08

3.9K 102 11
                                    

Huminga ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan ko. I know this is another hell day at school. Lalo na sa nangyari kahapon. I was just defending myself but I knew the students here too well.

They're all in the favor of Archer and I cannot do anything about that. Ako yung may mali. As always. Minsan talaga ay gusto kong lumipat ng eskwelahan pero hindi ko magawa. Isang taon nalang at ilang buwan ang kailangan kong ipagdarusa.

USC also has the best quality education here in Cebu so I cannot transfer. Because I wanted the best.

Napatingin ako sa gilid ko nang naramdaman ko ang kamay ni Vera na nakahawak sa akin. She smiled at me.

"Wag kang mag-alala. Kung ibubully ka nila, always remember I got your back." Ngumisi ako at tumango.

Sabay kaming pumasok sa classroom. Many people were staring and murmuring but nobody went near me to bully me or confront me. I'm also quite thankful that I didn't bump into Archer or any of his friends.

"Lair!" si Hera nang makapasok kami sa loob ng classroom.

She embrace me into a tight hug. Ngumiti ako sa ginawa niya at yinakap siya pabalik.

"Sorry kahapon! I wasn't able to defend you! Nagulat kasi talaga ako sa inasta ni Archer. Though we already talked. Sorry din at hindi ako nakasama sa Dusit Thani niyo kahapon. I was really annoyed and just wanted to go home to scold my cousin. Sorry talaga Lair!"

She apologized again! I gave her a small smile and nodded.

"I'm okay. Nandoon naman si Vera at na enjoy naman namin ang pool nila." ngumuso si Hera na para bang nanghihinayang na hindi siya nakapunta.

She can literally afford to stay there anytime. Kahit siguro mag-iisang buwan siya don ay kayang-kaya niya. Their rich so...

"Ang mahal lang ng pagkain!" Tumawa si Vera. "We had to eat at Jollibee na lang kasi hindi na kaya yung budget." walang hiyang sabi nito.

"Ah? Really? We should go to Shangri-la soon. My free." si Hera.

Agad naman nitong nakuha ang atensyon ni Vera kaya mahina akong napa-iling. Vera is such a sucker when it comes to free things. Marinig lang niyan ang salitang libre ay hindi na yan mapapakalma.

"Talaga? Kailan? Bukas?" hindi ko mapigilan ang sarili na umirap sa mga tanong niya.

"Maghintay ka nga. Ikaw na nga ang linelibrehan ikaw pa ang atat." I scolded.

She glared at me and pouted.

"Nagtatanong lang naman." umismid ako sa sinabi niya at umupo na sa upuan ko habang patuloy sila sa pag-uusap.

"Probably pag-christmas break na? Medyo busy naman tayo ngayon eh."

"Won't you spend Christmas with your family?" tanong ko at mapait siyang ngumiti.

"My parents don't go home and my uncle barely celebrates Christmas. Kaming dalawa lang ni Archer ang nag-cecelebrate." napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

"K-kayo lang?" I mean, dalawa lang rin naman kami ni mama sa tuwing Christmas o kahit anong selebrasyon man.

Itinakwil si mama ng pamilya dahil sa akin at hindi rin ako naging malapit sa mga pinsan ko kasi hindi ako lumaki na kasama sila. Hindi ko rin naman sila masyadong nakikita.

My grandparents still abhor my mom and my grandparents from my dad's side? They hate me to the depths of hell. Hindi nila ako kinikilalang apo at hindi naman iyon problema. I'm not close to them and I don't plan to be.

"Yup, hindi naman boring. Archer is fun to be with during Christmas. He's like a brother actually. Twin na siguro since same age." humalakhak ito.

Nanahimik ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Ngumuso ito na para bang nag-iisip.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon