Chapter 26

77 13 2
                                    


Chapter 26...Cherry



Mary's Point of View

"Oy stupido."

Napabuntong hininga ako at pagod na tumingin sa kanya.

Here she is, just down the stairs. She is dressed in a gray and black T-shirt, paired with black denim jeans.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?"

"If you are wondering what happened to your disciples, I killed them all."

"Imposible."

"Why? Madali naman silang ubusin kaya naubos ko. Kaya nga nakapasok ako dito 'di ba?"

"Ano namang ginagawa mo dito Aby?" Pagsingit ko.

"Oh may prisoner pala dito. Hi Mary." Puno ng sarkastimo niyang sabi.

Nakakairita. Kung makakalaya ako dito, s'ya ang ipapalit ko sa posisyon ko.

"Paano ka nakapunta dito?" Tanong sa kanya ng kidnapper ko.

"Hmm...nakita ko lang na kasama ni Mary ang mga alagad mo so sinundan ko. Pasensya ka na Mary kung natagalan naligaw pa kasi ako."

Napairap ako sa kawalan at napailing. Masisira pa yata ang plano ko dahil sa babaeng ito. Umepal pa.

"Can I talk to the witch before you continue your stupid plan?...Okay never mind. I'm gonna talk to her without your permission." Lumapit sa akin ang babaeng bwisit sa buhay ko at tumayo sa aking harapan. "I have a question. Why did you let yourself get caught?"

Pagod ko s'yang tiningnan. "Tinamad ako lumaban kaya nagpahuli ako. Masama?"

Mukha s'yang hindi naniniwala. Psh edi huwag pake ko ba sa kanya?

"Talaga lang ah?"

"Hay ewan bahala ka sa buhay mo."

Pumunta-punta pa kasi dito nakakaiyamot.

"Kung sino ka man, wala akong pakealam sa 'yo. Hindi ka kailangan dito kaya umalis ka na."

Humarap si Aby sa kanya. Pagod akong sumandal sa poste at hinayaan silang dalawang mag-usap.

"Ha? Bakit naman ako aalis eh kinidnap mo itong bruhang 'to?"

"Ano ngayon? Sino ka ba para iligtas ang babaeng 'yan? Kaibigan?"

"Wala kang pakialam kung kaano-ano ko s'ya. To think that you kidnapped her is a valid reason for me to save her. Tanga ka ba?"

Inaantok lang ako dito. Kung makakatulog lang ako nang maayos baka kanina pang tumutulo ang laway ko.

"Hoy Mary." Umupo siya sa harapan ko. "Pwede bang umayos ka? Alam kong kaya mong tumakas. Bakit hinahayaan mo lang ang sarili mong ikulong dito kahit alam mo naman sa sarili mo ang pwedeng gawin sa 'yo?"

"I can't..." Pagod kong sabi. "I have a handcuff as you can see."

"Stupid reason. Kayang-kaya mong makagawa ng paraan para makatakas. O baka naman may plano ka talaga kaya hindi ka tumatakas?"

Ayoko nang makipag-usap sa babaeng 'to. Nakakapanghina lalo. Nakakawalang gana.

"Tama na 'yan. Inuubos nyo lang ang oras ko." Tumingin kaming dalawa sa kanya. "Para mapadali na ito, ikaw muna ang uunahin ko. Pagsisisihan mong pumunta ka dito."

He's talking about Aby.

Ano naman kaya ang pinaplano nito?

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon