Chapter 34

50 11 0
                                    

Chapter 34...Affected




Yza's Point of View

Hindi ako pumasok. Ayokong pumasok dahil alam kong hindi ko na siya makikita saan mang sulok ng school pa ako pumunta. Isa-isa kong tinitingnan ang mga stolen pictures niya sa gallery ng cellphone ko at hindi pa ako nakakalayo ay pabagsak ko itong binitawan sa kama. Mas lalo lang akong nasasaktan dahil noong mga oras na iyon ay buhay pa s'ya. Now that he's gone, it seems that I'm lifeless but still breathing. 

Kinuha ko ang picture frame sa tabi ng kama ko na may picture niya at niyakap. I can't eat and I can't sleep. All I can do is cry alone, even though I already have no tears left to cry. Ilang araw na akong ganito. Hindi ako nakakaramdam ng gutom o kahit ano dahil ang nararamdaman ko lang ay lungkot. I miss him so much. Hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako. No one can understand the pain I have because I just lost a man I truly love.

"Yza anak." My mom suddenly knocked on my door. But I didn't pay attention to it. "Anak lumabas ka na please. Nag-aalala si Mommy sa 'yo. Kahit kumain ka lang saglit."

"Ayoko Ma! Hindi ako nagugutom!" Sagot ko sa kanya.

"Sige na anak para lang mabawasan ang pag-aalala ko sa 'yo."

"Lalabas ako kapag kaya ko na! But now, leave me alone!" Sigaw ko na.

"Okay, sige. May hinanda akong pagkain. Bumaba ka kapag nagugutom ka. Sana maging okay ka na." Wala na akong narinig pagkatapos.

Tumayo ako at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang puting kurtina at doon umupo. I looked at his picture, and another tear rolled down my eyes. 

"Ayos lang kung paulit-ulit mo akong saktan gamit ang pananaboy mo, pag-iwas, o kahit na ano pang salita ang sabihin mo pero huwag naman sa ganitong paraan. Dahil ibang sakit ito. Ito 'yung sakit na panghabang buhay na. Bakit...bakit mo ako iniwan? Hindi ba sabi mo hahayaan mong lumago ang feelings ko at hahayaan mo rin ang sa 'yo? Umasa ako sa sinabi mo kahit gaano pa iyon katagal pero ngayon wala na akong hihintayin dahil tuluyan mo na akong iniwan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Gus. Nababaliw ako kakaisip sa 'yo."

Muli kong niyakap ang kanyang litrato.

"Ang daya-daya mo naman eh. Hindi mo na nga ako mahal nang-iwan ka pa. 'Yung totoo Gus, sinadya mo ba talagang umalis? Kung oo, bakit? Hindi mo ba ako naisip? Kahit hindi na ako kahit ang mga kaibigan mo nalang." Tumingin ako sa langit. "Pero hindi kita sisisihin sa pagkawala mo. Sana maging masaya ka kung nasaan ka man ngayon dahil kahit papaano masaya na rin ako para sa 'yo dahil sa wakas, wala ka na sa mundong puno ng kapahamakan. Sana dumating ang araw na makita kitang muli kahit sa kabilang buhay na. Ikaw at ikaw lang ang lalaking mamahalin ko wala ng iba." I wiped my tears. "Pangako 'yan." ngunit may tumulo pa rin.

Alam kong may pamilya pa ako at mga kaibigan pero ang pagkawala ni Gus ay isang napakalaking kawalan sa buhay ko. Hindi ko pa rin matanggap dahil sa dinami-dami siya pa talaga. Nakausap ko pa siya eh. I can still feel his hug till now. Kung alam ko lang na huli na 'yon sana sinulit ko na. Niyakap ko na rin sana siya nang mahigpit.

Bumabalik sa isip ko ang mga alaalang magkasama kami. Kahit pa ang mga oras na naiinis siya sa akin. Lahat-lahat. And I can tell that even now that he's gone, my memories of him will always be alive in my heart and mind. 

"Sana multuhin mo ako. Sa halip na maiyak ako sa takot, baka maiyak pa ako sa saya dahil nakita kitang muli."

Ganito pala ang feeling. Ang feeling na maiwan ka ng taong mahal mo. Sa mga palabas at mga libro ko lang ito nakikita o nababasa pero hindi ko inaasahang mangyayari din pala sa akin. Ang kaibahan nga lang, ako lang ang nagmamahal sa pagitan naming dalawa. Pero kahit ganun, masakit pa rin dahil syempre mahal mo 'yung tao tapos mawawala sa 'yo.

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon