Chapter 1

362 30 2
                                    

Magulo. Makalat. Madilim. Iyon  ang hitsura ng silid na bumungad sa mga mata ni Mrs. Jimenez nang pasukin niya isang umaga ang silid nang kaisa-isang anak.Labis-labis na kalungkutan ang nararamdaman ng Ginang.Nakakalat ang maruruming damit ng anak sa sahig. Pati mga shorts nito at underwear. Mayroon ding bath towel at face towel,medyas at sinturon.Isa-isa at dahan-dahang pinulot ng Ginang ang lahat ng nasa sahig at inilagay sa laundry basket.Maya-maya ay ang mga bote ng alak naman ang kanyang napagbalingan ng pansin.Hindi sinasadya ay natabig ng Ginang ang isang bote na dahilan upang masagi ang iba pang boteng katabi na lumikha ng bahagyang ingay dahilan upang magising at mapabalikwas nang bangon ang natutulog na anak.

"Oh,Ma,Bakit?" ---halos wala sa sariling tanong ng binata.Mumukat-mukat pa ito at halatang antok na antok pa.

Sa halip na sumagot ang Ginang ay walang salita itong tumabi sa anak.

"Borj,anak.Dalawang Linggo na ang nakakaraan.Dalawang Linggo ka na ring nagkukulong dito sa kwarto mo.Hanggang kelan mo pahihirapan ang sarili mo?" --halos naluluhang wika ni Mrs. Jimenez habang nakatingin sa anak.

Walang anumang tugon si Borj.Pero,tuluyan na itong umupo at sumandal sa kama at humugot  lamang ng malalim na buntong hininga.

"Anak,bakit hindi ka lumabas.Bakit hindi mo ipakita kay Nicole na ,na kaya mo bang mabuhay kahit wala siya.Borj,bata ka pa.Huwag mo namang sirain ang buhay mo" --tuluyan ng napaluha ang Ginang sanhi ng labis na kalungkutan.

"Ma....'yan na naman tayo eh..."--naiiling na wika ni Borj.

" Hindi si Nicole ang deserving sa pagmamahal mo Borj.Bakit hindi ka lumabas,bakit hindi mo hanapin yung babaeng deserving sa pagmamahal mo.Mabuti kang tao anak!Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa isang babae" --naiiyak pa ring wika ng Ginang.

Nanatiling tahimik pa rin si Borj.Hindi ito nagbigay ng anumang komento sa sinabi ng ina.Pinahid ng Ginang ang mga luha at saka tumayo na.

"Ma,pakisabi naman po kay Inay Susan,pakidalhan ako ng kape" --mahinang pakiusap ng binata.

Si Inay Susan ang may edad na nilang katulong na very close kay Borj dahil ito na ang nag-alaga sa kanya at nakasama sa paglaki.

"Borj,nagpaalam si Inay Susan.Umuwi siya sa Batangas kahapon pa,dahil uuwi 'yung anak niyang OFW.Humingi siya ng dalawang buwang bakasyon para daw naman magkasama silang mag-ina" --
Mahabang paliwanag ng Ginang.

"So,bakit hindi nagpaalam si Inay Susan sakin?" --may himig tampo sa tinig ng binata.

"Paano ba siya magpapaalam sayo Borj.Tingnan mo nga ang sarili mo!" --halos naiiritang sagot ng ina.

"Si Manang Elsa ang lahat ng gagawa dito sa bahay habang wala si Inay Susan." --

" Hindi Borj.Nakiusap si Inay Susan na kung pwede,'yung pamangkin niya ang pansamantalang humalili sa trabaho niya dito.Mabuti na rin 'yun para may katulong sa gawain si Manang Elsa.Maaaring bukas o mamaya dumating ang pamangkin ni Inay Susan"--sagot ng Ginang.

" Anak, palagi kong ipagdarasal na sana tulungan mo ang sarili mong makabangon..Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw lang din"..-dugtong pa ng Ginang.

Tuluyan nang namagitan ang katahimikan sa dalawa.Minabuti na nang Ginang na lumabas na ng silid ng anak.Maaga na naman itong patungo sa restaurant na pag-mamay-ari ni Borj.Subalit,sa kadahilanang wala sa sariling huwisyo na magpatakbo ng negosyo ang anak,si Mrs.Jimenez muna ang pansamantalang namamahala ng restaurant.

SAMANTALA
Tatlong sunod-sunod na doorbell ang ginawa ni Roni nang hantungin ang bahay ng nakasulat sa papel na ibinigay sa kanya ng kanyang Tiya Susan.Hindi naman nagtagal ay bumukas ang gate at tumambad ang isang babae na may katabaan at nasa singkwentahan na din kung titingnan.

"M-magandang Hapon po" --nag-aalangang wika niya sa babae.

"Ahmmm..m-magtatanong lang po sana ako.Heto po ba ang bahay na nakasulat po dito sa papel" --at iniabot niya sa babae ang dalang maliit na papel.

"Oo,i-iha..dito nga!Bakit ba?" --nakangiting sagot naman ng babae.

"Ahm,Heto po kasi 'yung sinasabi ng Tiya Susan ko na papasukan ko daw po ng trabaho"--nakangiting sagot nang dalaga na halatang medyo naiilang pa sa kausap.

"Ikaw ba si Roni?" --nakangiti at tila nasasabik na tanong ng matabang babae.

"Opo!" --malakas at tila nabuhayan ng loob na sagot ng dalaga.

"Kayo po ba si Manang Elsa" --balik tanong niya dito.

"Ako nga hija.Naku halika..halika sa loob at ipaghahanda kita ng meryenda para makapagpahinga ka na din.Sasamahan kita sa magiging kwarto mo"--masayang yakag sa kanya ng babae habang tinutulungan siya sa pagdadala ng ilang bag niyang dala-dala.

Muling lumingon sa kanya ang babae at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

" Roni,iha,sigurado ka bang sanay ka sa mga gawaing bahay ha.Marunong ka ba talagang maglaba,magluto saka maglinis?"--tila nag-aalinlangang tanong ng babae.

" Opo naman Manang. Marunong po ako at sanay ako sa gawaing bahay. Kaya nga po nagpapasalamat ako kay Tiya Susan dahil naisipan niya akong ipalit pansamantala sa trabaho niya at least may kikitain ako dito"--nakangiting wika ni Roni.

" Sige. Magpahinga ka na muna. Bukas ka na lang magsimula sa trabaho. Agahan mo na lng ang gising mo bukas dahil ipapakilala kita sa mga amo natin. Mamaya, pag tapos na ako sa trabaho ko, sasabihin ko sayo 'yung mga dapat at di-dapat mong gawin. "--mahabang paliwanang ni Manang Elsa sa dalaga.

" Sige po Manang. Salamat po! "--iyon na lamang ang naging tugon niya kahit ang isipan niya ay madami pang gustong malaman at itanong sa babae. Subalit gaya nga ng sinabi ni Manang Elsa, mamaya ulit sila mag-uusap.

Nilingon niya ang kwarto. Naiiling siya habang pinagmamasdan ang loob ng silid. Iba talaga kapag mayayaman, servants quarter na nga lang na matatawag, talagang ang ganda pa rin ng lugar.
"Nakakawili naman tuloy magtrabaho dito." --bulong ng isipan niya.
Paano ba naman,ang lambot ng kama na nakalaan para sa katulong na tulad niya.May sarili pa siyang cabinet.May sarili din siyang electric fan.Para sa kanya,ayos na ang ganoong silid.Hindi naman siya mayaman para mag-inarte.At saka naroon siya para magtrabaho at kumita.Hindi para magpasarap at magpaganda.

Humiga si Roni sa malambot na kama at dala marahil ng matinding pagod sa biyahe mabilis siyang nakatulog.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon