Chapter 16

252 26 2
                                    

Sumapit nga ang araw ng Sabado.Gaya ng napagkasunduan plano ng tropa,tuloy ang overnight swimming sa beach malapit sa lugar nina Roni.Present nga naman si Borj.At siyempre,masayang-masaya si Tanya nang malaman na kasama ang binata.

Alas-nuebe na nang gabi at ang magkakaibigan ay tapos nang maghapunan.Napagkasunduan nilang magpalaro bago mag-inuman.Nasa may sulok na bahagi ng cottage na 'yun sina Roni at Borj at sinusulit ang oras na magkasama silang dalawa.

"Ang lamig noh,sarap kung may kayakap" --bulong ni Borj sa kanya.

Natatawang napalingon siya sa binata.Pero hindi siya nagsalita.Tahimik lang niyang pinipigil ang kilig at saya na nararamdaman ng kanyang puso.

"Hello Borj" --maya-maya ay wika.ng isang babae.Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng malanding  tinig.

"Hi din sayo Roni" --wika pang muli ng babae.

Napaismid na naman si Roni nang makitang si Tanya ang babaeng nasa harapan nila.Hindi maiikaila,maganda at napakasexy ni Tanya.Bagay na bagay sa magandang katawan nito ang suot na 2pc swimsiut nito.Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga saka lumingon kay Borj na noon ay nakangiti rin pala sa babae.

"Borj.Na challenge kasi ako ng tropa eh.Kailangan ko daw sumali sa game.Eh,pwede bang ikaw 'yung partner ko sa game."--walang gatol na wika ng babae.

" Huh!ah-eh"--alanganing wika ni Borj at naguguluhang tumingin pa kay Roni.

"Sige na naman oh,please..Tutal,birthday ko naman.So,katuwaan lang naman 'toh..Pleeeease Borj"--halos pagmamakaawa pa ng babae.

Tumingin muli si Borj kay Roni.Nanatiling nakatungo lang naman ang dalaga at hinihintay mismo ang desisyon ng binata.

"Go Borj!" --tudo pa ng ilang kababaihang naroon na kabarkada rin ni Roni.

"S-sige" --at tumayo na nga ang binata at humawak na rin sa kamay ni Tanya na kanina pang nakalahad sa kanya.

Gaya ng inaalala ni Roni.Naiwan siyang mag-isa sa sulok na bahagi ng cottage na 'yun.Nangibabaw tuloy ang sobrang inis sa kanya.
Una,naiinis siya kay Tanya,kalantariin ba naman si Borj alam naman nitong magkausap sila at nagmomoment silang dalawa.
Pangalawa,naiinis din siya siyempre kay Borj.Ang bilis makalimot sa pangako nitong hindi siya iiwan.Nakakita lang ng babaeng naka swimsuit,nag ka amnesia na agad.
Badtrip na badtrip si Roni sa gabing 'yun.Kung tutuusin pwede naman siyang makihalubilo sa ibang naroroon dahil barkada niya ang mga iyon pero dahil wala na nga siya sa mood mas pinili niya ang maiwan na lang sa isang sulok na yun.

Tatlong pares ang nakita Niyang nakatayo sa may malawak na buhanginan para doon gawin ang laro.

"Ok magandang gabi. Sisimulan na natin ang ating first game" --sigaw ng isang bakla na isa sa malapit na kaibigan ni Roni.

"Narito po ang mechanics ng ating laro.Ang mga babae ay uupo sa silya habang nakakuwintas ng tinuhog na marsmallow.Samantalang ang boys naman ay pipiringan natin.Boys para manalo kayo sa laro,kailangan ninyong kagatin at kainin,at ubusing lahat ang marsmallow na nakakuwintas sa girls.Boys ang saya-saya di ba"---excited na sigaw ng bakla.

Kung ang iba ay todo-todo ang sigawan at palakpakan,si Roni naman ay imbeyernang-imbeyerna sa sulok na 'yun.

Sumulyap sa bahagi niya si Borj bago pa man lagyan ng piring ang binata.At kitang-kita ni Borj na umupo sa tabi ng dalaga si Chad.Hindi na namang maiwasan ni Borj ang inis.At hayun,nagsimula nga ang laro.

"Hi Roni" --anang isang lalaki na umupo sa tabi niya.Si Chad 'yun.Hindi siya kumibo ni ang magsalita sa binata.

"Mukhang nagseselos ka Roni ah" --nakangiting wika ni Chad.

Pairap siyang lumingon sa dating manliligaw.

"My God Chad,saan ba nanggagaling 'yang idea mo.Hindi na nga ako nagsasalita at kumikibo dito,'yan pa din ang iniisip mo" --naiiling na wika ni Roni.Halata sa tinig nito ang pagkairita.

"Hindi ka nga nagsasalita,hindi ka nga kumikibo,'yang nguso mo naman oh,naninilos sa pagkainis." --natatawang wika ni Chad.

"Alam mo Roni,kilala kita.Alam ko kapag good mood ka o badtrip ka.Aminin mo na,selos ka noh" --dugtong pa ng makulit na binata.

"H-halata ba talaga" --tila pag-amin ni Roni.

"Kung matalas ang pakiramdam ni Boss Borj,alam niya yan..ramdam ng lalaki iyan.Pero kung walang pakialam si Boss,eh di hindi niya mahahalata"--natatawang paliwanag ni Chad.

" Palagay mo ba,selos toh?"--mahinang tanong ni Roni.

" Naiinis ka ba kay Tanya?"--tanong nito.

Marahan siyang tumango kesa  ang magsalita.

" Naiinis ka din kay Boss?"--tanong muli ni Chad.

Marahan siyang muling tumango.

" Gusto mo ba nasa iyo lang ang atensyon ni Boss,kaya lang nakuha ni Tanya kaya ka naiinis sa kanila"--imbestiga pang muli ni Chad.

Marahan siyang muling tumango.

" Confirmed Roni.Selos yan"--natatawa pang wika ni Chad.

" Eh bakit kasi kailangan pang magpakipot kung gusto mo na rin lang naman si Boss.Sige ka baka maagaw pa ng iba"--direktang wika ni Chad sa kanya.

" Kung mahal mo Roni,Sagutin mo na,huwag mo ng patagalin."--sulsol pa nito.

Napangiti siya sa binata.

" Salamat ha."--wika niya.

" Sus,alam ko naman Roni.Kaya basted ako sayo eh,alam kong mahal na mahal mo si Boss,ano pang magagawa ko eh,napakagwapo naman niyan"--sabay tingin sa lalaking abala sa pakikipaglaro.

Nagkatawanan na lamang silang dalawa.Pinanood na lamang nila ang laro.Sa halip na matuwa si Roni sa palarong iyon,matinding selos talaga ang nararamdaman niya.Siyempre,nakikita niya si Borj na humahangkab ng marsmallow malapit sa dibdib ni Tanya,nakakatuwa ba 'yun..di ba hindi..

Kung pwede lang niyang ipatigil ang laro.Malamang ginawa na niya.

Mabuti na lamang at nasa tabi niya si Chad.Nakikipagkuwentuhan na lang siya dito para kahit paano ay may iba pa siyang mapagtuunan  ng atensyon.

Natapos at natapos ang laro.Sina Tanya at Borj ang nanalo.Mabilis na tinanggal ni Borj ang piring na panyo at mabilis na sumulyap kay Roni.Subalit,nadismaya lang ang binata nang makitang nagtatawanan at magkausap pa rin sina Roni at Chad.

"Thank you Borj.Dahil sa magaling kang kumain ng marsmallow may premyo ka sakin" --malanding sigaw ni Tanya.

Nagulat ang lahat dahil mabilis na humalik ang babae sa labi ni Borj.Maging si Roni ay nagulat sa nasaksihan.At ang ikinainis pa niya,hindi man lang lumubay sa halik na yun si Borj.Matagal-tagal din ang halik na yun ni Tanya at hinayaan yun ni Borj.

Lalo tuloy nag-init ang buong katawan niya sa sobra ng galit.Noon lang niya napag-isip-isip.Hindi kaya nananadya na si Tanya.Dahil,nung magbreak si Tanya at si  Raffy(ex boyfriend niya),siya naman ang niligawan at sinagot din niya.Baka iniisip ng babaeng ito na inagaw niya si Raffy dito at may plano ngayon itong agawin sa kanya si Borj.

Maya-maya ay kumalas na nga si Tanya at Borj sa pagkakahalik.

Duguan ang puso ni Roni.Walang-wla na siya sa mood.

"Tara Chad,inom na tayo" --sabay tumayo na siya at hinila na ang binata para tumayo na rin.

Magkasama silang kumuha ng alak at nagtungo sa may tabing-dagat.Doon sila magkasamang nag-inom at nag-usap ni Chad.Tiim-bagang si Borj.Kuyom ang palad.Inis na inis siya sa gabing 'yun..

"Let's drink Borj.." --alok ni Tanya sa binata sabay abot ng bote ng alak.

"Sure" --at umupo na rin si Borj sa tumpok ng ilang kababaihan at kalalakihan na naroon habang nasa tabi niya si Tanya.

At hayun..nagkainuman na nga..Matira ang matibay!!!!..inuman hanggang umaga..

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon