Chapter 2

310 29 6
                                    

Malalakas at sunod sunod na katok ang gumising kay Roni sa umagang iyon.Napasarap at diretso na pala ang tulog niya.Noon niya napagtanto na alas-siyete na pala ng umaga at tanghali na para magtrabaho.Noon niya napansin na bukas ang electric fan sa silid niya.Nakakumot na din siya at nakapinid na rin ang pintuan.Dalas-dalas niyang binuksan ang pintuan at nahihiyang ngumiti kay Manang Elsa.

"Naku,Manang Elsa,pasensiya na po tinanghali ako ng gising.Napasarap po  ang tulog ko"--nahihiyang hingi niya ng paumanhin sa ginang.

" Ayos lang iha.Hindi na nga kita ginising kagabi dahil alam kong pagod na pagod ka.Magbihis ka na ng uniporme.Bilisan mo lang at ipapakilala kita kay Mrs. Jimenez maagang aalis si Maam."--nakangiti pa ring wika ng ginang.

" Sige po.Magbibihis na po ako"--at muli niyang isinara ang pintuan at nagbihis na ng unipormeng pang katulong.

Lumabas agad siya ng silid at tinungo ang kusina kung saan naghihintay si Manang Elsa.

" Manang"--bulong niya sa babae nang nasa kusina na siya.

" Halika hija!"--at masuyo siyang hinila ng babae patungo sa kinaroroonan ng babaeng amo na kasalukuyang nag aalmusal habang nakatunghay sa diyaryo.

" Ah..Ma'am ito nga po pala si Roni,ang pamangkin ni Inay Susan."--pakilala ng babae.

Kahit nahihiya ay masigla niyang nginitian ang maganda pa ring Ginang.

" Goodmorning po Ma'am.Nice to meet you po"--nakangiting bati niya.

Tila biglang nagliwanang ang mukha ng Ginang at nakangiti siya nitong pinagmasdan mula ulo hanggang paa.

"Roni,s-sigurado ka ba na sanay ka sa magiging trabaho mo.?" --tila nahihiwagaang tanong nito sa dalaga.

"Yes Ma'am,dun po sa amin sa probinsya,ako po ang gumagawa ng lahat ng gawain sa bahay"--tila pagmamayabang pa niya.

Napangiti lamang ang Ginang at nagpatuloy sa paghigop ng kape.

" Bweno,si Manang Elsa na ang bahalang magsabi at magpaliwanag sayo ng magiging trabaho mo dito sa bahay"--nakangiting wika nitong muli sa kanya.

" Opo Ma'am.Salamat po!"--iyon lamang at lumapit na siyang muli kay Manang Elsa .

Noon niya napansin na maraming nilutong pagkain ang babae sa umagang iyon.Naguilty tuloy siya dahil hindi niya nagawang tulungan ang babae.Hinayaan pa siya nitong tanghaliin ng gising .

Maya-maya ay tumayo na ang Ginang at narinig niyang tinawagan ang kanilang Manang Elsa.

"Yes po Ma'am'--wika ni Manang Elsa.

" Aalis na ako Manang.Kayo na ang bahala dito sa bahay.Lalo na kay Borj"--nakangiting paalam at utos nito sa may katabaang kasambahay.

" Sige po Ma'am"--narinig niyang tugon ni Manang Elsa.

Sinimulan na niyang ligpitin  ang pinag-kainan ni Mrs. Jimenez,subalit mabilis siyang inawat ni Manang Elsa.

"Roni,ako na ang bahalang magligpit diyan.Halika,sasamahan kita sa kwarto ni Borj.Para kuhanin ang maruruming damit niya at linisin mo na din." --sabay hila muli sa kanya ng babae.

Patuloy ang paalala sa kanya ng Babae habang naglalakad sila patungo sa silid ng lalaking amo.

"Sige Roni,kunin mo na ang maruruming damit ni Borj,iwan mo lang 'yung underwear niya kasi si Borj talaga ang naglalaba nun" --nakangiting bilin pang muli ni Manang Elsa bago siya tuluyang papasukin sa silid ng amo.Nakita niyang umalis na ang babae nang simulan niyang buksan ang silid.

Madilim ang buong silid kaya naisipan niyang buksan ang ilaw.Mas una niyang napansin ang picture frame na nasa side table kesa ang magulong silid.Napangiti siya nang makita ang larawan ng amo.

"Ang gwapo pala ni Sir Borj" --pilyang bulong niya sa sarili.Nahawakan niya ang sariling bibig dahil baka mapatili siya sa labis na kilig.

Isa-isa na  niyang dinampot ang nakakalat sa sahig.Ang damit,ang short,ang medyas,sinturon.May bath towel din,face towel at ang huli niyang nakita saka nakangiting dinampot at pinagmasdan pa,ang brief ng lalaki saka inilagay sa laundry basket.

Tinapunan niya nang tingin ang amo na padapang natutulog sa kama.Naka fit ito ng sando at naka boxer short lang.Kitang-kita niya ang ganda ng katawan ng lalaking amo.

"Yummy!" --napakagat labi siya habang pinagmasdan ang natutulog na amo.

Dala marahil ng matinding kuryosidad,gusto niyang makita ang mukha ng lalaki,lumapit siya at lumipat sa kabilang bahagi ng kama upang masilip ang gwapong mukha ng lalaki.

Napangiti si Roni.Nakita kasi niya na tunay na napakagwapo ng Sir Borj niya.Kahit natutulog ito kitang-kita niya at natutuwa siyang pagmasdan ang mala Adonis na kaguwapuhan at kisig nito.

Habang hindi siya magkaintindihan sa pagtitig sa binatang amo.Biglang-bigla niyang naramdaman ang pagkati ng kanyang ilong.Sa sandaling iyon,gustong-gusto niya ang mapahatsing.Dala marahil nang sobrang lamig sa silid dulot ng aircon.Gustuhin man niyang pigilan,sunod sunod na pagbahin ang nangyari at dahil doon naramdaman niyang napabalikwas ng bangon ang lalaki.

"Sino ka,anong ginagawa mo sa kwarto ko" --tila natataranta nitong tanong.

"Sir,Ako po si Ronalisa Salcedo from Batangas,a.k.a Roni." --nakangiti niyang sagot sa amo.

"So ikaw ang pamangkin ni Inay Susan" --halata sa tinig nito ang may pagkainis.

"Yes sir,bale si Papa ko at si Tiya Susan ay magkapatid.Tatlo lang silang magkakapatid,si Inay Susan ang panganay,si Papa naman yung bunso,then yung pangalawa nilang kapatid dedo na.Nasa heaven na"--nakangiting kwento niya sa amo.

" Itinatanong ko ba!ang daldal mo next time kung ano lang 'yung itinatanong sayo,'yun lang ang sagutin mo,ok"--at naiirita itong tumayo." --patungo sana ang binata sa cr nang mapansin na nasa laundry basket ang brief niya kaya kinuha niya iyon sa lalagyan.

"Ako ang naglalaba ng underwear ko kaya iwan mo na lang ito" --sabay kuha sa brief nito.

"Ah naku sir It's ok,brief lang naman yan.Huwag ka nang mahiya,ako na ang bahalang maglaba niyan" --sabay nakaw ni Roni ng underwear na hawak ng amo.

"No..hindi ba nabanggit ni Inay Susan o ni Manang Elsa na ako talaga ang naglalaba ng brief ko."--inis na sagot ng lalaki.

" Nabanggit naman Sir .Kaya lang parang ang sarap labhan ng underwear mo eh"--pilyang ngingiti-ngiti pa si Roni.

Tila napikon ang lalaki at naiiling na  pumasok na lamang sa sariling CR ng kwarto bitbit ang kanyang brief na inagaw kay Roni.

"Sir,huwag masyadong masungit ha..Hindi bagay sayo..Sayang..gwapo ka pa naman" ---sigaw pa ni Roni bago tuluyang lumabas ng silid na iyon.Hindi niya alam kung narinig pa ba iyon ng lalaki.Basta si Roni, pilyang nakangiti habang patungo na sa may laundry room.

Basta si Roni, pilyang nakangiti habang patungo na sa may laundry room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon