Chapter 11...Nikki
Alexandra's Point of View
Nandito ako ngayon sa clinic ng village kasama si Mary. Nakaupo s'ya sa couch habang ako ay ginagamot ng nurse ang sugat sa likod.
"A-Aw." Daing ko.
Kanina pa akong nagtitiis ng sakit dito.
"Bakit ka ba nagpasaksak?"
Inis akong tumingin kay Mary sa sinabi nito. "Hindi ko naman alam na sasaksakin ako ikaw kasi hindi mo ako tinulungan kanina mo pa pala ako pinapanood."
Oo. Nalaman kong bago pa ako makipagpatayan kanina, kanina pa pala s'yang nanonood sa akin. Sadyang hindi ako nilapitan. Oh diba? Siraulo talaga.
"Syempre. Paano ka matututong lumaban kung aasa ka sa tulong ko?"
"Tss."
Umuwi kaming dalawa kanina para magamot ang sugat ko dito. Si Mary ang kumuha ng mga gamit namin sa room habang ako ay hinintay s'ya sa labas. Ayoko kasing makita ng iba ang kalagayan ko.
Sa wakas natapos na ang pagtitiis ko. Bumaba ako sa kama at tumayo na rin si Mary.
"Salamat po Nurse Sam."
Ngumiti naman ito sa akin. "Mag-iingat ka na sa susunod."
"Opo. Salamat po ulit." At lumabas na kaming dalawa.
"Madami-dami rin pala ang hindi pumasok."
Tumingin ako sa paligid. "Mukhang hindi sila masaya sa nangyari kahapon. Sa dami ba naman ng pinalayas."
May mga iilan na nagsisi-iyakan pa at may iilan na malungkot lang.
Humarap siya sa akin. "Tara na sa bahay? Maya-maya naman ay uuwi na ang iba."
Tumango ako. "Tara."
Dumiretso kaming dalawa sa kwarto. Kumuha ako ng damit sa closet at nagpalit ng damit habang si Mary ay kinuha ang towel para maligo.
"Ang init gusto kong maligo."
Tumingin ako sa kanya. "Bakit sumama ka pa sa akin pwede namang ako nalang ang umuwi mag-isa?"
"Wala lang. Ayokong pumasok kaya sumama ako. Isa pa cutting na naman ako kaya tinuloy ko na."
"Bakit ba ang hilig mong mag-cutting?"
"Sino ba ang gugustuhing umattend ng klase? Hindi rin naman ako nakikinig edi mag-cutting nalang."
Napailing nalang ako. Hindi ko alam kung bakit pumapasa pa ito kahit palaging wala.
"Ligo lang ako." At pumasok na siya sa cr.
Kinuha ko ang uniform ko at tiningnan ang mantsa ng dugo.
Hindi ko alam kung paano aalisin itong dugo kaya naman balak kong itapon nalang. Isa pa, malaki ang sira dahil sa pagkakasaksak ng kutsilyo dito. May dalawang uniform pa naman ako.
Umupo ako sa kama at muling tiningnan ang mga kamay. Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina.
I can't believe it. Ngayon lang ako nakapatay. Hindi ko alam pero parang ang sarap sa pakiramdam. Parang hindi manlang ako nagu-guilty. Siguro dahil masama naman 'yung taong pinatay ko? Ewan ko basta magaan ang pakiramdam ko.
Napatunghay ako nang makarinig ako ng mga boses mula sa baba. Nandito na siguro sila. Tumayo ako at nilagay sa trash can ang uniform bago lumabas at bumaba. Tama nga ako nakauwi na sila.
"Alex. Kumusta ka?" Bungad agad sa akin ni Jace.
"Ha?"
Alam ba nila ang nangyari sa akin?
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Mystery / ThrillerAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...