Chapter 11

250 30 4
                                    

Sumapit na nga ang araw na lubhang nagpapalungkot kay Roni. Ang huling araw niya sa trabaho. Gabi na at kanina pa niya hinihintay si Sir Borj para naman makapagapalam at makapagpasalamat siya sa binata sa lahat ng kabutihan nito. Subalit, namumuti na ang kanyang mga mata pero walang Sir Borj na umuwi at nagpakita sa kanya.

Malungkot siyang bumalik sa sariling silid. Malungkot niyang pinagmasdan ang kanyang nga bagahe na dadalhin pauwi sa probinsiya bukas na bukas. Maaga na lang siyang aalis dahil mahihirapan siya kapag inabot siya ng init sa biyahe.

Nahiga siyang muli sa kama. Sinisikap niyang makatulog subalit hindi siya talaga dalawin ng antok. Naiisip niya si Borj. Inaalala niya ang binata.
"Bakit wala pa rin ang amo ganung alas-onse na ng gabi" --tanong niya sa sarili.

Marahil ay alam ni Mrs. Jimenez kung nasaan ang anak, subalit sino naman siya para alamin pa sa Ginang kung nasaan si Borj.

Patuloy siyang naghintay. Ang alas-onse ay naging alas-dose, naging ala-una, naging alas dos. Subalit, wala pa ring Borj na umuuwi. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nakatulog. Hindi na niya namalayan kung anong oras dumating si Borj.

Malakas na ringtone ng alarm clock ng cellphone niya ang nagpagising kay Roni.Kahit antok na antok pa siya.Sinikap niyang bumangon.Maliligo na siya.Iyon na kasi ang araw ng pag-uwi niya sa Batangas.Kahit gusto pa niyang matulog,pinilit na rin niyang bumangon.Desidido siyang umalis na lang ng maaga habang tulog si Sir Borj kesa naman ang umalis siya na gising ang binata at nakahatid tanaw lang sa kanya.

Alas-sais na ng umaga ng lumabas siya ng silid at bitbit na ang lahat ng kanyang mga gamit.Naroon na si Mrs.Jimenez sa mesa at maaga ng nagkakape.

"Magandang umaga po Ma'am" --bungad niya sa Ginang. Nginitian niya ito at gumanti rin ng ngiti ang Ginang.

"Goodmorning hija" --bati nito.

"M-magpapaalam lang po sana ako Ma'am saka magpapasalamat po sana ako sa inyo.Sa lahat po ng kabutihan ninyo sakin.Maraming-maraming Salamat po.Babalik na po ako sa Batangas dahil si Tiya Susan naman po ang babalik dito" --mahabang paliwanag niya.

"Nagpaalam ka ba kay Borj?" --tanong ng Ginang.

Malungkot siyang umiling.

"Kagabi ko pa po siya hinihintay Ma'am,hindi ko na po siya nakausap kasi nakatulog na po ako.Ok lang naman po,kasi...kasi..alam naman po ni Sir  na ngayon ang alis ko"--paliwanag niya.

" Bakit hindi mo gisingin ngayon,katokin mo sa kuwarto.Magpaalam ka o kaya magpahatid ka?"--sulsol ng Ginang.

Natawa na lang siya sa ideya nito.Pero mariin siyang tumanggi.

" Hindi na po Ma'am ok lang naman po ako.Pakisabi na lang po kay Sir Borj kapag nagising siya na umalis na po ako,at pakisabi na rin po na Maraming Salamat"--bilin na lang niya sa Ginang.

" Halika nga"--at niyakap nito si Roni.Hindi alam ni Roni kung ano ang kasiyahang naramdaman ng yakapin siya ni Mrs. Jimenez.Pakiramdam niya,ang gaan ng kalooban niya dito.Mamimiss niya ang lahat ng tao dito,siyempre,lalong-lalo na si Sir Borj niya.

"Mag-iingat ka sa biyahe ha.Saka,salamat din sayo Roni.Kasi,alam ko,ikaw ang tumulong sa anak ko para makalimot kay Nicole" --mahina ang pagbigkas na 'yun ni Mrs. jimenez subalit ang lakas ng dating sa kanya.Tama nga kayang sabihin na siya ang nakatulong kay Borj para makapag move-on ito ng tuluyan.

Ngumiti siya sa Ginang.
"Sige po,aalis na po ako" --muli ay paalam niya at dinampot na ang mga bag na dala-dala.Tinulungan siya ni Manang Elsa sa pagbibitbit ng mga dala.Pagkalabas nila ng bahay ay isang traysikel ang dumaan at yun ang sasakyan niya patungo sa bus stop.

"Salamat po,Manang Elsa" --at isang napakahigpit na yakap ang ibinigay niya sa matabang babae.Napakabait ng Ginang sa kanya.Sa loob ng dalawang buwang pamamalagi niya sa bahay,si Manang Elsa ang pansamantala niyang naging ina.At ngayong magkakahiwalay na sila,nakakabigat sa kalooban.Lungkot na lungkot siya habang lumilipad ang isipan habang pasakay na ng traysikel.

Lalong mabigat ang kalooban niya kapag si Sir Borj na ang sumasagi sa kanyang isipan.Ano kaya ang magiging reaksyon ng amo kapag nalaman nitong umalis na siya.Magsasaya kaya ito ng sobra-sobra dahil ang Tiya Susan na niya ang muli nitong makakasama o ikakalungkot ba nito ang pag-alis niya.

Samantala
"Manang Elsa, pakisabi naman po kay Roni ipagtimpla ako ng kape" --utos ni Borj sapo ang masakit na ulo nang umagang 'yun.

"Eh,,, Borj.. Umalis na si Roni. Umuwi na siya ng Batangas. Umalis na siya kanina.Kagabi ka pa niya hinhintay para makapag paalam kaya lang,hindi ka nakatulugan na niya ang paghihintay sayo"--sagot ni Manang Elsa.

Natigagal si Borj sa narinig.Wala na si Roni.Nakaalis na pala ang dalaga.

"Shit!" --mahinang sambit nito.

Nalimutan niya na last day na pala ni Roni kagabi.Bakit nga ba nawala sa isipan niya?Bakit nga ba masyado siyang nag -enjoy sa pag gimik nung nagdaang gabi kasama ang mga kaibigan niya?

Naalala niya na madaling araw na nga pala siya nakauwi at himala na nga lang na nakauwi pa siya dahil sa sobrang kalasingan.

Nalulungkot siya dahil hindi na pala niya makikita pang muli si Roni.At ang masaklap,umalis si Roni na hindi man lang niya nasasabi ang totoong nararamdaman para sa dalaga.

Napahilamos siya ng mukha at naiinis na tumayo at dumiretso na lang sa banyo.

Naiwang naiiling si Manang Elsa at ipinagpatuloy  na lamang muli ang paglilinis ng silid ng binata.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon