Chapter 2...Protect
Alexandra's Point of View
Sabay kaming lumabas ni Jace ng bahay.
"Hihintayin pa ba natin sila?"
Nagkibit balikat ako. "Baka naman nauna na sila."
"Buenos Dias!"
Speaking of...
Dumating si Mary kasama ang dalawang lalaking kaibigan at si Louise.
Ngayon ko lang napansin. Ang gwapo pala nung dalawa. Si Gus at Bruise. Lalo na si Bruise. Yieee time to landi--joke ayoko nga.
Kung magiging kaibigan ko lang din naman sila, maghahanap nalang ako ng ibang gwapo. Ayoko ngang magkagusto sa kaibigan.
"Good morning." Bati ko. "Akala ko umuna na kayo. Tara na baka ma-late tayo."
Hindi naman malayo ang school namin mula dito kaya nilalakad lang namin. Maaga kaming umaalis.
"Ano ba ang section mo?" Tanong ni Mary sa akin.
"Section B"
"I see. Section C kami ni Gus. Itong si Bruise ay nasa section A. Sa A sana ako kaso ang daming matalino dun tinatamad akong mag-aral. At isa pa, nandoon si Aby. Baka mas lalo lang ako ma-stress."
Kumurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. Naglalakad s'ya habang nakataas ang dalawang braso at nasa likod ang mga kamay.
"Bakit ba ayaw mo sa kanya?"
"Sino ba'ng gugustuhing makabonding 'yon eh ang panget ng ugali? Saka naiirita lang talaga ako sa kanya sa walang dahilan."
Natigilan s'ya kaya napatigil din ako at tiningnan kung ano ang nasa unahan.
Nagtaka ako nang makita ang mga taong nakaitim na cloak at maskarang itim. Nagsalubong agad ang kilay ko. Para silang mga ninja at nasa lima sila.
"Ow. It seems that we have guests this morning." Kalmadong wika ni Mary na para bang inaasahan na niya ang mga ito ngayon.
"Sino sila?" I asked out of curiosity.
"Just enemies. " Tanging sagot niya.
"Ano ba naman 'yan. Agang-aga. Ayokong pawisan." Reklamo naman ni Gus.
"Do we really have to fight them right now?" Maging si Louise halatang dismayado.
Buti pa sila sanay na silang makita.
Pero teka-teka. Parang ako lang 'yung walang alam dito. Ngayon ko lang sila nakita---Nanlaki ang mga mata ko sa alaalang bigla nalang sumulpot sa utak ko. Ang lalaking pumatay sa mga magulang ko. May kaparehong damit sa kanila. Their masks...same mask as him. Ayokong mag over think dahil baka isa lang itong coincidence pero paano kung...paano kung kasamahan n'ya nga ang mga ito?
"Fine, fine. Just give them to me para matapos na ito." Tumingin ako kay Mary na umuna sa amin.
"Teka." Pigil ko. "Sigurado kang kaya mo sila?"
"Don't worry. Just watch." Kalmadong sambit ni Gus sa akin.
Hinagis n'ya nalang basta ang bag sa akin kaya gulat ko itong sinalo. "A morning exercise huh? Okay I'm ready let's go!" sobrang bilis n'yang nakalapit sa mga kalaban. Parang isang kurap ko lang, nakasugod na s'ya. "...Hiiiiiiyaaaaaaaaa!"
Ako ang kinakabahan sa kanya samantalang itong mga kasama ko tamang nood lang na para bang nanonood lang ng live action movie.
Pero ang pag-aalala ko, napalitan ng pagkamangha. I saw her skills that even I can't do. She's faster than a normal person. After a few minutes heto s'ya, nakatayo at nag-iinat pa habang 'yung mga kalaban niya ay patong-patong sa kanyang harapan at hindi na makatayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/178241364-288-k332839.jpg)
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Mystery / ThrillerAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...