Chapter 40...Behind the Mask
Louise's Point of View
Sinaksak ko sa leeg ang isang kalaban at matapos ay ang sunod naman. Sunod-sunod lang ang naging pagpatay ko sa kanila at hindi ako titigil hangga't hindi sila nauubos.
"Kailan ba kayo mauubos?"
Nakakainis kasi araw-araw na lang kaming nakikipaglaban tapos hindi pa rin nauubos ang lahi nila.
Pinatay ko ang kalaban sa unahan ko at sinipa naman ang nasa aking likuran. Nagpatuloy muli ang sunod-sunod kong pagpatay kaso kamalas-malasang hindi ko nailagan ang pagsipa sa akin ng isa sa kanila kaya tumalsik ako ngunit sa halip na matumba ay sinalo ako ng isa pang kalaban sa pamamagitan ng pagsakal sa akin mula sa likuran.
Lumapit ang isa para saksakin ako kaya mabilis akong kumilos. Sinipa ko siya at agad na siniko ang nakasakal sa akin. Nakawala ako agad at humarap sa kanya saka s'ya tinuhod nang ilang beses bago ko tuluyang ibinaon ang kutsilyo sa kanyang leeg.
"Bastard." I pushed him away.
Lumingon ako sa kanila para sana lumaban ulit ngunit may bigla nalang tumamang kutsilyo sa kamay ko kaya nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko.
"Ah." Daing ko habang nakahawak sa kanang kamay na dumudugo.
Dahil dito, nahawakan nila ako at naihagis sa isang puno. Hindi pa ako bumabagsak ay may mabilis na lumapit sa akin at muli akong sinakal. Pahigpit iyon nang pahigpit. Sinusubukan kong gumawa ng paraan para makatakas pero hindi ko kaya dahil masakit ang katawan ko sa lakas ng pagkakatama ko sa puno.
He raised his knife.
Shit.
Binalak ko itong pigilan kaya lang bago pa ako makaisip ng paraan, nakarinig kami ng isang putok ng baril. Bumagsak ang kalaban kaya napaupo ako sa lupa at humagilap ng hangin dahil hindi ako masyadong nakahinga sa higpit ng sakal nitong bwisit na ito.
"Louise!"
I know that voice. It's Ryan.
"Ayos ka lang?" Tinulungan niya akong tumayo.
"I-I'm fine. Salamat."
Tumingin ako sa kanila. Medyo marami pa rin sila buti nalang nandito na si Ryan para kahit papaano ay may katulong ako.
"Ako na ang bahala sa kanila dito kana muna." Hinila niya ako patungo sa kanyang likuran.
"What? I can still fight."
"But you're injured."
"It doesn't matter. As long as I can still fight, I will fight."
Nginiwian ako nito. "Sa panahong ito, kailangan mong mag-doble ingat kung ayaw mong isa sa ilibing."
Tinarayan ko s'ya. "Puwede ba? Mas lalo akong mamamatay kung hindi ako lalaban. Manahimik ka nalang at tulungan akong ubusin ang mga ito para matapos na at---"
Kapwa kami napatingin sa harapan dahil nakarinig kami ng tumatakbo. Hindi namin mahabol ng tingin kasi sobrang bilis tapos sa isang iglap, may mga nagliparang patalim at isa-isa iyong tumama sa kanila.
"What the..." Napanganga ako nang magtumbahan ang mga ito at puro patay na.
Hindi pa doon nagtatapos ang lahat dahil may mga kalaban ulit na mas marami sa mga nauna ang dumating at sabay-sabay na sumugod sa taong hindi namin makilala tapos bigla siyang sinunggaban. Akala ko katapusan na niya but no. Sa isang kurap ko lang, ang mga kalabang sabay-sabay na bumabagsak sa lupa ang nasaksihan ko--I mean namin.

BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Детектив / ТриллерAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...