Chapter 19

361 23 0
                                    

Naramdaman niyang kumawala sa pagkakayakap si Borj.Hinawakan siya nito sa kamay at hinila patungo sa may likod ng kotse.Binuksan nito ang susian ng compartment at saka nakangiting lumingon sa nobya.

"Roni,pakibuksan naman oh" --masuyong utos ng binata.
Nagtatakang iniangat ni Roni ang pintuan ng compartment at nasorpresa siya sa nakita.

Nakagayak sa compartment ang isang birthday banner.May nakita rin siyang birthday card,may chocolates,may stuffed toy bukod pa ang nakabalot na regalo.May mga  bulaklak at mga lobo rin.At ang isa pang nakatawag pansin sa kanya ay ang cake na nakalagay din doon.

Napangiti siya nang mabasa ang simpleng mensahe na nakasulat sa cake,pero kakaibang kilig ang hatid nito sa puso niya.

     "I LOVE YOU "
            Love,
         Sir Borj💕

Iyon lamang naman ang nakasulat sa cake pero sobrang naging napakasaya niya sa mensahe na 'yun.

Nagtataka siyang lumingon sa nobyo.

"Bakit Sir Borj pa rin ang nakasulat dito?" --takang tanong niya.

" Eh kasi Roni,nasa bahay ka pa lang naman,Mahal na kita eh"--amin ng binata.

Natawang muli si Roni.Kinikilig talaga siya sa lumalabas na rebelasyon ng binata.At dahil sobrang na appreciate niya ang ginawang effort na yun ni Borj masayang  nayakap niyang  muli ang binata.

"Happy Birthday to you!
Happy Birthday to you!
Happy Birthday,happy Birthday !
Happy Birthday to you!"--

Napalingon si Roni sa pinanggalingan ng tinig ng mga umaawit.Hindi niya sukat akalain ang makikita.Naroon sa pwesto nila ng Binguhan ang kanyang mga magulang,ka tropa at may mga dalang kaldero at kaserola na may lamang pagkain mga plato at kung ano-ano pa.Naroon din ang kanyang nga tiyo at tiya maging ang kanyang lola na masayang masaya habang kumakanta.At higit sa lahat na nagpagulantang sa kanya,naroon ang kanyang Tiya Susan, si Manang Elsa na may dalang regalo at siyempre.si Mrs. Jimenez na may bitbit ding malaking regalo.
Halos gusto na niyang maiyak dahil sa labis labis na kasiyahan.Napayakap siya sa kanyang Tiya Susan,ganundin kay Manang Elsa, at siyempre kay Mrs. Jimenez.na mahigpit ding gumanti ng yakap sa kanya.

"S-salamat po sa inyong lahat.Hindi ko po inaasahan ito" --halos naiiyak na wika ni Roni.

"Ma,Pa,sabi ninyo po hindi na kayo mag-aabala,Bakit narito kayo,sino pong tatao sa palengke at talyer?" --takang tanong niya.

"Pwede ba namang hindi kami mag-abala eh,birthday ng kaisa-isang baby namin.Saka anak,masaya kami ng Mama mo dahil,nakilala na namin ang magiging balae namin"--sabay hagalpak ng tawa nito.

" Papa naman"--nahihiyang awat  niya sa ama.

"Happy Birthday Roni...Let' celebrate!!!Magkakamanugang na ako" --muli ay malakas na sigaw ng ama ni Roni na naging dahilan ng malakas na tawanan ng lahat ng naroroon.

At dumulog na nga ang lahat sa mesa.Iba't-ibang pagkain ang nasa mesa.Ang iba ay inihanda ng mama at papa niya at ang iba daw naman ay dala at sadyang niluto pa ni Borj.

"Tara Roni,kumain na rin tayo'--yakag sa kanya ni Borj.

" Sandali lang Borj"--pigil nito sa kasintahan.

" Salamat ha..Nasorpresa talaga ako ng sobra.Ang talino ng ideya mo"--nakangiting wika ni Roni habang nakahawak sa kamay ng binata.

" Actually Roni,hindi ko idea yan eh,kundi,idea ng isang kaibigan"--paliwanag ni Borj.

" Huh..kung hindi mo idea yan eh..kanino?"--kunot noong tanong pa niya.

" Sa isang kaibigan nga.Siya rin yung nagremind sakin na malapit na 'yung birthday mo.Tapos,nag ask ako ng suggestion kung paano ba kita pwedeng surpresahin,maganda yung suggestion niya at happy ako dahil bumenta naman sayo.Idea niya Roni,pero ako naman yung nag effort  para sa lahat ng ito"--mahabang paliwanag pa nito.

" Eh sino nga yang kaibigan mo na yan???"--pangungulit pa rin ni Roni.Tila naiinip na ito sa isasagot ni Borj.

" Huwag mo na lang alamin Roni,baka kasi magalit ka lang"--naiilang na wika ni Borj.

" Ha b-bakit naman ako magagalit?Gusto ko ngang magpasalamat sa napakagandang idea niya"--katwiran muli ni Roni.

" Sige,sasabihin ko.Basta i promise mo na hindi ka magagalit"--wikang muli ni Borj.

" Eh hindi nga promise"--sabay angat pa ng kanang kamay niya para manumpa sa nobyo.

" Roni kasi..Idea ni ..idea ni Tanya lahat ito"--mahinang wika ni Borj.

Hindi nakapagsalita si Roni.Pero,lumingon-lingon ito sa paligid na tila hinahanap si Tanya.

"Asan si Tanya,bakit parang wala siya dito"--tanong niya.

Naramdaman niya ang marahang pag-akbay sa kanya ni Borj.

"Roni hindi na talaga siya pumunta.Kasi feeling niya,pinagseselosan mo daw  siya. Baka lang daw masira niya ang araw mo"--mahinang paliwanag sa kanya nito.

Napakagat labi si Roni.Pakiramdam niya,sobrang na-guilty siya.Pinag-isipan niya ng hindi maganda si Tanya pero napakaganda naman pala ng intensyon nito sa pakikipaglapit kay Borj.

"Roni,yan yung pinag-usapan namin ng tropa mo nung nag-inuman kami"-- seryosong paliwanag ni Borj.

Marahang tumango-tango si Roni.Natutuwa talaga siya sa mga nalalaman mula sa binata.

"Eh, Roni,k-kayo naman ni Chad,ano namang napag-usapan ninyo?"--ganting tanong naman ni Borj.

Napangiti si Roni at humarap muli sa binata.

"Kami ni Chad...Well, sabi nya sakin nung gabing 'yun,kung mahal ko daw,huwag ko na daw patagalin pa kasi baka masulot pa ng iba.Tapos,nag advice din siya sakin.Sinabi niya din yung mga good things about you kung bakit siya boto sayo.Sabi niya,hindi na siya maghahabol kasi alam naman niya na sa mabuting tao ako mapupunta.'Yun..yun ang napag-usapan namin ni Chad."--mahabang paliwanag ni Roni.

Napangiti si Borj.

"Nakakatuwa noh.Kung sino  'yung inaakala natin na sisira sa ating dalawa,sila pala 'yung may magandang plano para sa atin"--wika ni Borj.

"Oo nga,tara kumain na nga tayo"--muling yaya ni Roni sa binata.

Lalakad na sila para kumain nang makarinig sila ng boses mula sa likuran nila.

"Boss, huwag mong sasaktan si Roni ha.Alam mo namang love na love ko iyan,tropa ko yan eh"--nalingunan nila si Chad na may dalang regalo at mukhang noon lamang nakita ni Borj na ganun kaseryoso ang lalaki.Lumapit si Borj sa lalaki at marahang tinapik ito sa balikat.

"Makakaasa ka pare!Salamat"--wika ni Borj.

Maya-maya naman ay si Roni ang napagbalingan ni Chad.

"Oh ikaw Roni,pangatlong jowa mo na ' yan.Tuluyan mo na.Pikutin mo na kung gusto mo,kaming bahala sayo"--natatawang wika na ni Chad.

"Naku pare,ilang beses na akong nagbalak magpapikot.Akala ko talaga ayaw sakin eh"--at sinabayan nito nang malutong na tawa.

"Tara na nga,tara na kain na tayo"--at hinila na ni Roni ang dalawang lalaki para kumain.

Narinig na naman niya ang boses ni Chad.

"Naku,Boss huwag mong iga grahe sa hotel iyan,siguradong break agad kayo"--natatawang biro na naman ni Chad.

"Siyempre naman pare.Alam ko naman na ang mga Batanggenya eh,hindi easy to get..Kasal mo na siyempre bago sex"--narinig naman ni Roni na sagot ni Borj.

Tila nahihiya at namumulang napangiti si Roni at muling hinila ang dalawang lalaki.

"Hay naku!Tara na nga kumain na tayo ha.Kanina pa akong nagugutom"---at magkakasunod na nga silang pumasok at masayang nakisalo ng pagkain sa lahat ng naroroon.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon