16

3.9K 106 11
                                    

Tumikhim ako nang bumalik si Archer sa upuan niya. May hawak hawak na libro. Tahimik lang siya at hindi na nagsalita.

At least he helped me so that I won't be awkward...

"Lair!" napalingon ako nang sinigaw ni Hera ang pangalan ko.

Agad naman siyang sinita ng librarian kaya nahihiya itong ngumiti at dahan dahang lumapit sa amin nakasunod si Vera sa likod niya.

"Huh? Archer?" napaatras si Hera kaya nabangga si Vera.

"Hi," bati ni Archer sa mababa na tono.

"Anong ginagawa mo dito?" si Hera at umupo sa harap namin ni Archer.

Sumunod ulit si Vera na nakakunot ang noo at naniningkit ang mga mata habang tinitignan ako. Ngumuso ako at nagiwas ng tingin, hindi alam kung paano makakalusot.

"Bawal ba? We're friends."

"Kailan pa kayo naging friends?" sapaw ni Vera sa sagot ni Archer pero ang mga naniningkit niyang mata ay diretso ang tingin sa akin.

Napa kurap kurap ako. Hindi ko alam kung paano ko ito masasagot o matatakasan man lang.

"We're friends." ulit ni Archer kaya napairap ako.

"Wag niyo na kaming gisahin. Syempre, magkaibigan kami kasi pair kami. Kailangan naming maging friends. Wag nga kayong ma issue." sita ko sa kanila.

"She's going to my birthday." ngumiwi ako sa biglang pagsheshare ni Archer.

"Alam ko, I invited her." Hera said while her eyes was on her phone.

Habang nag-uusap ang magpinsan ay hinawakan ni Vera ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. She narrowed her eyes again!

"May something kayo?" she wiggled her brows.

"Wala, wag ka ng chismosa." humalakhak ako sa kanya.

"Parang hindi friends?" ngumisi ako sa sinabi niya.

"Mag kaibigan lang kami." giit ko.

"Luh? Hindi naman siguro ganyang klaseng kaibigan si Archer. Sasamahan ka mag-aral? Para na kayong mag jowa." I bit the inside of my cheeks.

For some reasons, I was excited with her compliment! Hindi makapaniwala na mukha pala kaming magjowa.

"Akala ko ba hindi mo na crush?" bulong niya.

Tumikhim ako at dahan dahang liningon si Archer na kausap pa rin si si Hera.

"Huh? Hindi ko naman sinabi na crush ko siya." pa simple akong lumayo sa kanya at binalik na ang atensyon sa laptop.

Hindi na siya ng usisa pa kaya nakahinga ako ng maluwag. I continued what I was doing. Lahat sila ay inantay na matapos ako kaya nahihiya ko ng sinirado ang laptop ko nang matapos na. It was already six pm.

"Grabe kayo? Hinantay niyo ako? I feel so special." biro ko.

"Hihintayin ka naman talaga namin Lair pero itong si Archer... Nakakagulat na inantay ka niya. He hates waiting." si Hera at liningon ang pinsan na ngayon ay nagiiwas ng tingin sa kanya.

"She told me to wait for her because we're going to continue the bridge in our house Hera. Stop putting malice." kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nag-isip kung may ganun ba kaming pag-uusap.

I don't remember saying that though... Kusa lang naman siyang umupo dito at naghintay

"Really? I did?"

He nodded his head. "Yup, but since it's already six pm let's have dinner in Ayala. Bukas na lang yung bridge." hindi na ako umalma at tumango na lang habang pinapasok ang laptop sa laptop bag. Si Vera naman ay masaya nang naimbita lalo na nang nalaman niya na libre ni Archer.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon