Chapter 10

279 30 5
                                    

Matuling lumipas pa ang mga araw.Nalalapit ng matapos ang kontrata ni Roni sa bahay na 'yun.Malapit ng bumalik ang kanyang Tiya Susan at siya naman ay nakatakdang umuwi na sa probinsya.Pinagbuti na lang ni Roni ang trabaho sa bahay.Paglalaba,paglilinis,pagdidilig,pagluluto.Hangga't kaya niyang umiwas sa binatang amo,ginagawa talaga niya.Ayaw na niyang makaharap o makahalubilo ang amo dahil konting panahon na lang at maghihiwalay na silang muli.

Nagsasampay na si Roni ng mga damit na nilabhan nang magulat siya dahil nakita niyang papalapit sa kanya si Borj.Naka suot ito ng damit pambahay at maliwanag ang mukhang lumapit sa kanya.

"Hi Roni" --nakangiting bati nito.

"S-sir Borj.Hindi ka po ba papasok sa resto?" --takang tanong niya habang patuloy sa ginagawang pagsasampay ng damit na nilabhan.

"Ahm..Roni,naisip ko kasi na ilang araw ka na lang dito sa bahay.Gusto ko sanang sulitin 'yung araw na nandito ka pa.Yayayain sana kitang mamasyal,o kaya manood tayo ng sine"--naiilang na yakag ng binata.

Hindi nagsalita si Roni.Nagpatuloy lang siya sa ginagawa kahit lumilipad ang tanong sa isipan niya.

Lalabas kami ni Sir Borj.Para ano???Di ba sabi naman niya huwag bigyan ng malisya ang mga bagay na ginagawa nito sa kanya.Binibigyan lang siya nito ng espesyal na atensyon dahil gusto lang ng amo na may makasama sa mga trip na lakad nito.

Humugot siya ng malalimna buntong hininga saka direktang sumagot sa amo.

"Sir Borj,ikaw na ang nagsabi di ba!Ilang araw na lang ako dito.Siguro po dapat mas bigyan ko ng atensyon yung trabaho ko.Nagpunta ako dito Sir para sa trabaho,hindi para lang sa lamyerda." --mahina ngunit buong-buo sa tinig ni Roni ang pagtanggi sa amo.

"Roni,please naman.Sumama ka na.Kailangan ko ng kasama." --panunuyo pa rin ng binata sa kanya.

Malungkot na napatungo si Roni.Subalit,kailangan niyang tumanggi sa amo.Kailangan niyang mailayo ang sarili dito dahil damang-dama niya na nahuhulog ang kanyang loob sa binata.Kaya,ngayon pa lang,habang may oras pa,kailangan na niyang umagwat sa binata.

"Sir!Alam kong kaya mong mag-isa.Kailangan,gawin mong mag-isa 'yung mga bagay na nagagawa mo naman noon.'Yung hindi ako kasama.'Yung walang Roni sa tabi mo.Alam ko naman Sir na ikaw 'yung amo ko dito. Ikaw ang nagpapasweldo sakin kaya ikaw 'yung dapat masunod. Pero Sir, hindi natin malalaman na talagang nalimutan mo na si Nicole, kung palagi kang may kasama. Sir, subukan mong gawing mag-isa"--mahabang paliwanag niya sa amo.

Halos magimbal si Borj sa mga narinig sa dalaga.Hindi nito akalain na maririnig ang mga salitang 'yun kay Roni.

"Ok.Ang dami mong sinabi." --at halatang nayayamot itong tumalikod sa dalaga.

Malungkot na naiiling na lang si Roni habang patuloy pa rin sa ginagawa.

"Sorry Sir!Kailangan ko lang gawin ito" --mahinang bulong niya sa sarili habang nakahabol ang tingin sa nagmamaktol na amo.

Naiinis na naupo si Borj sa mesa na nasa may garden.Napapahilamos siya sa mukha kapag naaalala ang mga sinabi sa kanya ni Roni.Hindi niya akalain na magagawa siya nitong tanggihan.Pero minabuti niyang maging kalmado.Kailangan niyang pigilan ang sarili dahil baka makapagsalita siya ng hindi maganda.Maging sanhi pa ng pag-aaway nila ni Roni.

Medyo kalmado na si Borj sa mga sandaling iyon nang makarinig siya ng ilang sunod-sunod na doorbell.Dahil alam naman niya na may ginagawa sina Roni at Manang Elsa sa loob,minabuti niyang tumayo na lang at puntahan kung sino ang nagdo-doorbell.

Isang hindi niya kilalang lalaki ang nakangiting bumungad sa kanya.Hawak nito sa kamay ang isang helmet at nakasuot pa ng gloves.Halatang galing sa mahabang biyahe ang lalaki.

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon