Chapter 18

264 26 1
                                    

"Happy Birthday Roni"--maagang bati ng Mama at papa niya pagkalabas ng kanyang kuwarto.

"Thank you Mama,Thank You Pa!"--nakangiting tugon niya sa mag-asawang nag-aalmusal.

"Wala ka bang date ngayon?"--direktang tanong ng Papa niya.

"Wala Papa!Magsisimba lang ako ngayon,saka baka mag follow-up ako nung mga apply ko.Malay natin swertihin ako ngayon"--nakangiting wika niya at umupo na rin sa harap ng mesa.

"Naku Roni,pasensiya ka na ha.Baka hindi ka namin maipagluto ni Papa,kasi walang tatao sa palengke at sa talyer.Napagkasunduan namin ng Papa mo na kumain na lang tayo sa labas mamayang gabi."--paliwanag ng ina.

"Ok lang 'yun Ma...Sus! Matanda na ako para maghanda"--nakangiting tugon na naman niya.

SAMANTALA:

Matapos magsimba ay tumuloy naman si Roni sa mga opisinang pinagpasahan niya ng resume.Subalit,napanguso ang dalaga ng sabihin ng sekretarya na tatawagan na lang si Roni sa oras na may mabakante.

Buong akala niya susuwertihin siya sa araw na 'yun dahil birthday niya.Pero talaga nga yatang mailap ang swerte sa kanya pagdating sa trabaho.
Minabuti na lang niyang lumabas ng opisinang yun kahit dismiyado.

Naisip niyang umuwi na lang.Mainit na rin ang singkad ng araw at mahapdi na sa balat kaya hindi na siya makakapag liwaliw pa.Isa pa,napakalungkot mamasyal at lumakad mag-isa.Nagdesisyon na lang lang siyang maglakad patungo sa paradahan ng pampasehong dyip na naghahatid at dumaraan sa lugar nila.

Habang naglalakad siya patungong paradahan,inabala niya ang sarili sa pagmamasid sa paligid.Pilitin man niyang aliwin ang sarili,hindi niya magawa.Ramdam niya na mayroong kulang.At alam niyang hindi "ano" kundi "sino" at alam niyang si Borj yun.
Nalulungkot siyang isipin dahil tanghali na pero wala pa rin siyang natatanggap na text or call galing dito.Malungkot siyang napailing.Malamang nalimutan na ni Borj ang birthday niya.O baka naman nga mas tamang sabihin na hindi naman talaga alam ni Borj ang birthdate niya.

Sa wakas ay sinapit ni Roni ang paradahan ng dyip.At ilang minuto lang siyang naghintay at umandar na rin ito.

Ilang minuto din ang itinagal ng biyahe at maya-maya ay pumara na siya pagdating sa kanto papunta sa compound nila.

Nag-iisip siyang naglakad.Hanggang sapitin niya ang basketball court sa compound nila. Nagtataka siya kung bakit tahimik. Wala ang mga dakilang tambay na araw-araw naglalaro sa basketball court na 'yun.

Muli siyang naglakad at sunod na sinapit niya ang tindahan kung saan dun sila naglalaro ng Bingo. Wala rin ang kanyang mga tiyo, tiya, lola at iba pang pinsan na laging laman ng lugar na 'yun. Nagtataka siya. Ano kayang meron????

Naglakad-lakad pa si Roni hanggang marating nila ang harapan ng kanilang tahanan. Nagulat siya at hindi makapaniwala sa nabungaran niya.Naroon ang isang pulang kotse na pamilyar na pamilyar sa kanya.Dahil kahit ang plate number ng kotseng yun ay hindi na mabubura sa isipan niya.Pero mas higit ang pagkagulat niya nang makita niyang lumabas ng kotse si Borj at may dala itong mamahaling bouquet ng res roses.Sobrang gwapo ng binata.Iyon ang kauna-unahan niyang napansin.

At hindi niya maiikaila sa sarili na parang tumalon ang puso niya nang muling makita si Borj.Punong-puno ng pananabik ang puso niyang makita ito.Kung pwede nga lang ba niyang yakapin ang lalaki malamang tumakbo na siya palapit dito at pasalubungan ito nang mahigpit na yakap.Pero siyempre,pinigilan na naman niya ang sarili.
Dahan-dahan siyang lumapit sa binata at sinalubong naman siya ni Borj.

"Hi..Happy Birthday" --nakangiting bati nito sabay abot ng mga bulaklak.Gusto na yata niyang maiyak nang lubusang makalapit sa kanya ang binata.Amoy na amoy niya ang pabango nito.
"Mukhang pinaghandaan ni Borj ang muli nilang pagkikita ah.."--tudyo ng utak ni Roni.

" Hi..Ahmmm..Thank you ha..H-hindi ko ito ineexpect..Akala ko hindi ka makakapunta"--may bahid ng pag-aalinlangan ang boses ni Roni.Nahihiya siya marahil sa binata dahil sa kung ano-anong nasabi niya dito nung huli silang mag-usap.

" Kung iyon ngang birthday ng iba,napupuntahan ko,ito pa kayang birthday ng pinaka espesyal  na babae sa buhay ko ang hindi ko pagkakaabalahan"--narinig niyang wika ni Borj.Muli na namang sinundot ng kilig ang puso ni Roni.Natawa lang siya sa sinabing 'yun ng binata.

" Kanina pa kitang hinihintay ah,saan ka ba nanggaling?" --takang tanong ni Borj.

Napabuntong-hininga si Roni saka matapat na sumagot sa binata.

"Nagsimba ako,saka nag follow-up ako ng mga apply ko s bayan.Pero,talagang wala yatang akong swerte pagdating sa trabaho" --malungkot at mahinang sumbong ni Roni.

"Ganun ba" --sabay alis ni Borj nang suot nitong sunglass.

"Roni,baka naman talagang nasa business ang swerte mo...o kaya naman..nasa businessman" --sabay lingon nito kay Roni.

"Juskupo !Ang gwapo..Kilig is real talaga..."--wika ni Roni sa sarili habang pinipilit itago ang kilig na nararamdaman.
Pero talagang hindi na yata niya  kakayanin pang itago sa binata ang totoong nararamdaman niya.Tuluyan na kasi siyang napatawa  sa harapan nito.

"Ahm Borj,alam mo..hindi ka naman talaga mahirap mahalin eh" --umpisa niya.
"Pero nakakatakot" --dugtong na wika pa niya.

"Huh..Bakit naman?" --tanong nito subalit halatang nagliwanag ang mukha.Mukhang may natatanaw itong magandang sasabihin sa kanya si Roni.

"Nakakatakot kang mahalin kasi,masyado kang gwapo.Tapos,ang yaman-yaman mo pa,ang tali-talino.At higit sa lahat,napaka istrikto.."--natawa lang si Borj sa sinabing yun ni Roni.Sa wakas,nag open din ng tungkol sa ganung bagay si Roni.Matagal tagal na rin naman siyang nanliligaw sa dalaga .Willing naman siyang maghintay kahit gaano katagal,pero mas magiging masaya siya kung ngayong birthday ni Roni,makakamit niya ang pinakamimithing oo ng dalaga.

"Borj" --mahinang wika nito.

"Yes Roni" --at nangingiti na itong humarap sa dalaga.

"Kapag..kapag ba naging tayo,s-sino sa ating dalawa ang magiging boss?Ako ba o ikaw?" --nauutal na tanong ni Roni subalit hindi magawang direktang tingnan sa mata ang binata.

"Siyempre ikaw!" --nakangiting sagot ni Borj habang nakatitig sa mukha ng dalaga.

"Pero wala akong maiipasweldo sayo eh,pero,kahit ganun..Sinong masusunod sa ating dalawa"--sunod pang tanong  ni Roni.

" Siyempre ikaw pa rin"--nakangiti pa ring tugon ni Borj.

" Talaga"--wika naman ni Roni pero nanatiling nakatanaw pa rin sa kawalan.

Nangingiti si Borj na muling humarap sa dalaga.

"So Roni,baka naman pwedeng maging, tayo na"--wika ni Borj na hindi pa rin mawala ang magandang ngiti sa labi na lalong nakadagdag sa kaguwapuhan nito.

Sa wakas ay nagawa na ni Roning tumingin sa mga mata ni Borj.Ngumiti siya ng buong tamis at saka sunod-sunod na tumango.

"Talaga Roni..You mean,tayo na..girlfriend na kita" --paniniguradong wika ni Borj na anong luwang ng pagkakangiti.

" Yes!!!"--malakas na sigaw ni Borj dahil sa sobrang saya.Napayakap ito kay Roni at maging si Roni naman ay mahigpit ding napayakap sa binata.

" I love You, Roni.."--halos mangiyak ngiyak pang bulong nito sa kanya.

Mariing pumikit si Roni at dinama ang mainit na yakap ng dating amo na ngayon ay kasintahan na niya.

" I love you, so much Borj"--at gumaralgal na din ang boses niya dahil sa sobra-sobrang kasiyahan.Iyon na yata ang pinakamasayang kaarawan niya.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon