Chapter 5

277 27 0
                                    

"My God Roni,hindi ka man lang nagpaalam sakin na hihiwalay ka.Kanina pa ako nag-aalala sa paghahanap sayo" --seryosong wika ni Borj na bahagyang  namumula sa galit.

" Ows talaga Sir,nag-aalala ka"--biro pa ni Roni sa napipikon na amo.

" Pwede ba Roni Hindi ako nakikipagbiruan sayo ha..Narito ka sa Manila.Wala ka sa probinsya ninyo.Kapag may hindi magandang nangyari sayo,pananagutan ka namin.Naiintindihan mo ba"--mahina subalit mariin ang pananalita ni Borj.Halatang galit na talaga ang amo.

"Eh,Sorry Sir.Medyo sumama 'yung pakiramdam ko eh.Hindi kasi ako sanay sumakay sa may aircon.Buti nga napigilan ko pa ang sarili ko,kung hindi,naku patay Sir,siguradong kalat sa kotse mo.Kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo Sir,kasi talagang aabutin na ako kanina"--seryosong hingi niya ng despensa sa amo.

Tila biglang nag-alala naman ang binata sa kanya.

" Are you alright.Wait halika,maupo ka muna dito"--at hinila ng binata ang isang silya na nasa may round table at inalalayan siya doong maupo.

"Ok ka na ba?" --mahinang tanong ni Borj subalit sapat na para marinig niya.

"Medyo,nahihilo pa ako Sir..pero..konti na lang naman.." --matapat namang sagot niya sa amo.

"Ok,wait lang ha..i'll be right back" --at mabilis na tumayo ang binata at narinig niyang tumawag ito ng waiter.

"Pakikuha naman ng order ng kasama ko,please!" --

Narinig na naman ni Roni ang makapangyarihang pag-uutos ni Borj sa mga tauhan.Maya-maya nga ay nakangiting lumapit ang isang waiter sa kanya at pilit siyang pinaoorder ng pagkain.Natanaw naman niyang pumasok sa kusina si Borj.Hindi naman niya alam kung ano ang oorderin kaya sinabi na lng niya sa waiter na matiyagang naghihintay sa order niya ay 'yung  pagkaing kilala lang niya.Iyon lang naman eh sapat na at siguradong mabubusog na siya.

Makalipas ang ilang minuto.Bumalik na si Borj at naupo sa tapat ng silyang kinauupuan niya.Napakunot noo ito nang makita ang nakahain sa mesa ng dalaga.

"Ano yan" --kunot noo na namang tanong nito.

"Alin Sir?" --takang tanong din niya.

"Yang kinakain mo, ano yan?"--tila napipikon na naman si Borj.

"Juice po . Saka sandwich.... Omg sir,ang yaman yaman mo tpos juice at sandwich lang hindi mo alam" --sarkastikong wika niya sa amo.

Nagsalubong na naman ang kilay ng amo.Halatang napipikon na naman ito sa mga simpleng banat niya.

" Ang ibig kong sabihin.Hindi sapat ang pagkaing yan sayo!Look..nailabas mo na sa CR ang lahat ng laman ng tiyan mo,hindi ka mabubusog kung yan lang ang kakainin mo"--walang gatol na paliwanag na naman ni Borj.

Kahit napipikon ang lalaki,para sa mga mata ni Roni..Mas lalong nagiging cute ang binatang amo.Natutuwa tuloy siyang asarin at pikunin ang lalaki.Umiiral tuloy ang kapilyahan niya.

" Eh  Sir Borj,paano naman ako oorder ng ibang pagkain.Sa totoo lang,Hindi ko naman kilala 'yung mga pagkain na nasa menu list ninyo.Malay ko ba kung binanging sawa o kaya pritong daga ang ihain sakin.Kaya, dito na lang ako sa kakilala ko."--at nakangiti pa niyang nilaro-laro ang baso na may lamang juice.

" Siyapala Sir,ikaw ang magbabayad nito ha.Wala pa akong pera alam mo yan..Apat na araw pa lang ako sa work ko"--walang kagatol-gatol na wika niya sa amo.

" Sige walang problema.Ang importante mabusog ko para hindi ka na mahilo.Sandali lang ha"--wika ni Borj.

" Excuse me,waiter!"--nakaw nito sa atensyon ng waiter na naroon.Patakbong lumapit ang isang waiter sa kinaroroonan nila.At maya-maya nga ay kung ano-ano ang pagkaing inorder at sinabi ni Borj.Hindi na niya maintindihan at matandaan ang pangalan ng mga pagkain.Basta,ang alam lang niya Ang sarap titigan ng binata sa malapitan.

Haiii Roni...Umayos ka..Kung crush mo si Boss mo,umayos ka pa rin..Huwag kang magpahalata...Gwapo lang si Boss..Pero tandaan mo..Pinagtagpo lang kayo..pero hindi itinadhana..mayaman si Borj eh ikaw???mayaman ka ba???---mariing napapikit si Roni..Masakit tanggapin ang itinututol ng kanyang isipan.Pero bakit ba..wala naman siyang nararamdaman sa amo..Naguguwapuhan lang naman talaga siya dito.

Hindi na halos namalayan ni Roni na nasa harapan na pala nila ang mga pagkaing inorder ni Borj.Kasalukuyan kasing lumilipad ang imahinasyon niya.Noon niya napagtanto na may plato din si Borj at mukhang kakain din ang lalaki.

"Tara kain tayo" --nakangiting yaya ng amo  sa kanya habang hawak na ang mga kubyertos.

Sa kaunaha-unahang pagkakataon,noon lang niya napansing ngumiti ang amo.Matipid na ngiti pero...hayyyy..nakakabaliw...nakakatunaw...nakakamatay...ang gwapooooo mo Sir Borj...---bulong na naman  niya sa sarili..

"K-kakain ka din S-sir?" --kunwari pa'y tila nahihiyang tanong niya sa amo.

"Of course,sasamahan na kitang kumain.Alam ko kasi kung gaano kalungkot ang kumain nang mag-isa" --seryosong saad na naman ng binata habang nakatitig sa kanya.

Nakaramdam nang pagkailang si Roni sa mga titig na 'yun ng binatang amo.Nagbaba na lang siya ng tingin at kumuha na lang ng pagkain.Kahit nahihiya siyang kumain sa harapan ng gwapong amo,pinilit niya..Pinilit niyang lamnan ng pagkain ang tiyan para mabawi ang isinuka niya kanina..

"Hello Son,Hello Roni..Ok ka na ba hija,nabanggit kasi ni Borj na sumama daw ang pakiramdam mo.Medyo busy naman sa kitchen kaya hindi agad ako makalabas!" --
Paliwanag ng babaeng amo.

"Ok na po ako Ma'am.K-kain po tayo ma'am" --nahihiyang alok niya sa Ginang.

"Thank you hija..Just enjoy your food" --sagot naman nito.

"Borj ,saan ba kayo pupunta ni Roni?" --tanong ng Ginang sa anak.

"" Actually Ma..Mamamasyal sana kami.Magpapasama sana ako kay Roni.Unfortunately,sumama ang pakiramdam niya kaya uuwi na lang kami after this"--sagot ni Borj.

" Well,that's good Borj para makapagpahinga naman muna si Roni.Some other time,lumabas na lang ulit kayo..Hindi ba Roni"--nakangiting wika ng Ginang habang nakatingin sa kanya at tila naghihintay ng isasagot niya.

" Sure Ma'am"--naisagot na lamang niya.

" Bueno,Borj,Roni..maiwan ko muna kayo ha..Bye..See you again later"--at pumasok na muli ang Ginang sa kusina at naiwan na lang silang muli ng amo.

" Sir Borj,s-sorry ha!Nasira ko ang lakad mo"--nahihiyang wika niya sa amo.

" Sus..ok lang 'yun Roni..Madami pa namang next time" --diretsong sagot naman sa kanya ng binata na titig na titig pa rin sa kanya.

OMG..Ano ba ang titig na 'yun ni Borj..Bakit ganun..parang kinikiliti ang puso niya..Gusto na lang niyang matawa sa sobrang likot ng imahinasyon niya.

Haiiiistt..Kung ganito ba naman kasi kaguwapo ang amo mo na makakasama mo araw-araw..Ewan na lang kung hindi ka mabaliw..Titig pa lang ng binata..Ulam na!

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon