Epilogo

351 30 7
                                    

Makaraan ang dalawang taon ay nakapagpatayo na sina Borj at Roni ng sarili nikang negosyo.Bukod pa doon ang papalaking-papalaki na restaurant ni Borj.
Makalipas pang muli ang isa pang taon ay nagdesisyon na silang magpakasal at manirahan sa Manila.

Si Inay Susan ay nagretiro na dahil sa edad nito at si Manang Elsa ang naiwan sa mga trabaho.Kung may time si Roni,si Roni pa rin ang kadalasang gumagawa ng ibang gawain sa bahay tulad ng pagluluto ng almusal,paglalaba ng maruruming damit nila ng asawa at siyempre ang pagdidilig ng halaman ng mother in law niya.

Naging masaya ang pagsasama nilang dalawa at naging swerte nga si Roni sa negosyo lalo na sa taong naging kapartner niya sa negosyo.

Si Chad ay nakatagpo na rin ng seryosong relasyon at nagpakasal na din ito.Si Tanya naman ay nakipagbalikan na sa ex-boyfriend niya at ex din ni Roni na si Raffy.At nalalapit na rin ang kasal nilang dalawa.

Si Nicole ay nananatiling abala sa carreer,kaya nalimutan na yata ang mag lovelife.Hayun single pa rin hanggang ngayon.

                          💖W.. A...K.. A.. S💖

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon