Chapter 9

262 28 0
                                    

Pumasok sina Borj at Roni sa malawak at maliwanag na bulwagan ng reunion party.Sobrang nakamamangha sa paningin ni Roni ang buong kaayusan ng lugar.Makatawag pansin talaga ang makukulay  at magagandang dekorasyon na ginamit sa okasyon.Halatang ginastusan.Halatang pinagpaguran at tinarabahong mabuti ang pag-aayos ng bulwagan.

Kinabahan si Roni ng matanaw niya ang ilang mga panauhin na nasa loob na rin ng bulwagan.Hindi niya kilala ang mga babae at lalaki na lumilingon at tumitingin sa kanila ni Borj.

Gusto na lang sana niyang mag-back-out.'Yung tipong tatakbo na lang siya papunta sa labas at hindi na babalik pa.

Nahihiya siya sa mga naroroon.Nagsisimula na siyang panlamigan.Pakiramdam kasi niya,kahut gaano pa kaganda ang damit at sapatos na suot niya sa gabing 'yun,pakiramdam niya ay unipormeng pangkatulong pa rin ang suot niya.

Halatang mayayamang kumilos at magsalita ang naroroon.Nakaramdam siya ng pagkaasiwa dahil nanliliit siya para sa sarili.

Maya-maya ay may waiter na lumapit sa kanila ni Borj.Kumuha ng wine ang binatang amo,samantalang orange juice naman ang dinampot niya.

Naroon sila ni Borj sa isang sulok ng bulwagan at naghihintay nang kakilala o dating kaibigan ang amo,subalit kamalas-malasan,hindi dating kaklase ang natanawan nilang palapit sa kanila.Kundi.ang dati nitong nobya,na walang iba kundi si Nicole,kasama na naman ang dalawang asungot nitong kaibigan na nagmamaganda sa gabing 'yun.

"Hi Borj..I am so glad to see you here,Babe,Mabuti naman at naisipan mong umatend dito sa party natin" --nakangiting wika ni Nicole na isinungkit pa ang kamay sa may batok ng dating kasintahan.

"Siyempre.Napag-isip-isip ko,bakit ko nga ba naman sisirain ang buhay ko dahil lang sa nangyari" --mapait na wika ni Borj habang nakatitig sa dating kasintahan at mabilis na inalis ang kamay nitong nakasampit sa batok niya.

"Wow!Common Borj! Aminin natin. Nasaktan tayo sa mga nangyari, at kung gusto mong ayusin natin , nandito lang ako Babe"--at muli nitong sinubukang lumapit sa binata ngunit mabilis na umiwas si Borj.

" I'm sorry Nicole...Wala na tayong dapat pang ayusin"--mahina subalit mariin ang tinuran na iyon nang binata.Sapat na upang marinig ni Roni ang lahat.Ganundin ang mga sinabi ni Nicole.Hindi nakaligtas sa masusing  pandinig niya.

Nakita niyang pinukol ni Nicole nang matalim na irap si Borj.Halata ang labis na pagkadismaya sa mukha nito.

Napatungo na lang si Roni dahil siya ang nahihiya sa sitwasyon.

"Bye the way,Borj,whose with you?" --maarteng tanong naman ng isang babae na kasama ni Nicole.

Hindi niya narinig  na nagsalita si Borj.Pero, ang naiinis at sarkastikong boses ni Nicole ang narinig niya.

"Siya si Roni.Ang tsip na tsimay na kapit ng kapit sa desperado niyang amo" -- at saka muli itong bumaling ng tingin sa binata.

" My God Borj!"--sapo pa nito sa sariling noo.

" Wala ka na bang makitang ibang babae na tulad ko,at nagsama ka na lng ng kung sino-sino?"--halatang nang-iinsulto si Nicole.

Nakaramdam ng pagkapahiya at panliliit si Roni.Ni minsan,hindi niya naranasan ang mapagsalitaan at makarinig ng ganung salita sa ibang tao.Sa oras na iyon pa lang.Napakayukom ng bahagya ang mga palad niya,dala ng galit.Pero nagtimpi siya at pinalampas na lamang ang mga narinig.

"Nicole!" --narinig niyang wika ni Borj.

"Baka nakakalimutan mo,na ikaw ang pumunta sa bahay at nagdala ng invitation para papuntahin ako dito.Now,anong karapatan mong ipahiya at pagsalitaan ng ganyan ang sinumang kasama ko ngayong gabi"--halos narinig niya na nanggigil na ang boses ni Borj.

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon