Chapter 13

257 26 3
                                    

"Roni,naglaba ka ng maruruming damit ko.Naglinis ka ng bahay namin.Nagdilig ka ng mga halaman ni Mommy.Eh,degree holder ka naman pala eh" --hindi makapaniwalang wika ni Borj habang pinagmamasdan ang college picture ng dalaga.Tumabi sa kanya ang dalaga.Kahit may pagitan sa kanilang dalawa,amoy na amoy ni Borj ang bango ng dalaga.At hindi niya maiitanggi sa sarili,na mas naaakit siyang pagmasdan ang dalaga ngayong hindi na ito nakasuot ng unipormeng pangkatulong.

"Ano naman ang masama sa pagiging kasambahay.. Marangal na trabaho namn 'yun. Saka, hindi ako swertehin sa mga apply ko Sir! Kaya rumaraket na lang ako para may maipon, pansimula kahit small business" --paliwanag ng dalaga habang nakatitig din sa larawan niya.

"So,mahilig ka din pala sa negosyo.Kaya Business Ad ang kinuha mong kurso" --wika ni Borj.

" Mahilig sa negosyo ang parents ko Sir.Si Mama,may maliit na tindahan sa palengke.Si Papa naman may maliit na talyer sa kanto" ----kuwento pa rin ng dalaga.

"Huwag mong maliitin ang negosyo nila.Kasi for sure,kahit maliit,kumikita" --nakangiting wika ng binata.

"Haiiii..Siyempre,alam mo yan Sir,expert ka diyan eh..Ikaw na ang Big Boss..Ikaw na ang maging isang Borj Jimenez,may-ari ng isang kilalang resto."--wika ni Roni.

Narinig niyang humugot ng malalim na buntong-hininga ang binata saka nagsalita.

" Alam mo Roni,pwede kitang tulungang magnegosyo.Iyon eh kung papayag ka sa kondisyon ko"--lakas loob na wika ni Borj.

" Ano namang kondisyon Sir Borj"--wika ni Roni na nakatingin pa rin sa sarili niyang larawan.

"Be my girlfriend" --mahina subalit sapat na para marinig niya ang sinabing 'yun ng binata.Dahan-dahan siyang lumingon sa lalaki at tinatantiya kung nagbibiro ba ito.Naiiling na napatawa na lamang si Roni.

Subalit direkta at seryoso ang tingin sa kanya ni Borj...'Yung tipong tingin na nakakahimatay dahil sobrang nakakakilig..

Pero ayaw niyang bigyan ng malisya ang nga tingin na yun.At ang sinabi naman ng binata ay ayaw din naman niyang pakaseryosohin.Malamang na nagbibiro lang ang dating amo.

Umiwas na siya sa binata.Hindi na niya kayang makipagtitigan pa.Umupo na lang siya sa malambot nilang sofa at pinilit maging kaswal sa pagsasalita.

"Ikaw talaga Sir,baka nalipasan ka na ng gutom.Bakit ka ba napadpad dito?Ano bang masamang hangin ang nagdala sayo dito?"--tanong ni Roni.

" Ikaw!"--walang gatol na tugon naman ni Borj habang nakatingin pa din sa kanya.

Sa ikalawang pagkakataon ay naiiling na tinawanan na lang niya ang sagot na yun ng binata.

"Mukhang ang lakas ng trip ngayon ni Sir Borj ah.."--bulong niya sa sarili.

Pinilit niyang maging kaswal kahit ang totoo,nagsisimula na siyang kabahan dahil nararamdaman niya na seryoso ang kausap sa mga simpleng banat nito sa kanya.

"Hindi ako masamang hangin Sir Borj.Maganda ako"--at pinilit niyang ngumiti upang kahit paano ay maibsan ang kabang nararamdaman niya.

"Nagbibiro lang ako Sir" --habol pa niya at naiilang na ngumiti.

"Alam ko naman na maganda ka.Maganda ka talaga Roni.Inside and out.Kaya nga hindi ko napigilang mahulog sayo" --direktang wika na naman ng gwapong binata.

Natigagal si Roni sa narinig.

"Susmaryosep!Nalipasan na nga yata ng gutom ang bisita niya at kung ano-ano ang inihihirit." --bulong ng utak niya.

Dahan-dahan siyang tumingin sa binata.Hayun na naman.Nakatitig na naman si Borj.OMG,ang mga titig na yun talaga.Kayang sumira ng pinakamatibay na garter ng panty niya..'Yung tipong tingin na "makalaglag panty ika nga".....

"A-alam mo Sir,siguradong nalipasan ka na nga ng gutom.Kung ano-ano ang pinagsasabi mo eh.Sandali lang Sir Borj at ikukuha kita ng makakain" --at tumayo nga si Roni para kumuha "kuno" ng pagkain ng binata.Subalit ang totoo,gusto lamang nitong umiwas sa amo.Hindi na niya matatagalan ang sobrang kilig sa puso niya sa sinasabi ng binata.

Ang tanong na lang naman eh,kung totoo naman ba ang sinasabing yun ng binata.Tandaan,May dating Nicole si Borj na muntik ng maging dahilan sa pagkasira ng buhay nito.

Lalakad na sana si Roni patungo sa kusina subalit mabilis itong napigilan ni Borj sa braso.Nagulat si Roni.Kahit noon ay nahahawakan siya ng binata sa kamay pero walang epekto sa kanya.Bakit ngayon???Parang...parang..napapaso siya sa init ng mga kamay ng binata.Ganun ba talaga ang pakiramdam kapag nagsisimula ka ng muling ma-inlove...????tanong ng utak niya.

"Sandali lang Roni" --pigil ni Borj sa braso niya.

"Seryoso ako Roni.Hindi ako nakikipagbiruan.Totoo ang mga sinasabi ko sayo.Kung naaalala mo pa,noon tinanong kita,paano kapag na-inlove ako sayo,anong gagawin mo? Narito ako ngayon Roni, para malaman kung ano ang sagot mo? "--seryosong banat pa rin ni Borj.

Natahimik si Roni.Hindi agad siya makahagilap ng sasabihin sa binata.

"Hindi-- h-hindi ba Sir,sinagot naman kita.Ang sabi ko sayo Iwasan mong ma-in-love sakin kasi m-mahihirapan ka.."--nauutal na sagot naman niya dito.

" Wala akong pakialam kung mahirapan man ako Roni.Hindi ko sinadya,pero bigla kong naramdaman.Naging masaya ako nang makilala kita Roni.At nalimutan ko kung gaano ko kamahal si Nicole noon,dahil sayo Roni. Dahil Mahal Kita."--walang kagatol gatol na saad ni Borj.

Ilang beses yatang napalunok si Roni dahil sa mga narinig.Hindi niya mapaniwalaan ang bawat salitang ipinagtapat sa kanya ng binata.

Natahamik siya.

" Magsalita ka naman Roni"--mahinang pakiusap ng lalaki.

" S-sorry Sir Borj pero....pero...may boyfriend na ako"--halos nagkandautal-utal na wika niya.

" Ano??!"--takang tanong ni Borj.

" Kasi Sir,nung umuwi ako dito.Sinagot ko na si Chad.Boyfriend ko na siya ngayon'--kwento niya sa binata.

Nakita niya ang labis na panlulumo sa mukha ng dating amo.Gusto niyang maawa dito at bawiin na lang ang mga sinabi niya.Pero kailangan niyang panindigan ang anumang nasabi na niya.

"Akala ko ba,hindi ka pumapatol sa katropa" --nakatungo na ngayon ang binata.Hindi na nito ngayon magawa ang tingnan siya.Maging ang boses ng lalaki ay humina at tila gumagaralgal pa.

"S-sir..Ganun yata talaga ang love eh.Bigla-bigla mo na lang mararamdaman kahit hindi mo gustuhin.Kahit hindi mo sinasadya, tulad ng sinasabi mo Sir Borj.Mabuting tao naman si Chad,saka kaibigan ko rin naman siya kaya natitiyak kong magiging ok kaming dalawa."--dagdag pa niyang kuwento.

Tuluyan nang nanlupaypay ang mga balikat ni Borj. Hindi na nito magawang magsalita pa. Maging ang tingnan siya ay hindi na rin nito ninais pang gawin.

"Sige Roni.. Kung.. kung nakapagdesisyon ka na pala eh. Wala na pala akong magagawa. Masaya ako para sa inyo ni Chad" --at bukod doon ay wala na itong ibang sinabi pa.Malungkot itong tumayo sa kinauupuang sofa at tahimik na lumabas ng bahay.

Naiwan namang nakatungo si Roni at nangingilid ang mga luha sa mata.Ramdam na ramdam niya ang sobrang sakit.Alam niya,na nasaktan niya ang kanyang si Sir Borj.Pero mas mabuti na rin 'yun kesyo siya ang masaktan pagdating ng panahon.

Hinayaan niyang tumulo ang kanyang mga luha.Lalabas na lang siyang muli ng bahay kapag narinig na niyang umugong papalayo ang sasakyang kotse ni Borj.

Lalabas na lang siyang muli ng bahay kapag narinig na niyang umugong papalayo ang sasakyang kotse ni Borj

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon