19

3.7K 95 7
                                    

"I guess they already know?" tanong ni Archer nang umupo siya sa tabi ko.

Humalakhak ako at tumango. Masama ang tingin ni Hera at Vera kay Archer na nakangiting nakaupo sa tabi ko.

"Ikaw Archer ha? Akala ko ba ayaw mo sa kaibigan ko?" si Vera na nangunguna pa at tinuro turo pa si Archer.

Agad namang sumunod si Hera at nakapamewang na hinarap si Archer kaya yumuko ako para mailabas na ang kanina ko pang tinatagong ngiti.

"Huy Archer ang taas ng pangarap mo? Lair is way out of your league. She deserves someone better!" si Hera kaya nag-angat ako ng tingin para tignan ang reaksyon ni Archer.

Nakakunot ang noo nito. "What? Hindi naman ikaw ang liniligawan ko Hera. Si Lair ang magdedesisyon kung karapat dapat ba ako sa kanya o hindi. Dapat mo nga akong ilakad kasi magpinsan tayo!"

"Ayoko nga! Ang pangit mo kaya! Lair rethink your decisions okay? Feel ko nagkamali ka lang!" humalakhak ako sa sinabi ni Hera at agad naman hinawakan ni Archer ang kamay ko kaya sabay na tinulak ni Vera at Hera si Archer.

Muntik na itong mahulog sa kinauupuan niya kaya napatayo ako sa gulat. Liningon ko si Hera at Vera pero nakatingin lang ito kay Archer habang nakataas ang isang kilay. Damn, they could honestly pass as twins!

"Nanliligaw ka pa diba? Wag mong hawak hawakan! Hindi mo pa jowa." Ngumisi ako sa sinabi ni Vera at umupo na lang sa upuan ko.

I felt Archer slowly pushing his chair near me. Nilagay niya ang dalawa niyang siko sa armchair ko kaya liningon ko siya. Nagtama ang tungki ng ilong namin kaya bahagya akong napaatras.

"Your friends are mean." I laughed a little at what he said.

"Your cousin is my friend so... she's mean too?" tumango siya kaya umirap ako sa sagot niya.

"Pupunta ka sa bahay mamaya diba? Gagawa tayo ng project." tumango ako sa sinabi niya.

"Opo, alam ko po. Hindi mo po ako kailangang pag sabihan pa."

"Don't use po. I'm not that old." kunot noong sabi niya kaya ngumisi ako at hindi na siya sinagot pa.

Our prof then entered and like the usual, he started discussing. Supposedly si Vera ang katabi ko pero agad siyang naagawan ni Archer ng pwesto kaya ngayon ay nakaupo siya sa gilid ni Archer. Masama ang tingin niya kay Archer habang ako naman ay nakangisi lang sa kanilang dalawa.

I still remember their reactions a while ago at the canteen. They were so shock. Impossible ba talaga na manligaw si Archer? Hindi naman siguro.... Nanligaw nga siya sa akin eh. Tinignan ko si Archer na kanina pa nakatingin sa akin.

"Wag ako ang tingnan mo. Yung prof ang tingnan mo." sita ko sa kanya at nginuso ang prof namin na patuloy pa rin sa pagtuturo.

"Paano kung ikaw ang gusto ko tingnan?" tinignan ko siya ng masama kaya ngumuso siya at agad hinarap ang propesor namin kaya napa iling-iling ako.

The class ended up smoothly and now we're outside the classroom. Nasa tabi ko si Vera at sa gilid ko naman ay si Hera habang si Archer ay nasa likod. Natatawa ko siyang liningon at nakasimangot ito habang dala-dala ang bag ng dalawa kung kaibigan.

"Ganyan nga Archer! Mas malaki ang tsansa na sasagutin ka ni Lair pag ganyan ka." si Vera at masayang naglalakad kasabay ko.

"At this point, parang kayo na ang nililigawan ko ah?"

"Ew, excuse me. Mag pinsan tayo, no to incest!" mabilis pa sa alas kwatro na pagkontra ni Hera.

"Hindi kita type Archer ha? Sorry pero ganito ka dapat manligaw. Hindi lang kay Lair kung hindi pati na rin sa mga kaibigan niya! Bakit? Easy lang naman, mabait si Lair, selfless, at matulungin kaya pantayan mo o kaya higitan mo pa!" Umirap ako.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon