Chapter 3

286 29 4
                                    

Kasalukuyan ng naglalaba si Roni nang lapitan siya ni Manang Elsa.

"Nakilala mo na ba si Borj" --nakangiting tanong nito sa kanya.

"Opo Manang.Nagising si Sir eh" --nakangiting sagot niya sa babae .

"Manang Elsa,ang gwapo po pala ni Sir Borj" --maluwang ang ngiti niya at tila ini imagine pa rin ang gwapong mukha ng amo.

"Kaya lang Manang,sadya po bang seryoso at suplado si Sir" --mahinang tanong niya.

Tahimik siyang tinitigan nang babae.Tila tinatantiya kung may dapat bang ipagtapat sa kanya ang babae o mananahimik na lamang.

Maya-maya ay mas lumapit pa ito at mahina ring nagsalita.

"Mabait naman si Borj eh.Nagsimula lang siyang maging seryoso nung nabigo sa pag-ibig.Hayyy..ang pag-ibig nga naman" --naiiling na wika ni Manang Elsa.

Mas lalong tumindi ang kuryusidad ni Roni na malaman ang buong kuwento tungkol sa binatang amo.

"Napansin mo siguro na  hindi lumalabas ng kwarto si Borj di ba?" --tanong ng Manang sa kanya.

"Bakit nga po ba?" --nagtatakang tanong niya.

At nagsimula na ngang magkuwento si Manang Elsa nang buong pangyayari tungkol sa kabiguan ni Borj sa dati nitong pag-ibig.At nalungkot siya para sa amo.Malamang, sobrang mahal ng binata ang dati nitong karelasyon kaya naging ganun kahirap para dito ang mag-move on at ituloy ang buhay nang wala ang  babaeng pinakamamahal.

Dahil simula pala ng talikuran ni Nicole si Borj sa wedding proposal nito,tuluyan na pala itong nakipag break sa telepono.

UNTI-UNTI ay nakasanayan na rin ni Roni ang mga gawain sa bahay.Sa paggabay at tulong ni Manang Elsa,nagagawa niyang pagbutihin ang trabahong iniatang sa kanya.

Sa umaga,kailangan niyang kolektahin ang maruruming damit ng mga amo at linisin ang silid ng mga ito habang si Manang Elsa naman ang nagluluto at naghahanda ng almusal.

Sa Ikaapat na araw ni Roni sa trabaho,nakasanayan na niya ang pumasok sa makalat na silid ni Borj upang kolektahin ang mga tubal o maruruming damit ng  binata.Subalit,naka-lock ang pintuan ng silid ng amo,nang tangkain niya iyong buksan.

Tinangka niyang kumatok.Ngunit walang nagbubukas ng pintuan.Kaya't ang marahang katok ay naging sunod-sunod at malalakas.

Nakailang katok ng pintuan si Roni bago bumukas ang pintuan ng silid.

Halos napanganga na yata si Roni sa labis na pagkagulat ng bumuluga sa kanya ang hubad na katawan ng binatang amo.Mamasa-masa pa ang buhok at katawan nito habang ang ibabang bahagi nito ay may tapis lamang ng tuwalya.

"Hi''--narinig niyang bati ng lalaki habang nakatingin sa kanya.

Sa wakas ay binati din siya ng amo.Subalit hindi niya matingnan ang lalaki dahil naiilang siya sa hitsura nito.

Napalunok si Roni.
"Shit!ang bango naman ng Hudas na 'to..Ang gwapo at ang macho pa.Gosh,nakakaloka" ---tumakbo na naman ang maberdeng utak ni Roni.

Pero pinigilan niya ang sarili.Kailangan mapaglabanan niya ang nakabalandrang abs ng binata.

Patay malisya siyang pumasok ng silid at kunwari ay hindi siya apektado sa hubad na katawan ng amo.

"Sir Borj,alam mo.Maganda sa labas.Maraming tao,maraming sasakyan.Maraming magagandang lugar ang pwedeng pasyalan,kesa magkulong dito sa kuwarto na wala ka namang ibang makikita kundi kurtina lang.Kung ako sayo Sir,lalabas ako.." --mahabang litanya niya sa lalaki.

Nagulat si Roni sa iniasta ng binata.Tinanggal nito ang nakatapis na tuwalya kaya tumambad sa mga mata niya ang puting brief nito.At saka nagsuot ng boxer short at sando.

"Susmaryosep Sir!Ano ba yan?" --at tumalikod pa siya dahil tila siya ang napahiya sa inasal ng lalaki.

"Bakit Roni? ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking naka brief?"--pilyo nitong tanong sa dalaga.

" Ewan ko sayo Sir!"--naiiling at nakasimangot na lumabas na ng silid si Roni.

Nagtataka siya.Ano kayang nangyari sa amo niya at nakaasta-asta sa kanya ng ganun.Akala pa naman niya eh,seryoso ito 'yun pala eh,may itinatago ding kapilyuhan sa katawan.

Dumiretso na siya sa laundry room para makapagsimula nang maglaba.Pero habang nagtatrabaho siya,ang eksena kani-kanina lang ang laging bumabalik sa isipan niya.Laging rumerehisto sa isipan niya ang makinis ngunit ma abs na katawan ng lalaki.Tapos yung malapad na dibdib ni Borj parang ang sarap-sarap haplusin.Tapos parang ang sarap magpayakap dun sa  malalaking braso ng amo.

Haiiii...Malayo-layo na rin ang itinatakbo ng pagmumuni-muni ni Roni nang marinig niya ang malakas na tawag ni Manang Elsa.Naudlot tuloy ang pag iimagine niya.

"Roni,Roni iha" ---bakas na bakas ang matinding pananabik sa boses ng babae.

"T-teka po Manang..huminahon po kayo..A-ano po bang nangyari?" --pagpapakalma niya sa babae.

" Roni si Borj"--humihingal na bitin nito sa kuwento.

" Oh Bakit Manang ano pong nangyari kay Sir Borj" --kunot noong tanong niya.

"Andun siya Hija sa may garden.Pinapatawag ka.Sa wakas lumabas din siya ng kuwarto" --masayang-masayang istorya sa kanya ni Manang.Subalit,hindi niya alam kung bakit siya ipinatatawag nito.

"B-bakit daw po??" --takang tanong niya muli.

"Hindi ko alam Roni..Pero,sige na puntahan mo na muna si Borj at ako na ang bahala dito sa ginagawa mo"--halos ipagtabuyan na siya ng babae na umalis at lumabas na sa lugar na iyon para makapunta na agad siya sa amo.Kahit tuloy wala siyang idea kung bakit siya pinapatawag nito,wala pa rin siyang choice kundi ang lumapit sa amo.

"Hi Sir,p-pinapatawag ninyo daw po ako" --kaswal na wika niya sa binata.

"Magbihis  ka" --maawtoridad na pag-uutos nito sa kanya.

"B-bakit po." --nagtatakang tanong niya.

"Basta ang sabi ko,Magbihis ka" --buo ang tinig nito at talagang nangingibabaw ang pag-uutos.

"Pero sir..may ginagawa po ako..Hindi pa po ako tapos sa---"

"Sino bang amo dito?" --tanong ng lalaki.

"Ikaw,Sir!" --sagot naman niya.

Sinong magpapasweldo sayo?"--tanong muli ng lalaki.

" Kayo pa rin"--sagot niyang muli.

" Sinong masusunod dito..Ako ba o ikaw?"--tanong pa rin ng binata.

" Ikaw"--sagot niya na tila naiirita na.

" So,magbihis ka! Hihintayin kita sa kotse"--at tumalikod na ito at lumakad na patungo sa sarili nitong kotse.

Masaya na sana siyang makita ang amo na nakabihis at nakaporma.Sa wakas,nagawa na rin nito ang lumabas ng kuwarto.Kaya lang,ang ikinaiinis niya bakit kasama pa siya sa lakad nito.Nadamay pa tuloy ang trabaho niya.

Nagdadabog siyang bumalik kay Manang Elsa para sabihin ang gustong mangyari ng amo at pinayagan naman siya ng babae.Nahihiya man siya kay Manang,hindi rin naman siya makakatanggi sa kagustuhan ni Borj.Kahit nakasimangot at masama ang loob,tinungo niya ang kanyang kuwarto at nagbihis na rin ng damit.

Kahit nakasimangot at masama ang loob,tinungo niya ang kanyang kuwarto at nagbihis na rin ng damit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Hello Mga Sissy!
Enjoy and Happy Reading.
Comment down and hit the ⭐ Button.. 😍😍😍

💖I Love...Sir Borj💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon