Chapter 14

262 25 2
                                    

Binubuksan na ni Borj ang pintuan ng kotse nang tumalbog ang bola sa kinaroroonan niya.Napukaw ng bola ang atensiyon niya at parang noon lang siya nakarecover sa mga narinig mula kay Roni.

"Boss!" --malakas na tawag mula sa may di-kalayuan ang narinig niya.

Nilingon niya ang tumawag at nakita niya ang nakangiting mukha ng isang lalaking pamilyar sa kanya.Minsan niya pa lang ito nakita subalit hindi ito maaalis sa utak niya.

Kahit umiinit ang dugo niya sa lalaki ay sinikap niyang ngumiti.Ang bilin ng Mommy niya bago siya umalis patungong Batangas,ay makipagmabutihan siya mga taong makakaharap niya ng sa ganun ay magkaroon siya ng kaibigan.Iyon na lang ang inisip ni Borj.Wala naman siya sa sariling teritoryo para magyabang.

"Boss,napadalaw ka!" --bati pa rin ng nakangiting si Chad ng makalapit sa kanya.Halata ang pawis nito dahil sa paglalaro ng basketball.

"Binisita ko lang si Roni.Pero..pero..aalis na rin ako" --at tuluyan na niyang binuksan ang pintuan ng kotse niya.Ayaw na niyang makipag-usap kahit kanino.Gusto na niyang umalis at magkulong na lang muli sa sarili niyang kuwarto.Akma na sana siyang sasakay ng kotse nang marinig ang huling hirit ni Chad.

"  Boss Congrats ha" --narinig niyang sabi pa nito.

Gusto niyang mainis sa lalaki.Subalit,dala ng kanyang kuryusidad,naisipan niyang magtanong dito.

"Congrats saan??" --kunot-noong tanong ni Borj.

"Congrats kasi di ba..Boyfriend ka na ni Roni." --walang gatol na sagot nito.

"Huh..Ano??" --naguguluhang tanong ni Borj.

"Boss..Eh,ang sabi ni Roni sakin,ikaw daw yung gusto niya eh..Kaya pala hindi ako makapasa-pasa sa kanya kasi may Sir Borj na siya eh!Naku sir,,ako..wala..Basted" --natatawang kuwento ni Chad na tila matagal ng close sa kausap.

Lalo lamang naguluhanan si Borj sa mga narinig mula kay Chad.

Samantala
Nagtataka si Roni kung bakit matagal tagal nang nakalabas ng bahay si Borj,hindi pa rin niya naririnig na umugong paalis ang sasakyan nito.Dahil na din sa pag-aalala,lumabas na siya ng bahay para tingnan kung ano na ang nangyari sa binata.

Nagulat siya nang makita kung sino ang nasa labas.Hindi niya akalain na magtatagpo sina Borj at Chad dun mismo sa tapat ng bahay nila.

"Uy Roni,sabi mo sakin boyfriend mo na si Boss.Pero,mukhang pinagtripan mo lang ako eh.Mukhang hindi naman kayo" --malakas na wika ni Chad ng makita siyang nasa may pintuan ng kanilang bahay.

Tila napahiya siya.Dahil nakatingin na naman sa kanya si Borj at halata dito ang labis na pagkalito.

"Sige na..sige na.. Chad,umalis ka na..Ako ng bahala dito..Ikaw talaga kahit kailan pahamak ka talaga" --pagtataboy niya sa makulit na kaibigan.

"Boss,mag-usap kayo nitong si Roni..Mukhang mas may pag-asa ka Kesa sakin"--at nangingiti na itong umalis sa harapan ni Borj.

" Mukhang madami kang kailangang ipaliwanag Roni"--bungad niya sa dalaga na nakahalukipkip sa isang tabi.

" Wala po akong dapat ipaliwanag sayo Sir"--mataray pang sagot ng dalaga.

" Hindi ko kasi magets,yung sinasabi ni Chad pwede mo bang ipaliwanag?"--maliwanag na ang mukha ni Borj.Nawala na ang lungkot.Tila nabuhayan ng loob ang binata.Mukhang hindi nakatakdang masaktan silang dalawa sa araw na 'yun.Dahil talagang gumawa ng paraan si Lord,para maayos ang dapat ayusin sa pagitan nilang dalawa.

Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Roni saka pinilit muling maging kaswal sa pagpapaliwanag sa lalaki.

"Ok Sir..Aaminin ko na 'yung totoo.Sinabi ko kay Chad na boyfriend kita,para tantanan na niya ako.'Yun lang" --maikling paliwanag ni Roni.

"Pwede ko bang malaman kung bakit sinabi mo sakin na boyfriend mo na si Chad?"--magalang na tanong ng binata.

Napakagat labi si Roni.Bakit nga ba???

"Eh kasi Sir,natatakot din ako eh.Mahirap kasing paniwalaan agad-agad 'yung sinasabi mo.Konting panahon pa lang tayong magkakilala,baka natutuwa ka lang sakin dahil palagi mo akong nakakasama noon,yung ganung bagay Sir..Baka kasi hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa akin." --seryosong paliwanag niya.

Tumango-tango naman si Borj.

"Naiintindihan ko na Roni.Pero,kung papayag ka,papatunayan ko sayo na seryoso ako sa sinasabi ko sayo.Patutunayan ko sayo na Mahal talaga kita "--nakatitig na naman si Borj sa kanya.

Napangiti na lang si Roni.

" Naku Sir,mahihirapan ka talaga niyan eh"--napakamot na siya sa ulo.

" Hindi ba sinabi ko naman sayo,ok lang mahirapan ako."--at hayun..ubod tamis na naman ng ngiti ng binata..

" Saka,bakit mo naman ako papahirapan pa kung mahal mo na rin lang naman di ba" --tila makahulugang pahayag ng gwapong binata.

" Excuse me Sir!"--at tinaasan niya ng kilay ang lalaki.

"Maghirap ka muna Sir.Di ba sinabi ko naman sayo,kaming mga Batanggenya,hindi kami easy to get.." --mataray na namang wika niya at pinamewangan pa ang kausap.

"Ok!ok!calm down..Willing naman akong mahirapan eh,basta para sayo" --sabay kindat pa nito kay Roni.

Hindi na tuloy naiwasan ni Roni ang mapangiti dahil sa kilig..

"Ano,Sir Borj uuwi ka na ba o baka gusto mo munang magmeryenda?" --nakangiting tanong ni Roni sa binata.

"Pwede bang manligaw?" --prangkang sagot naman nito.

Natawa na naman si Roni.

"Si Sir Borj talaga" --naiiling na napatawa na lng muli si Roni sa banat ng binata.

"Ahm Roni..pwede bang Borj na lang ang itawag mo sakin .Tutal hindi mo na naman ako amo..Suitor mo na lang ako ngayon?"--makulit pang turan nito.

Napangiti na lng muli si Roni.

"Sige na nga Borj" --natatawang wika ng dalaga.

"Oh hayan..Ang sarap pakinggan noh..Parang may pag-asang maging boyfriend mo ako pag ganun" --natatawang biro pa nito.

" Ewan ko sayo Borj..Halika nga muna sa loob at ipaghahanda kita ng meryenda.Gutom lang yan eh"--at hinila na nga siya ni Roni papasok sa loob ng kanilang bahay.

Gutom lang yan eh"--at hinila na nga siya ni Roni papasok sa loob ng kanilang bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon