00

16.4K 222 45
                                    

Life was always harsh to me.

Tiningnan ko ang bawat hampas ng alon sa paa ko.

A lot of problems came to my life. Buong buhay akong nagdusa. Bakit nga ba? Hindi naman totoo ang pinagsasabi nila pero sa huli... nagdusa pa rin ako.

All I wanted was a peaceful life. Hindi ko kailanman na kamit iyan. Kinailangan kong talikuran ang lalaking pinakamamahal ko para maabot ang aking mga pangarap.

Para magkaroon na ako ng katahimikan sa buhay ko.

Tiningnan ko ang araw na pababa na. I like this place. No one knew me. No one judged me, everyone was so nice to me. It's sad to leave but I have no choice.

Bantayan Island, is just an escape from reality. Pagbalik ko sa Cebu City, ay mawawala naman ang katahimikan ko. I'll be back to hell again.

With all those people judging me even if they don't know the truth. It was always like that and I blame my dad. Siya ang rason kung bakit ganito ang buhay ko ngayon.

"Lair!" lumingon ako kay Vera na kumaway-kaway pa sa akin.

"Hinihintay mo talaga ako ha?"

"Syempre, na miss kita. Alam mo naman na madali kitang mamiss!" she giggled.

Ngumisi ako at pumasok sa loob ng condo ko. Pagod akong humiga sa kama. Ayaw ko pang ayusin ang mga gamit ko. Pagod pa ako.

"Sa tagal mo sa Bantayan Island late ka na sa balita." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"What?"

"Si Archer..." nakuha niya ang atensyon ko ng banggitin niya ang pangalan na iyon.

"May girlfriend na." pinikit ko ang mga mata ko.

I shouldn't be affected. Ako yung nakipagbreak. If he fell for someone else then it's not his fault.

"Talaga? Congratulations to him then." I sighed.

He fell in love for someone else while I'm still here. Crazy in love with him. Hindi ko naman siya sinisi. Walang dapat sisihin.

Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili na maalala kung saan nagsimula ang lahat...

Walking through the hallways, as usual, eyes were staring.

Bakit nga ba? Because I'm a daughter of a mistress! Narinig ko pa ang bulong bulongan nila habang nakatingin sa akin. Gusto kong umirap. Bakit pa sila nagbulong-bulongan eh rinig narinig ko naman sila?

Seriously, rumors fly so fast in this university. Students here love gossips and I'm their favorite gossip. Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha ang balitang iyan. Hindi naman totoo!

Yes, anak ako sa labas. Aaminin ko. Pero no'ng nag California si mommy doon niya nakita ang ama ko. Hindi niya alam na may asawa siya. My mom was a virgin when dad took her. It happened only once and she never expected me to come.

So how dare they call my mom a whore? A used girl? A mistress?! Kita ko rin ang mga maduduming tingin sa akin ng ibang teachers. Oo nga naman. Sino ba ako? Anak lang naman ako ng kabit.

Mabuti na nga lang at hindi ako na kick out. Seriously, students here are so rude and would rather believe the rumors than my words.

"Lair!" napalingon ako sa gilid ko nang may sumigaw sa pangalan ko.

Napangiti ako ng konti ng nakita si Vera. Siya lang ang nag-iisang kaibigan ko rito. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa sitwasyon ko at ang naniniwala sa pinagsasabi ko.

"Hi, ang aga mo ata ngayon?" natatawang tanong ko.

Nasa Talamban campus kami nag-aaral. The biggest campus of University of San Carlos. Nasa kolehiyo na kaming dalawa ni Vera at dahil maswerte ako. Magkaklase kami.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon