Chapter 17

259 26 0
                                    

Kanina pang namamagitan ang katahimikan kina Borj at Roni sa loob ng kotse.Walang gustong magsalita sa kanilang dalawa.Tumighim si Borj at naunang bumasag ng katahimikan.

"Mukhang enjoy na enjoy kayo ni Chad kagabi ah"--sarkastikong wika ni Borj habang nakatutok ang paningin sa daan.

"Ako ba o ikaw?"--sarkastikong sagot naman ni Roni na hindi man lang lumilingon sa binata.

"Ang sabi mo sakin hindi mo ako iiwan ,my God Borj,niyaya ka lang ni Tanya eh nalimutan mo agad 'yung ipinangako mo"--halatang irita ang boses ng dalaga at halos manggigil ito sa sobrang galit.

"So,this is all about Tanya, Roni,nagseselos ka ba?"--tanong ni Borj na nakatutok pa rin ang tingin sa daan.

"Bakit ninyo ba iniisip na nagseselos ako?Ako magseselos sa Tanyang 'yun.Sino siya"--mataray na wika ni Roni.

"Borj,curious lang ako ha.Alin ba ang mas masarap,yung bang marshmallow na nasa dibdib ni Tanya o yung halik niya.?"--sarkastikong tanong ni Roni habang umiling-iling pa.

"Obviously Roni, nagseselos ka talaga"--wikang muli ng binata.

"Hindi..hindi ako nagseselos.Hinding-hindi ako magseselos sa Tanya na 'yun"--taas kilay pang wika muli ni Roni.

Tiim-bagang na itinigil ni Borj ang kotse sa tabi ng kalsada.

"Hindi ka talaga nagseselos?"--halos namumula na si Borj sa inis pero pinipilit maging kalmado ang boses.Hangga't maaari ayaw niyang mapapagtaasan ng boses ang dalaga.

"Hindi!Bakit naman ako magseselos?"--mataray pa ring wika ni Roni at nanatiling hindi tumitingin sa kasamang binata.

"Pwes,selos na selos ako Roni.Selos na selos ako kay Chad.Torture na torture sakin 'yung makitang magkasama at magkausap kayo buong gabi.Hindi 'yun ang inaasahan kong gabi para sa ating dalawa"--malungkot na wika ni Borj.

Na-touch naman si Roni sa narinig mula sa binata.Sinundot ng kilig ang damdamin niya.Ibig sabihin na nagseselos ito kay Chad,talagang mahal siya ng lalaki.At kung nagseselos naman siya kay Tanya,malamang dahil mahal din niya ang binata.Pero palagay niya,hindi pa iyon ang tamang panahon para sabihin niya ang totoong nararamdaman para dito.

"I'm, sorry Roni, hindi ko lang talaga natanggihan si Tanya,birthday niya 'yun eh kaya pinagbigyan ko lang"--mahinang wika ni Borj.

"Hindi mo siya nagawang tanggihan,Pero ako Borj,nagawa mo akong iwan"--sarkastikong wika pa niya,subalit mahina at kalmado na rin ang tinig niya.Halata ang malalim na pagtatampo.

"Roni,tropa mo naman 'yung nandun eh,kung tutuusin nga mas mag-eenjoy ka kasi kilala mo naman silang lahat.Pero si Chad lang ang sinamahan mo"--halata pa rin sa boses nito ang pagseselos.

"Wala kaming ginawang masama ni Chad.Alam mo yan"--depensa ni Roni.

"Wala rin kaming ginagawang masama ni Tanya.Nag-inuman kami pero buong tropa naman 'yun."--sagot naman ni Borj.

"Malay ko ba kung anong pinag-usapan ninyo ng Tanya na 'yun"--maya-maya ay gatong na naman ni Roni.

"malay ko din ba kung anong pinag-usapan ninyo ng Chad na 'yun"--halatang irita na rin ang boses ni Borj.

"Wala kaming ibang pinag-usapan ni Borj dahil wala kaming relasyon.Ilang beses ko bang sasabihin sayo,na hindi ako nagmamahal ng  ka tropa"--galit na namang wika ni Roni.

"Hindi ka nagmamahal ng ka-tropa,pwes sana naman Roni,magmahal ka ng amo"--mahina subalit mariing wika ni Borj.

Namagitan na muli ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Hindi nakapagsalita si Roni.Ganundin si Borj.

At muling pinaandar na ng binata ang kotse.Ilang sandali pa ay sinapit na ng kotse  ni Borj ang tahanan nina Roni.Kusa nang bumaba ng kotse ang dalaga.

"B-baka gusto mo munang magkape"--tanong ni Roni sa binata nang makababa na ito ng kotse.

"Hindi na Roni.Thank you.Uuwi na ako"--at wala ng iba pang sinabi ang binata.Muli nitong ini-Start ang kotse at lumabas na nga ng compound nina Roni.Tahimik na inihatid lamang ng tanaw ni Roni ang papalayong kotse ni Borj.


DALAWANG SABADO nang hindi bumibisita si Borj sa dalaga.Dati-rati ay walang paltos ang binata sa pagbisita sa kanya basta araw ng Sabado.Mula ng magkaroon sila ng ganung klaseng argumento,hindi na muling nagpakita pa sa kanya ni Borj at ikinalulungkot 'yun ni Roni.Dati-rati ay wala ring paltos sa pagtetxt at pagtawag sa kanya si Borj kung hindi man ito makabisita sa kanya,ngayon ay dalawa o tatlong text na lang yata ang nareresib niya galing sa binata.Palaging busy daw ito,sa trabaho.'Yun ang laging katwiran nito.

Ipinag-aalala ni Roni ang ganung sitwasyon.Hindi kaya tuluyan ng nanlamig si Borj sa kanya.Oh,baka naman si Tanya na ang tinetxt at tinatawagan nito.Baka si Tanya na nga ang bagong dinidiskartihan ni Borj.

Halos maiyak na si Roni sa isiping 'yun.Buong akala pa naman niya nakahandang maghintay si Borj sa kanya,yun naman pala mauumay din ito.

Birthday pa naman niya sa darating na Lunes.Pero hindi na siya umaasang darating si Borj.Alam naman niyang abala ang binata sa negosyo nito eh,kaya hindi na rin siya nag-eexpect ng anupaman buhat dito.

Malungkot siyang napahugot ng buntong-hininga habang nagsesenti.

"Wala namang masamang mag celebrate ng birthday mag-isa eh."--bulong niya sa sarili.

"Kung walang Borj na darating,ok lang 'yun.Kung walang maghanda para sayo,ok lang din 'yun.Ang importante malakas at masaya ka"--pag-aamo niya sa sarili.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon