Chapter 12

251 29 0
                                    

Mahihinang katok ang narinig ni Borj sa kanyang silid.Pero hindi siya natinag.Nanatiling nakatuon ang kanyang paningin sa may bintana habang ang isang kamay ay nakahawak sa isang bote ng maliit na beer.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan.Pumasok si Mrs. Jimenez at lumapit sa anak.

"Borj,ang sabi sakin ni Inay Susan,tatlong araw ka ng hindi lumalabas ng kuwarto." --mahinahong wika ng Mommy nito.

"Alam mo anak.Noon,sigurado ako na iisa ang dahilan ng ipinagkakaganyan mo.Si Nicole.Pero ngayon,naguguluhan ako kung si Nicole pa rin ba,o baka naman...si Roni na?"--nanatiling tahimik pa rin si Borj sa sinabi ng ina.Hindi ito nagbigay ng anumang komento.Sa halip,tinungga nito ang hawak na beer.

Humugot ng malalim na buntong-hininga ang Ginang at saka malungkot na tumayo.

"Sige anak.Kapag gusto mong pag-usapan natin.Alam mo naman kung saan pwedeng puntahan si Mommy."--at hinawakan nito ang balikat ng anak saka tumalikod na.

" Ma,kapag ba na-inlove ako sa isang simpleng babae,tapos simpleng buhay lang ang meron sila.Tapos hindi naman ganun kataas ang pinag-aralan niya.Magiging ok lang ba 'yun sayo'--maya-maya ay narinig na wika ng Ginang sa anak.

Napalingon ang Ginang.Matipid itong napangiti at muling umupo sa tabi ng anak.

"So,Si Roni ba 'yan?" --nangingiting wika ng Ginang.

Hindi pa rin direktang sumagot si Borj sa tanong na iyon ng Ginang.Nagpatuloy lang ito sa pagtungga ng boteng may lamang beer.

"Alam mo Hijo,noong naging girlfriend ako ng Daddy mo ,hindi rin ako mayaman.Hindi rin naman mataas ang pinag-aralan ko.Simpleng buhay lang din ang meron kami.Pero alam mo anak,nakita siguro ng lolo at lola mo na mabuti naman akong babae,mabuti naman kaming tao,wala kaming naging problema sa kanila.Tanggap nila kung ano kami."--mahabang kwento ng Ginang.

" Kung....kung si Roni ang babaeng tinutukoy mo..Anak,mas magiging masaya ako kung magkakasundo kayo.Kasi,napakabuting babae ni Roni.Masipag,mabait..magalang..Tapos ang ganda ganda pa..Di ba Hijo?"--halata ang panunundyo ng ina sa paraan ng pagtatanong nito.

" Kaya lang Ma,umalis na si Roni eh.Iniwan na ako"--halata ang pagkainis sa boses ng binata sabay tungga muli ng beer.

" Sus,Borj..Kung si Roni nga,nakapunta ditong mag-isa,ano naman ang dahilan at hindi magagawa ng anak ko ang pumunta ng Batangas"--tila nanunulsol namang sagot ng ina.

Napatingin si Borj sa ina.At nagtawanan silang dalawa nang mabasa ang nasa isipan ng isa't-isa.

Matingkad na ang init nang sapitin ni Borj ang lugar na nakasulat sa papel.Ibinigay iyon ni Inay Susan sa kanya.Iyon daw ang address ng bahay nina Roni.

Mukhang tama naman ang tinutunton ng kanyang kotse.Pumasok kasi siya sa isang compound na ayon sa matanda ay mayroong maliit na basketball court.May nakita din siyang maliit na tindahan,na sa ang paglalarawan pa ng kanyang Inay Susan ay may katabing palaruan ng Bingo Games,kung saan daw kadalasang naroon at nakatambay ang magkakapitbahay tuwing patay na oras.

Hindi nga siya nagkamali.Dahil,habang nagmamasid siya sa paligid ay napako ang atensyon niya sa isang babae na sumisigaw at bumobola ng Bingo Games.

Hindi nga siya maaring magkamali.Si Roni ang babaeng maingay at sumisigaw.

Agad yatang tumalon ang puso niya ng makita ang dalaga.Pero,natatawa siya sa anyo ni Roni.Ang ingay-ingay.Talagang labas na labas ang pagiging taklesa at kadaldalan gaya ng pagkakilala niya sa babae sa unang araw na nagkita pa lang sila.

Bumaba si Borj ng kotse.Nagdesisyon siyang lumapit sa dalaga na abalang-abala sa paglalaro ng Bingo.Dahil kung hindi siya lalapit at magpapapansin sa dalaga,hindi talaga niya makukuha ang atensyon nito.

"Sa letra ng B...!!!!" --malakas na sigaw ni Roni habang dahan-dahang sinisipat ang numerong nabunot.

Bago pa niya maianunsiyo ang numero ay naagaw na ni Borj ang atensyon ng dalaga.Halos mamutla ito nang makita siya sa labis na pagkagulat.

"S-sir Borj" ---manghang-mangha siyang napatingin sa binatang paparating.

"Anong Sir Borj???" --takang tanong ng mga manlalaro na naroon at nagtataka silang napatingin sa dalaga.

Kasunod noon ay napako ang tingin nila kung saan nakatingin si Roni.

"Aba,Roni..gwapo ah..Boyfriend mo?" --urirat naman ng ilang matandang naroon na naglalaro din ng Bingo.

"Ah..Naku,hindi po.." --at naiilang siyang tumingin sa napakagwapong amo.

"Siya po si Sir Borj.Siya po 'yung amo namin ni Tiya Susan sa Manila." --naiilang na paliwanag niya.

"Ahm...Sir,ito po 'yung lola ko.Tapos mga tito at tita ko tapos 'yung iba naman mga pinsan ko na" ---pag-iisa-isa niya sa mga naroroon.

"Magandang tanghali po lola" --sabay hagip nito sa kamay ng matandang Ginang na ipinakilala ni Roni na lola daw niya at nakangiting nagmano dito ang binata.

"Kaawaan ka ng Diyos apo" --tugon naman ng lola ni Roni.

Napakamot na lang sa ulo si Roni.Hindi niya akalain na marunong palang magmano ang amo niya sa matatanda.

"Pinsan,oh..ikaw muna ang bahala dito ha,huwag mong ipapatalo yan.May bisita lang ako" --bilin ni Roni sa pinsan habang iniwan ang mga cards at gamit sa pagbola ng Bingo.

"Sir tara sa bahay!" --yakag niya sa binata.

Tahimik na sumunod lang sa kanya ang binata.Sa di-kalayuan ay naroon ang bahay nina Roni.Bubuksan na sana ng dalaga ang maliit na gate ng bahay ng mga ito nang masalubong nila ang isang lalaki at babae na nasa edad singkwenta pataas.

"Ma,Pa!si Sir Borj po.Siya po 'yung sinasabi ko sa inyo na naging amo ko sa Manila" --pakilala ni Roni sa binata.

Gaya ng ginawa ni Borj kanina.Mabilis din nitong hinagip ang kamay ng mga magulang at tahimik na nagmano.

"Magandang tanghali po sa inyo" --nakangiting bati ng binata sa mga magulang ni Roni.

"Ay naku iho,pagkasayang ay gusto man namin mapalaban ng huntahan sa iyo ay kailangan na naming umalis at may naghihintay sa aming trabaho eh"--wika ng ama ni Roni sa tonong Batanggenyo.

Totoo nga pala ang naririnig niya na likas sa mga taga Batangas ang malalakas ang boses.Lihim siyang napangiti sa isiping 'yun.Ang lakas kasi ng boses ng Papa ni Roni.

" Ay siya Roni,ipaghanda mo ng meryenda areng si Sir ha..O kaya naman ay ipagluto mo ng pwedeng maiulam diyan.Ikaw naman ay marunong magluto,huwag mong gugutumin si Sir"--bilin naman ng Mama ni Roni na halatang tubong Batangas din.

" Paano iho,maiwan ka na muna namin ha,at sa susunod na laang tayo maghuntahan ng kung ano-ano"--nakangiting saad namang muli ni Papa ni Borj.

" Sige po.Nice to meet you po"--at nakipagkamay naman ito sa papa at mama ni Roni.

Nang makaalis na ang mag-asawa ay pumasok na sila sa loob ng bahay.

Hindi man kalakihan ang bahay nina Roni,maganda naman ang loob ng bahay at malinis.Maliwanag ang kulay ng pinturang nasa dingding at maaliwalas sa paningin ang tiles ng sahig.Nasa ayos ang mga kagamitan at wala kang makikitang bakas ng anumang alikabok.

Nagmamasid si Borj sa loob ng bahay nang mamangha siya sa nakitang picture na naka kapit sa may dingding.Hindi siya makapaniwala sa nakita.Kaya naman tinitigan niyang mabuti ang larawan.Kapani-paniwala naman at walang duda  na  talagang maganda si Roni.Subalit,ang iba pa niyang natunghayan sa  larawang iyon ang hindi niya lubos akalain.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon