Prologo

592 28 5
                                    

"Babe, siguro naman, pwede na tayong magpakasal. Maganda naman 'yung itinatakbo ng modelling career mo. Tapos, ok din naman 'yung takbo ng restaurant ko. It's about time na magpakasal na lang tayo para lagi na tayong magkasama"--mahinang wika ni Borj habang kumakain sila nang kasintahan na si Nicole sa isang restaurant. Mahinang tawa lang ang isinukli nang kasintahan at saka naiiling na nagsalita.

"Babe, Ano ka ba naman, kung kelan maganda ang takbo ng career ko saka ka pa naman nagyayaya diyan nang kasal. Give me some time para naman ma-enjoy ko pa 'yung career ko.." --sagot nang dalaga habang patuloy sa pagsubo nang pagkain.

" Ok Babe, siguro naman next year, pwede na di ba! Tutal ,2 years na rin naman itong relationship natin at nagmamahalan naman tayo kaya pwede na rin tayong magsama"--seryoso na namang wika ni Borj habang seryosong nakatingin sa kasintahan.

Uminom ang babae at itinigil ang pagkain. Halatang naiirita ito sa sinasabi ng kasintahan. Diretso itong tumingin sa lalaki at saka mahinang nagsalita.

"Babe, tingnan natin. Basta sa ngayon, huwag muna. Look at me now, Babe, unti-unti nang sumisigla ang career ko sa pagmomodelo. Dream come true para sakin 'to. "--at napakaluwang nang ngiting iyon ng dalaga.

Halatang-halata ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay unti-unti na siyang nakikilala sa mundo ng modelling. Hindi nagsalita si Borj sa sinabing iyon nang kasintahan. Dahil, mahal na mahal niya ang babae, susuportahan na lang niya ito sa mga pangarap at gusto nitong gawin sa buhay. Pero sa isipan niya. Nagpasya siya na maghahanda siya nang isang surprise wedding proposal para sa kasintahan sa mismong araw ng kaarawan nito. Limang buwan mula ngayon. Kaya naman, paghahandaan niya nang sobra ang birthday ni Nicole, lalo na ang wedding proposal niya para dito.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Limang buwan ang mabilis na lumipas,at sumapit na ang araw na pinakahihintay ni Borj.Ang birthday ng kanyang kasintahan na si Nicole.Pool party ang naging tema nang party ni Nicole.Karamihan sa mga guests ay kinikilala sa modelling world.Si Borj, ang naghanda at nagpagod sa lahat nang detalyeng makikita sa venue.Kahit ang food,si Borj din ang naghanda.Dalawang araw siyang hindi nagbukas ng pinatatakbong sariling resto para lang mapaghandaan ang birthday ng kasintahang si Nicole.Napakaganda ng ayos nang venue.Talagang ginastusan.Pinaghandaang mabuti.Ang concept,ang lights,ang sounds,decorations,pati ang foods.Kaya naman,masayang-masaya si Nicole sa gabing 'yun.At dahil masaya ang babae,mas doble ang sayang nadarama ni Borj dahil napasaya niya ang babaeng minamahal sa kaarawan nito.

Maya-maya ay nanakaw ang atensyon nang lahat nang may marinig nilang magsalita ang host sa birthday event ni Nicole.

"Ladies and gentlemen,tonight,we will now hear the special message from a woman who is very close to Nicole's heart.And,i am very glad and proud to introduce to you,the young woman at heart,no other than,Mrs. Elvie Guerrero."---masiglang tawag nang baklang host sa ina ni Nicole.

Pumailanlang ang malakas na palakpakan sa paligid.Maya-maya ay buong tamis na ngumiti ang magandang Ginang na halatang napaka elegante pa ring kumilos sa kabila ng katanghaliang edad nito.Talagang sanay na sanay ring magpaganda at manamit ang Ginang.Kaya hindi nakapagtataka kung napakaganda ring babae ni Nicole.

"Thank you!Thank you!" --nakangiting wika nito na tila inaawat ang mahaba at malakas na palakpakan nang naroroon.

"I am very glad to see you all here tonight.Despite of your busy time,you still find time to join and witness the birthday party of my daughter Nicole.Hija,Happy,happy Birthday."--at nakangiti itong lumapit sa anak at mahigpit na yumakap at masuyong hinalikan ang pisngi ng dalaga.

" Thank you so much,Mrs.Guerrero and perhaps, this event will not be complete,without the words of Nicole's knight and shining armour,ladies and gentlemen,let us all welcome,Nicole's lover boy, Borj!!!!!"---halos magtatalon sa sobrang kilig ang baklang host sa event na 'yun.

Pumasok si Borj sa bulwagan.Gwapong-gwapo ito at hot na hot sa suot nitong sando at short.Dahil pool party nga ang tema,naka swimming attire ang mga bisita,kahit si Borj.Kahit pa nga ang celebrant.Bitbit ni Borj ang mamahalin at napakagandang boquet.Umugong ang malakas na tilian nang mga panauhin nang matanawan nila ang paglapit ni Borj sa kasintahan nito.

Tinanggap nito ang mikropono na iniabot nang bakla sa kanya at patuloy na naglakad palapit sa nobya.

"Before i give my message,Babe,Will you allow me to dance with you?"--maginoong tanong nito sa kasintahan.

Lalong lumakas ang tilian nang nakangiting sumama si Nicole sa gitna ng bulwagan at maya-maya ay pumailanlang ang isang romantikong tugtugin.Masuyong hinapit ni Borj ang nobya at mahigpit na niyakap.Bagama't naramdaman ni Borj na bahagyang kumakawala si Nicole sa yakap niya,hindi niya iyon pinansin.Iniisip lang niya na nagulat ito sa ginawa niya.Dahil habang tumatagal,hinayaan na din ng nobya na yakapin siya ni Borj.

Maya-maya ay dumilim ang paligid.Namatay panandali ang mga ilaw na naroon.Nagsitilian ang ilang kababaihan.Maya-maya ay sumindi ang makanakaw pansin na fireworks display na panandaliang umagaw sa atensyon nang lahat at nagbigay saya sa mga ito.Muli na namang kinilig ang ilang naroroon nang may lumabas pa sa projector na powerpoint presentation tungkol kay Nicole at Borj.Masayang-masaya ang lahat sa napapanood na sweetness at happiness nina Nicole at Borj sa mga pictures na makikita sa projector.Subalit,hindi lahat ay masaya sa nakikita.At walang iba kundi si Nicole mismo.Gusto na niyang magreact habang nanonood dahil parang nasesense niya na may tinutumbok ang mga nangyayari.At hindi nga siya nagkamali,dahil sa last slide ng powerpoint ay naroon ang mga salitang tumatawag nang kanyang pansin.I LOVE YOU Babe!

Nakahinga nang maluwag si Nicole matapos ang presentation.Dahil,nagkamali siya nang iniisip.Hindi naman pala wedding proposal ang tinutumbok ng video na napanood niya.

Subalit nagulat siya nang muling magsalita si Borj gamit pa rin ang microphone.

"Babe,2 years is right enough for me,to realize how much i love you.I want to build a new world with you.Babe, Will you marry me? "--tanong ni Borj sa kasintahan at bahagya pang lumuhod sa harapan nito gaya ng pangkaraniwang wedding proposal na nauuso.

Umalingawngaw ang tilian,sigawan at palakpakan sa paligid.Lahat ay nananabik at naghihintay sa isasagot ni Nicole.

Binabayo nang sobrang kaba ang dibdib ni Borj.Matagal-tagal na din siyang nakaluhod at humihingi nang sagot sa nobya subalit nanatili lang itong nakatingin sa kanya at tila naguguluhanan sa isasagot.

Walang nagawa si Borj.Kahit nanlalamig at nangangatal sa tensyon,sinikap niyang muling magtanong sa kasintahan sa harap ng mga panauhing naroroon.

"Babe,Will you marry me??" --halos nagmamakaawa na ang tinig na 'yun.Tila nanghihikayat na sumagot na ang dalaga at huwag na siyang pahirapan pa.

Napatakip si Nicole sa bibig.Dumaloy ang mga luha sa maamong mukha ng dalaga at saka malungkot na umiling.

"Borj,I am sorry.Sinabi ko naman sayo di ba! Give me more time for this, This is not the right time para magpakasal sayo.I'm sorry"--at patakbo itong lumabas sa bulwagan.

Naiwang nanlulumo sa labis na kalungkutan ang puso ni Borj.Tulala itong napaupo at napaiyak sa kanina ay kinatatayuan lamang.Hindi siya makapaniwalang,tatalikuran siya ng kasintahan.Buong akala niya,mas pipiliin siya ni Nicole over sa career nito.Pero,nagkamali siya.Isang malaking pagkakamali pala ang alukin nang kasal ang babaeng tulad ni Nicole,na mas mahalaga ang career,ang pangarap,ang kasikatan,ang pera,kesa piliin ang magmahal sa isang lalaking tulad niya.
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

Hellow mga Sissy! Huwag malungkot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hellow mga Sissy! Huwag malungkot... Madami pang magaganap.. Go lang Borj! Move-on ka lang... Kahit kami na mismo.' di maka-move-on sayo!!! Ayyyieeehhh😂😂😂✌️

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon