26

3.5K 70 18
                                    

Nanginginig ang nga kamay ko habang dahan dahang nilagay ng prof ang isang kilong bigas sa bridge namin. Bahagya akong napapikit at nagdasal na sana hindi ito magiba.

Hera and Vera passed so I'm wishing that I would to. I didn't want to fail. I felt Archer holding my hand tightly. I know he was nervous too. We both were. Ilang buwan namin ginawa ang tulay na yan!

Kaya kung magigiba ito at babagsak pa kami ay parang binaliwala lang din ang effort namin! Huminga ako ng malalim.

"Passed! Congratulations Ms. Diaz and Mr. Hidalgo. You earned a perfect grade!" tumili ako at niyakap ng mahigpit si Archer.

"Oh my God!" sigaw ko pero agad natakpan ang bibig at napalayo kay Archer nang tumikhim ang prof.

"I know the both of you are in a relationship but please, don't hug in front of me. Get out and bring the bridge with you." napangiwi ako at dahan dahang tumango.

Paglabas namin ay dahan dahan namin nilagay ang bridge sa gilid at agad ko siyang niyakap.

"We did it Archer! We did it!" sigaw ko.

Humalakhak siya at tumango. "Yes, we did it miss. Congratulations to us!" bago pa ako makasagot ay narinig ko na ang yabag ng papalapit kong kaibigan.

"Ano? Ano? Naka pasa kayo?!" hinarap ko sila Vera at tumango.

Tumili sila at lumapit sa akin para yumakap. "Tapos na talaga tayo sa fourth year college guys! Last year na natin sa college next year!" tumili ako.

Finally, gagraduate na rin kami next year! Isa sa mga pangarap ko ang matutupad. Ang pangarap na tuluyan na akong makapagtapos ng kolehiyo at ang makatulong na kay mama.

"This calls for a celebration!" Hera cheered and when I was just about to nod, Archer was quick enough to pull me.

"Lagi niyo na lang akong inaagawan. Akin na naman si Lair. Hera pakiuwi na lang yung bridge." umawang ang labi ni Hera at hindi nakapagsalita dahil hinila na ako paalis ni Archer.

Natatawa siyang tumakbo kaya natawa rin ako habang tumatakbo rin dahil hila hila niya ako.

"Gago ka talaga! Baka hindi iuwi ni Hera yung tulay natin!" hinihingal kong sabi nang nakarating kami sa parking lot.

"Tapos naman din yun at saka hindi makakaya ng konsensya ni Hera na iwan yun don. Kilala ko ang pinsan ko Lair kaya wag kang mag-alala." actually tapos na kami sa finals namin at iba pang requirements.

Yung bridge na lang talaga ang huli para tuluyan ng ma finalize ang grades namin. Hindi rin ako nagdala ng sasakyan ngayon dahil sinundo ako ni Archer sa bahay.

"At saka bantay sarado ka nila. Ngayon na nga lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama ka ng walang epal kaya hayaan mo na ako." I smirked.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya at hinayaan na lang siya sa gusto niya. In the end, we had a date on a coffee shop nearby.

Hawak hawak niya ang kamay ko at pinaglalaruan iyon habang ang isang kamay ko ay hawak hawak ang bagel na binili niya.

"We're going to reach our dreams together Lair. Malapit na." I nodded my head.

"I know. Ang bilis nang panahon no? Ganyan talaga siguro pag na enjoy mo yung bawat minuto."

"Na enjoy mo kasi gusto mo. I know a lot of people who gave up in the middle. Why? Because they didn't really like Engineering. Napilitan lang sila kasi panganay na anak, kailangan nila ng validation, o kaya ay na pressure." tumango ako sa sinabi niya.

"Maybe... I want to be an engineer so I enjoyed every bit of it. Kahit mahirap at nakakastress. Kasama naman kita at mukhang nastrestress ka rin naman sa mga gawain." humalakhak ako.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon