Chapter 8

254 27 3
                                    

Sa wakas ay hindi na nangulit pang muli si Borj sa paglabas -labas na kasama siya. Nagfocus na talaga ang binatang amo sa negosyo nito at siya naman ay nagfocus din sa mga trabaho sa bahay. Mas pabor para kay Roni ang ganung sitwasyon kesa naman mahulog ng tuluyan ang kalooban niya sa binata.ilang Linggo na lang kasi ang natitirang panahon at muling babalik ang tiya Susan niya at siya naman ay nakatakdang umuwi ng probinsiya .

Abala si Roni sa pagdidilig ng halaman sa umagang 'yun nang marinig niya ang ilang sunod-sunod na doorbell. Pansamantala niyang itinigil ang ginagawa at agad na tinungo ang gate.

Tatlong magagandang babae ang bumungad sa kanya. Sa kilos at pananamit ng tatlong babae halatang mayayaman at sosyal ang mga ito. Mula sa suot na damit, dalang bag at suot na sapatos, maging sa kolorote sa katawan halatang mayayaman ang mga ito.

"Goodmorning! Sinong kailangan nila?" --diretsang tanong niya sa mga babaeng bisita.

Napansin agad niya ang pagtitinginan ng tatlong babae nang makita siya.Hindi rin nakaligtas  sa kanyang paningin ang paghagod ng tingin ng mga ito sa kanya mula ulo hanggang paa.

Kahit naiilang ay pinilit niyang nginitian ang mga ito.

"Nandiyan ba si Borj?" --direktang sagot din ng babaeng pinakamaganda sa tatlo.

"Wala po eh. Nasa restaurant si Boss. Bakit po ba? Anong kailangan ninyo sa amo ko?" --sabay halukipkip niya.

"Dumaan lang kami para iabot itong invitation sa amo mo. By the way I'm Nicole" --sabay abot nito ng dalang invitation at inilahad sa kanya ang kamay nito.

Pakiramdam ni Roni nakikipagplastikan lang sa kanya ang babae. Masama ang vibes niya sa ngiti at tingin pa lang ng babaeng ito.

"So ikaw pala ang ex-girlfriend ng amo ko" --hindi alam ni Roni kung bakit ba niya nasambit ang mga salitang 'yun. Umiral na naman ang kataklesahan niya nang wala naman sa lugar.

Nakita niyang nagkatinginan ang tatlong babae at napansin niya ang pagpipigil ng mga ito ng malakas na pagtawa.

"Yeah. Ako nga ang ex-girlfriend ni Borj. And you are??? -" bitin nito sa sinasabi. Halatang interesado ang babae na malaman ang pangalan niya.

"Ako si Roni" --maikling sagot naman niya.

"Ok sige. Thanks Roni. Pakisabi na lang sa amo mo na napadaan kami." --at ipinagdiinan pa nito ang salitang amo. Tumalikod na ang tatlong babae at narinig niya ang malakas na tawanan ng mga ito bago tuluyang sumakay ng kotse.

Sa isip-isip niya, siya ang tinatawanan ng tatlong babae. Pakiramdam tuloy niya, bigla siyang nanliit. Napakaganda naman pala talaga ni Nicole para kahumalingan ni Borj nang sobra-sobra. Sa paraan pa lang ng pananamit nito at kilos, tipong maiiharap mo talaga kahit kanino.

Napahugot na lamang si Roni nang malalim na buntong-hininga. Pinag-ukulan na lamang niya ng pansin ang hawak na invitation na iniabot sa kanya ni Nicole. Reunion Party pala  ng batch nina Borj noong College.

Muli niyang isinara ang gate at itinuloy na lamang ang pagdidilig ng halaman habang sa isipan niya naglalaro ang katanungan kung aatend kaya si Borj o hindi???

Samantala:Kinaumagahan...
Kasalukuyang nagkakape at nagbabasa ng diyaryo ang mag-ina sa hapag-kainan nang maalala niyang iabot ang invitation na dinala ni Nicole.

"Excuse me po Sir Borj, nalimutan kong iabot sa inyo ito kagabi pag-uwi ninyo? Dinala po ni Nicole yan kahapon. Ipinabibigay po sa inyo" --magalang na wika niya.

Nagtataka namang ibinaba ni Mrs. Jimenez ang binabasang peryodiko at nakiusyuso sa imbitasyon na binabasa ng anak.

"What is that, son?" --di mapigilang tanong nito sa anak.

"Invitation Mommy, may reunion party kami sa Saturday"--tila walang ganang sagot naman ng binata.Sabay tapon ng invitation sa ibabaw ng mesa.

"You should be there?" --sulsol ng ina.

Umiling lang si Borj.

"Ayoko Mommy" --walang ganang sagot nito.

" Anak,this is your chance na maipakita mo kay Nicole na nakapag move-on ka na.Kung naka move-on ka na nga ba?"--wika muli ng Ginang.

Tahimik lang na nakikinig si Roni sa usapan ng mag-ina.Gustuhin man niyang sumabat at magbigay ng opinyon,pinigilan niya ang sarili.Una,wala siyang karapatang sumabat sa usapan ng mag-ina lalo at hindi naman siya tinatanong .Pangalawa,wala din naman siyang magandang maiipayo sa amo.Pero sang-ayon siya sa opinyon ng babaeng amo.Isang magandang pagkakataon para kay Borj ang lumabas at dumalo sa reunion party ng sa ganun ay lubusan nga naman nitong maipakita kay Nicole,na ok na ang lalaki sa masakit nitong pinagdaanang kabiguan.

"Pumunta ka Borj,huwag ang hindi" --muling sulsol ni Mrs.Jimenez.

Maya-maya ay naisipan nitong lumingon kay Roni.

"Palagay mo Roni?" --tanong nito sa kanya.

Hindi akalain ni Roni na siya ang tatanungin ng amo.Nagkibit balikat lang naman siya at saka matipid na ngumiti.

"K-kung ako po ang tatanungin ninyo Sir.Mukhang tama po si Ma'am.Mabuti po ang umatend kayo.Pero,opinyon ko lang 'yun Sir ha.Ikaw pa din siyempre ang magdedesisyon.Kung nakahanda ka na pong humarap kay Nicole,Go Sir!P-pero kung hindi pa naman,ikaw Sir..bahala ka"--halos mautal-utal na wika niya sa binatang amo.

" Ok,pupunta ako,kung sasamahan mo ako" --walang gatol na wika ng amo.

Nagulat na naman siya sa sinabing 'yun ni Borj.Paano na namang nasama siya sa lakad nito.Eh,reunion party 'yun nung college batchmates.

"Naku Sir,bakit naman po kailangang samahan ko pa kayo eh,hindi naman po ako ninyo ka batchmate .Sigurado pong hindi kayo mag-eenjoy Sir kung kasama ninyo ako"--todo react talaga siya sa pagpapalusot sa binata.

" Eh,sabi kasi dito sa invitation.Bring your partner.So,kung wala akong bitbit na partner sa party,magmumukha lang din akong ewan dun di ba!So,hindi na lang ako aatend"--at muli nitong inilapag sa mesa ang invitation.

Na-guilty tuloy si Roni.Kanina lang sinusulsulan niya ang amo na umatend.Tapos kailangan pala may kapartner pag punta dun.Magiging kawawa naman nga ang amo kung mag-isa lang din itong pupunta sa event.Pero mas nakakaawa din ito kung hindi ito makakapunta dahil wala itong kasamang partner.Mas iisipin ni Nicole na hindi pa rin magawang mag-move-on ng amo kaya hindi nito magawang magpakita sa kanya.

"S-sige Sir,sasamahan po kita" --tila labas na lang sa ilong at pikit matang desisyon niya.

Bahala na lang.Mahalaga masamahan niya ang amo.

"Talaga Roni.Sige,Salamat ha" --masayang wika ni Borj.

Napangiti rin si Mrs.Jimenez,naging masaya din ito sa naging desisyon niya na sumama kay Borj.

"Thank You Roni.Akong bahala sayo sa Saturday.Sasamahan kita magpaparlor at bibili tayo ng dress na bagay sa event and of course bagay sayo" --maluwang ang ngiting wika ni Mrs. Jimenez.Halata sa tinig nito ang labis na pananabik.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon