25

3.9K 71 8
                                    

It's always a good day to be alive, especially when it's Christmas.

It's the favorite time of the year and it's also one of my favorite holidays. We exchange gifts and have fun. Kahit kami lang ni mama at Erika ay masaya kami.

"Kayo na ba nung Alexus? Hindi mo inimbita dito ah..." umupo ako sa tabi ni Erika.

Habang nagkasama kami ay hindi na kami masyadong nag-aaway. May mga panahon pa rin na ganun pero hindi na madalas na nangyayari.

"Kami? Pinagloloko mo ata ako. Ayaw niya sa akin! Ang hirap kayang maghabol ng lalaking nasa law school at saka baka ganon talaga, he's older than me so he likes mature girls." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Edi mag law school ka rin!" tinignan niya ako ng masama.

"Kung kaya ng utak ko oo, pero hindi! Dumudugo na nga yung utak ko sa course ko, gusto ko ng grumaduate-"

"Which will happen this year and when you enter law school, Alexus will be in the last year of law school and you'll be a freshman." putol ko sa kanya.

"Hindi nga kaya ng utak ko Lair. Gusto ko yung tao, oo pero hindi kaya ng utak ko yung law school. Mamatay ng single, hindi na ma pa sa akin si Alexus, basta't hindi ako papasok sa law school!" puno ng pinalidad niyang sabi.

"Kaya wala kang jowa eh!" mayabang kong sabi.

Speaking of jowa, Archer isn't here in the Philippines. Archer and his family celebrated their holidays in Paris. Oh to be rich!

"Yabang mo, pero marami pa namang isda sa dagat!"

"Polluted na ang dagat." kontra ko.

"May isda pa rin."

"Si Alexus ang gusto mo."

"Kaya nga." nakanguso niyang sabi kaya humalakhak ako.

"Magpinsan nga tayo, pareho tayong mahilig sa A." ngumisi ako.

"Buti yung sayo, naging jowa mo. Ako naman, hindi pinapansin."

"Pumasok ka na lang kasi ng law-"

"Lair, aside sa fact na bobo ako, yung gastusin din ang iniisip ko Lair. Si auntie na nga ang nagpapaaral sa akin dahil walang pera sila mama at papa. Hindi ko nga alam kung nasan sila, tapos papasok pa ako ng law school para lang lumandi? Wag na lang Lair. Magtratrabaho na lang ako para makabawi kay Auntie at para magkaroon na kami ng pera ni mama." I sighed.

I get her point.

"What's with the long faces? It's Christmas eve! Ngumiti kayo mga magagandang nilalang!" ngumisi ako sa sinabi ni mama at lumapit para mayakap siya.

"Merry Christmas and a happy new year mama!" lumapit rin si Erika at hinagkan si mama sa pisngi.

"Merry Christmas auntie!"

"Erika, malungkot ka ba na hindi nakapunta ang mga magulang mo? Tinawagan ko sila pero hindi sumagot... Nag text din ako na may handa tayo para sa Christmas pero hindi talaga nagreply..." tumango si Erika at ngumiti.

"Naiintindihan ko po tita. Baka po ay busy lang talaga sa paghahanap ng trabaho. Hindi naman po ako nagtatampo at nalulungkot ng dahil don." humalakhak ako sa sinabi niya.

"Malungkot siya ma kasi hindi siya pinapansin ng crush niya. Pagtapos na siyang mag college pero wala paring jowa." mas lumakas ang halakhak ko kaya tinignan niya ako ng masama habang si mama ay napa iling iling.

"Kayo talaga! Lalaki na naman! Sino na naman yang lalaking yan Erika? Dapat humarap muna siya sa akin bago maging jowa mo!" nakapamewang na sabi ni mama kaya mas lalong lumaki ang ngisi ko.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon