sasaktan mo si Archer at uuwi siyang luhaan sa akin at sa huli, ako ang nagwagi." she gave me a wicked smiled before walking away.

Hindi ko siya maintindihan. Lalo na ang huli niyang sinabi. Parang may pinapahiwatig siya na hindi ko alam. Na hindi ko maintindihan.

"Lair!" nagulat ako ng may biglang yumakap sa likod ko.

"Archer! Ginulat mo ako!" natatawang sabi ko niyakap siya pabalik.

Kahit bumabagabag sa isip ko ang sinabi ni Vianna ay hindi ko na lang iyon pinansin at sinubukang kalimutan para hindi mahalata ni Archer.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon