Chapter 15

262 28 0
                                    

Sa nakaraang tatlong buwan ay naging madalas na nga ang pagbisita ni Borj kina Roni.Pinatunayan niya sa dalaga na seryoso siya sa panliligaw dito.Hindi alintana ang mahabang biyahe patungong Batangas,at pabalik ng Maynila.

Kung hindi naman makabisita si Borj kay Roni,tinitiyak naman nito na nakakatawag o nakakapagtext siya sa dalaga.

Dahil nakasanayan na ni Borj ang lugar,nakilala na niya at nakabonding ng husto ang mga magulang at iba pang kamag-anak ni Roni.Maging ang mga kaibigan ng dalaga ay nakilala na niya at naging malapit na rin ang mga ito sa binata.
Natutunan na rin ni Borj ang paglalaro ng Bingo Games dahil madalas,dun sila magkasamang tumatambay ni Roni.😆😅

"Bye Roni" --paalam ng binata sa kanya isang hapon na pabalik na ito ng Maynila.

"Bye Borj,ingat ka sa pag da drive ha" --bilin naman niya sa binata.

"Hi Borjjjj" ---tawag ng ilang kadalagahang naroon sa tapat ng bahay nina Roni.

Napalingon ang binata sa pinanggalingan ng tinig.Ngumiti lang ito at bahagyang kumaway.

Maya-maya ay tumayo ang isa sa mga babae doon at lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa.

"Hi Borj.Ako nga pala si Tanya.Kaibigan ako ni Roni"--sabay lahad nito nang kamay sa binata at saka maluwang na ngumiti.

Para naman hindi mapahiya ang dalagang si Tanya,masuyong inabot ni Borj ang kamay nito at matipid ding ngumiti saka makahulugang tumingin kay Roni.

"Borj,di ba uuwi ka na kasi baka gabihin ka sa daan"--malakas na wika ni Roni na hindi man lang sinusulyapan ang binata.

" Ha..Oo..pauwi na ako.Sige Tanya.Nice meeting you"--at binuksan na nito ang pintuan ng kotse.

"Sandali lang Borj" --malanding wika pa ni Tanya na mas lumapit pa sa gwapong binata.

"Malapit na kasi yung birthday ko,so may plano kaming mag-swimming,sama ka naman oh" --anyaya pa nito habang titig na titig ang dalaga sa mukha ni Borj.

"Ha!" --tila nagulat namang wika ni Borj.

"Ah..I-checheck ko yung schedule ko kung pwede ako ha..kelan ba yan?" --nauutal na wika nito na tila hindi magawang direktang makatanggi sa imbitasyon ni Tanya.

"Sa Saturday.Sama ka ha para naman magkabonding tayo" --nakangiti pa ring aya nito sa binata.

" Eh,basta ba sasama si Roni,eh di sasama din ako"--sagot naman nito na sumulyap pa sa dalaga.

" Ah,of course sasama 'yang si Roni.Wala namang masamang usapan diyan eh.di ba Roni?"--saka lang nito naisipang lumingon sa dalaga.

Umis lang ang iginanti ni Roni at ni hindi man lang kumibo.

" Sige,Borj ha.See you on Saturday"--at humawak pa ito sa kamay ng binata bago tuluyang tumalikod sa kanila.

Napaangat ang kilay ni Roni.Kilala kasi niya si Tanya.Magkakabarkada sila pero hindi niya ito maituturing na malapit na kaibigan.Ang unang boyfriend ni Roni noon ay naging boyfriend din ni Tanya.Ang bansag ng karamihan sa dalaga ay " syota ng bayan"  kasi kahit sino na yatang manligaw dito eh pihadong papatusin nito.Walang seryosohang relasyon ang babae kaya naiinis siya o mas tamang sabihin na ikinatatakot niya na mapalapit ito kay Borj.

"Sige Roni ha,aalis na ako" --muling paalam ni Borj na muling gumambala sa lumilipad na isipan niya.

"Kanina ka pa nga nagpaalam eh,Anong oras na Borj gagabihin ka na" --sadya pa nitong inilakas ang tinig na tila sadyang ipinarinig pa kay Tanya.

Sumakay na nga ng tuluyan  si Borj ng kotse at walang salitang iniwan kay Roni.Sa halip,isang kindat at makahulugang ngiti ang iniwan nito sa dalaga.

Naiinis namang pumasok na si Roni sa loob ng bahay.Pero bago siya tuluyang makapasok,nanakaw na muli ang atensyon niya ng kotse ni Borj.Nakatigil kasi ang kotse ni Borj at nakikipag-usap pa rin sa binata si Tanya.At kitang-kita niya kung paano malanding makipag-usap si Tanya sa binata.Narinig din niya ang malakas na tawa nito,maya-maya pa ay tuluyan nang umandar palayo ang kotse ni Borj.At noon lang siya tuluyang nakahinga nang makitang papaalis na nga si Borj.

"Hi"--nabasa niyang text ni Borj. "Im home"...sunod na message pa nito.

"Hello"-reply naman niya.   "Good!" pangalawang sagot niya.

Borj:"Sasama ka ba sa Saturday?"

Roni: "Hindi ko alam".Ikaw ba?"

Borj:" Kung sasama ka,sasama ako"

Roni: "Paano kung hindi ako sumama?"

Borj:"Eh di hindi din ako sasama?"

Roni: "Bakit naman hindi ka sasama,eh inaasahan ka ni Tanya?"

Borj: "Eh di ba sabi ko nga sayo,sasama lang ako,kung kasama ka.Alam mo naman na ikaw lang ang gusto kong makasama eh"

Bahagyang napangiti si Roni sa text na 'yun ng binata.Hinahaplos na naman ng kilig ang puso niya.

Roni: Iniisip ko kung sasama ba ako o hindi eh?Baka  ma-out of place lang ako"

Borj: "Bakit ka naman ma a -out of place dun eh mga tropa mo 'yun.Kung meron man na ma.o.op dun tiyak na  ako yun at hindi ikaw"

Roni: "Paano kung kalikarin ka ni Tanya? Eh, di wala akong kasama"

Borj:" Hindi ko naman papayagang mangyari 'yun.Siyempre,ikaw lang ang gusto kong makasama sa gabing 'yun.

Nangingiti na naman si Roni.Kinikilig kasi siya sa sinasabi ng binata eh.

Roni:"Talaga ba?Naku,siguradong matutuwa si Tanya kapag nalaman niya na sasama ka.Halata namang type na type ka ng babaeng 'yun?"

Borj: "Nagseselos ka ba?"

Roni:" Whatttt????Saan naman nanggaling iyon?Hindi ako nagseselos noh!"

Napaangat ang kilay niya habang itinetxt yun sa binata.

Borj: "Ok...Eh di bahala siya.Basta ako..Ikaw lang ang apple of the eye ko"

Roni:"Sige..sige..sasama na ko sa Saturday?Ikaw ba?"

Borj: "Sige ba..Game ako diyan..kasama ka eh"

Roni: "Basta, i-promise mo sakin, hindi mo ako iiwan dun ha"

Borj: "Sure Roni...Alam mo naman na ikaw lang ang gusto kong makasama eh.Wala ng iba"

Roni:" Ewan ko sayo! Sige..sige Borj..magpahinga ka na!"

Borj: "I love you"

Muling napangiti si Roni.Halos magpabali-baligtad na siya sa higaang kama niya sa sariling kuwarto dahil sa kilig.

Borj: "Wala man lang bang sagot"--sunod na mensahe ni Borj.

Saglit na napaisip si Roni.Ano bang dapat isagot at sabihin sa binata???

Gustuhin man niyang mag reply ng text dito na "I love you,too..Borj"--pinigilan niya ang sarili.KOnting panahon pa.Kailangang konting panahon pa para masubukan ang sipag at tiyaga ng dating amo pagdating sa panliligaw.

Roni:"Goodnight Borj"--yun na lang ang tanging naisagot niya sa mensahe ng binata.

Borj:" Goodnight, my dear"

Iyon lamang at tuluyan nang nanahimik ang telepono ni Roni.Marahil ay nagpapahinga na rin si Borj at si Roni naman ay maaga ding nahulog sa pagtulog.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon