Chapter 38

70 11 0
                                    

Chapter 38...Failed




Yza's Point of View

I was just walking alone and enjoying the cool breeze when I suddenly heard a strange noise around me. Kahit nakasuot ako ng earphones ay pakinig ko pa rin 'yon. I removed it from my ears, and that's why I heard it more clearly. That noise is like...someone is moaning? I'm not sure.

Sa aking paghahanap, kusang nahagip ng mga mata ko ang dalawang tao doon sa likod ng isang building hindi kalayuan sa akin habang may ginagawang kababalaghan.

"Ow..." Napangiwi ako at napaiwas agad ng tingin. "They should have chosen a better place to do that, not here in school."

"Don't mind the disgusting couple." Nagulat ako sa biglang humila sa akin. Pagtingin ko, si Mary.

"Mary. Ikaw pala. Kumusta?"

"I'm fine. You?"

"Same."

Pumunta kami sa isang bench. Umupo siya kaya umupo rin ako sa tabi niya.

"I heard about your depression after Gus' death. Are you really okay?" She asked suddenly.

Yumuko ako. "Mmm. I haven't moved on yet, but the sadness is less intense than it was before."

"Good for you."

Dahil ng mga kaibigan ko kaya hindi na ako masyadong nalulungkot. I still have them, and I still have my mother. Pinalalakas nila ang loob ko.

Tumingin ako sa kanya. "Ikaw? Alam kong hindi ka rin naging okay sa pagkawala niya. Okay ka na ba?"

Inalis niya ang tingin sa akin at ngumiti. "Oo naman."

"Wow. Paano? Any tips?"

"Nothing. There was just someone who helped me get out of that situation." She looked at me while still having a smile on her lips. "A very special person, actually."

Masasabi talaga na mahalaga ang taong iyon sa kanya dahil palang sa ngiti niya.

"Are you in love?"

Halata naman sa kanya ang pagkagulat. "What?"

"Sino ba 'yung lalaking tinutukoy mo?"

She laughed a little. "When did I say it was a man, hmm?"

Napakamot ako ng ulo. Oo nga? Bakit lalaki agad ang unang pumasok sa isip ko?

"Kaibigan ko." Sagot niya pa rin sa tanong ko kanina.

"Si Bruise ba?" Napatakip ako ng bibig. "Hala. In love ka sa kanya?"

Mas lalo siyang natawa. "Baliw. He's my friend. How can I fall in love with him?"

"Bakit? Bawal ba ma-fall sa kaibigan? Bagay naman kayong dalawa. Yiee ikaw ah." I gently pushed her with my elbow.

She shook her head. "Hindi ko alam kung ano ang feeling ng in love at hindi ako interesado sa mga ganyang bagay."

"Sus." Sumandal ako at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Masasabi mong in love ka sa isang tao if masaya ka kapag palagi mo siyang kasama. Then you are always thinking about random things with him. Parang ako lang kay Gus."

"Magkaiba naman tayo. Masaya ako kahit sino ang kasama ko."

"Okay. But how about the part where you're thinking about him every day---"

"Hoy, Yza." She quickly cut my words. "Kailan ko naman inisip si Bruise sa araw-araw? Kahit ano ang sabihin mo, hindi ako in love. At isa pa, aromantic si Bruise kaya imposibleng pumatol siya sa akin o sa kahit na kanino."

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon