06

3.8K 106 6
                                    

My phone rang again. Pagod kong tiningnan ang caller. Si Vera ito. Hindi na kasi ako bumalik sa private room pagkatapos. I just told them that I'm going home through text.

Tama si Archer. I shouldn't be close to Hera. The Hidalgo's bloodline might not be running through her veins but she's still related to them. Hindi pa siya pinapakilala sa buong siyudad ngayon pero pag-darating ang panahon na iyon kinakailangan ko rin siya layuan.

She can't be my friend. I will only ruin her image and it's stupid of me to think that I stand a chance with Archer! Akala ko lang naman... Alam ko naman na hindi talaga kami nababagay.

What irritates me is I knew I shouldn't like him! I should hate him! Lalo na sa salitang binitawan niya kanina pero hindi ko magawa! Hindi ko magawang kamuhian siya! I... I still like him despite all the words he threw at me!

Nakaka-frustrate. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko dapat siya magustuhan. I already said that years ago. Pagtungtong ko pa sa kolehiyo ay siya ang una kong nakita.

Nang nalaman ko na anak siya ng mayor ay alam ko na agad na wala akong tsansa. Kaya nga nairita ako sa paratang niya kanina! I liked him for almost three years now! Kung talagang gusto ko mapalapit sa kanya ay noon pa sana ako gumalaw! Pero hindi!

I was satisfied in watching him from afar! Kahit nasaktan ako nung nalaman ko na sila na ni Vianna. Yet I didn't do anything! Matagal na kaming magkaklase ni Hera pero sa mga panahong iyon ay hindi ko alam na pinsan niya iyo at kahit alam ko pa ay hindi ko pa rin ito gagamitin!

I turned off my phone. The best thing I could do was to runaway. I am always good when it comes to this. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at lumabas sa kwarto.

I feel like busay feels good right now. I put down a memo that I was in Busay. Baka gabihin ako. Dala-dala ko ang cellphone ko at susi ng sasakyan ko. I sighed as I entered my car.

Hindi ko talaga alam kung saan talaga ako pupunta. Ang gusto ko lang naman talaga ay ang makahinga ng maluwag at pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa akin. I could leave USC if I wanted to but that's too much hassle...

Busy si mama sa trabaho at ayaw ko na dumagdag pa ito sa problema. She'll surely ask why I would want to transfer and I can't think of a reason. If I tell her about the mistress issue she'll only get hurt.

Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko sila Vianna. I just needed a break from everything. Kasi pagdating ng lunes ay siguradong babalik naman sa normal ang lahat.

It was a long drive to Busay but I honestly find it peaceful. Ako lang mag-isa habang sinsalubong ko ang preskong hangin. I went to a cafe nearby and almost gasped at the beautiful view.

Pababa na ang araw. The pinkish sky made me want to gasp. Ang ganda... Ang gandang tingnan nito. My problems fade away as I saw the marvelous sight.

"Wow..." hindi ko mapigilang mapamangha.

I turned on my cellphone to take a picture and right after I took a picture my phone rang again. Unknown number ito kaya sinagot ko ito dahil baka importante.

"At sumagot ka talaga pag ibang number!" napangiwi ako nang marinig ang boses ni Vera.

I guess I have no choice but to finally answer her calls...

"I'm in busay."

"Ano?! At hindi man lang nag-invite! Sandali e facetime ka namin-"

"Kaninong number ba itong ginagamit mo? Bumili ka ba talaga ng bagong sim para lang dito?" humalakhak ako.

"Huh? Hindi no! Sino ka ba! Number to ni Archer. Sige na, e save mo na." nanlaki ang mata ko sa narinig.

"A-ano? Number to ni Archer?" gulat na gulat kong sabi.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon