Chapter 6

272 27 4
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw sa buhay ni Roni.Na-enjoy naman niya ang pagtatrabaho sa bahay ng mga Jimenez.Dalawang Linggo na siya sa trabaho at gamay na niya ang mga gawain sa araw-araw.At si Borj naman ay nagsimula na ring pumasok at muling mamahala sa restaurant na pagmamay-ari nito.Naglalaba si Roni nang umagang iyon nang marinig niya ang malakas na pagtawag ng binata sa kanya.

"Roni..Roni"--tawag ng binata sa kanya.

"Sir bakit po"-nagmamadali niyang pinunasan ang kamay na may sabon.

"Nagshopping kasi ako kahapon,naisipan kitang bilhan nang pasalubong"--direktang wika ng binata sabay abot kay Roni ng  isang malaking paper bag.

Hindi alam ni Roni kung ano ang dapat niyang maramdaman.Kukunin ba niya ang ibinibigay ng amo.Pero nahihiya naman siya.

"Sige na Roni,kunin mo na"--pagpupumilit ng binata.

"Salamat Sir!"--naiilang na ngiti  niya.

"A-ano po ba ito"--kaswal na tanong niya sa amo.

"Dress.Ako ang pumili niyan"--nakangiting wika ng amo.

"Naku sir,h-hindi naman ako nagdi-dress eh..Hindi kasi bagay sakin"--wika ni Roni.

"Sino naman ang maysabi na hindi bagay sayo.Eh, kahit anong isuot mo,ang ganda mong tingnan"--tila wala naman sa sarili na nawika ni Borj.

"T-talaga ba Sir?" maluwang ang ngiting tanong niya sa binatang amo.

Tila nahimasmasan naman si Borj.Parang nagsisisi sa sinabi sa harapan ng dalaga.

"Roni...Trip ko lang mag dinner sa labas mamaya,samahan mo ako ha.Isuot mo yan"--at walang lingon-likod na tumalikod na ang binata.

"P-pero Sir".--hindi na nasabi ni Roni sa binata ang mariin niyang pagtutol dahil mabilis na nga siyang tinalikuran ng binata at sa buong maghapon na iyon ay wala siyang ibang inisip kung pagbibigyan ba niya ang paanyaya ng kanyang amo.

"Mukhang may malalim na iniisip ang dalaga namin ah"--tudyo ni Manang Elsa habang nagluluto.

"Manang. si Borj kasi"--nakasimangot na wika niya.

"Bakit?Napagalitan ka ba ni Sir?"-tanong ni Manang Elsa.

Marahan siyang umiling.

"Kung ganun..Anong problema kay Borj"--takang tanong nito.

"Si  Sir kasi..Niyayaya akong mag dinner sa labas mamaya.Tama ba naman po ba 'yun eh alam naman niya na ang dami kong trabaho na dapat gawin dito.Nakakahiya naman sayo Manang Elsa kung laging ikaw ang sasalo ng trabaho ko"--mahabang paliwanag nito sa Ginang.

" Naku iha,'huwag mong intindihin at isipin 'yun.Walang kaso yun sakin.Matutuwa nga ako kung sasamahan mo si Borj,kasi alam ko ikaw ang nakakatulong sa kanya para makapag move-on at magbalik sa normal ang buhay niya."-sagot naman muli ng babae.

" Kaya ang mabuti pa, maghanda at magpaganda ka Roni.. Kasi, tiyak na hindi papayag si Borj na hindi ka niya kasama mamaya sa dinner"--tila makahulugan pa ang ngiting ibinigay sa kanya ng babae.

Napahugot na lang ng malalim na hininga si Roni.Wala naman talaga siyang magagawa kundi ang samahan ang amo sa trip nito.Siyempre,siya ang amo,siya ang nagpapasweldo..kaya dapat siya ang masunod.Ok lang naman sanang sumama sa binata kaya lang ang magsuot nang dress ang iniisip niya.Magiging maganda ba siya sa paningin ni Borj kung magsusuot siya ng dress o baka naman maging katawa-tawa lang siya sa paningin nito.

"Haiiist...Bahala na nga"--yun na lang ang tanging nasambit niya kesa pakaisipin pa ang bagay na yun sa buong maghapon.

Inilagay na niya ang sarili na kailangan niyang magdress mamayang gabi.

Ilang beses sinipat ni Roni ang sarili sa harapan ng salamin bago tuluyang lumabas ng silid.Tuwang-tuwa si Mang Elsa nang makita siya.

"Naku,Roni ang ganda -ganda mo" --nakangiting bati sa kanya ng Ginang.

"H-hindi naman po Manang" --medyo nahihiya namang tugon niya.

Simpleng make up lang at lipstick lang naman ang inilagay niyang kolorete sa mukha.Simpleng hikaw at kuwintas din lang ang suot niya.Suot niya ang regalong damit ni Borj na tinernuhan naman niya ng high heels shoes at ang kanyang paboritong handbag.Napakasimple lang ng mga dala at suot na gamit niya pero ang ganda-ganda ni Roni sa gabing iyon.Hindi maiikaila na nadala ni Roni nang maayos ang sarili dahil napag-aralan naman nila noon ang personality development.Tamang paglalagay ng make-up,pagdadala ng damit,tamang paglakad at pag-upo.

"Sige Roni..Nasa sala na si 2w we Borj,kanina ka pang hinihintay" --bulong ni Manang Elsa.

Bigla siyang kinabahan.Nako conscious talaga siya sa sarili. Ang tanging naging pakunswelo na lang niya sa sarili upang lumakas ang loob niya ay si Borj ang may gustong isama siya,pwes,magtiyaga siya sa itsura niya.

"Sige po Manang,aalis na po ako" --at tahimik na nga siyang lumakad palabas ng kwarto niya at nagtungo sa sala kung saan naghihintay si Borj.Lalong bumilis ang kaba niya nang makita niya ang lalaki na tahimik na nakaupo sa may sala at naghihintay sa kanya.
Kahit tinatambol ang dibdib niya,dahan-dahan siyang lumapit sa amo at  saka bumati.

"S-sir Borj.Ready na po ba kayo?" --naiilang na tanong niya.Tumayo ang lalaki at saka humarap sa kanya.

"Kanina pa nga --" --mataas at tila iritang tinig ng lalaki.Subalit bigla itong kumalma nang makita siya.At halatang-halata ni Roni ang labis na pagkagulat at paghanga sa mukha ni Borj.

"Actually,kanina pa nga kitang hinihintay.Salamat at napagbigyan mo ako kahit alam kong napilitan ka lang"--kalmadong wika ng binata na hinagod pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi malaman ni Roni kung ano ang dapat isagot o sabihin sa napakagwapong amo..Kaya sinuklian na lamang niya ito nang matipid na ngiti.

"Shall we go?" --magalang na tanong ng binata na inilahad pa ang palad sa kanya.

Sobrang nakakawala ng ulirat ng abutin niya ang kamay ni Borj.Napakalambot ng kamay ng lalaki.Napakakinis.Mas magaspang pa yata ang kamay niya at sigurado yun.Napakabango ni Borj.Lalaking-lalaki..Bagay na bagay dito ang suot na pulang polo.
Sa wakas ay nakarating sila sa garahe.Pinagbuksan pa siya ng binata ng pintuan ng kotse.Napaka gentleman ni Borj.Ang sarap lang sa pakiramdam ni Roni na nabibigyan siya ng ganung klaseng atensiyon ng isang mayaman at napakaguwapong amo.

Unti-unti..nararamdaman na ni Roni ang kilig.Eh,sa gwapo ba naman ng binatang amo niya.Ewan na lang kung hindi ka hahanga at kikiligin sa mga tingin pa lang nito.

Umandar ang kotse at naramdaman ni Roni na maalinsangan sa loob ng kotse.Patay ang aircon.

"Sir,hindi yata na ka on ang aircon.Maiinitan ka po Sir Borj?" --paalala niya sa amo.

" Ok lang Roni..Kesa naman mahilo ka na naman"--sagot naman sa kanya ng binata.

" Naku Sir,hindi na..Ok lang ako..Ako na lang po ang mag aadjust,kesa ikaw ang mag adjust"--pilit niya sa amo.

" Roni,it's ok..please huwag ka ng makulit"--angal na naman sa kanya ni Borj.

" Fine"--at tumahimik na lang si Roni.

Hinayaan na lang niyang magmaneho si Borj hanggang sapitin nila ang isang exclusive restaurant.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon