Chapter 24

54 12 0
                                    

Chapter 24...Truth




Alexandra's Point of View

Kita ko ang galit sa kanya matapos niyang umakyat sa stage. Maging lahat ng mga estudyanteng nandito ay nagulat sa biglaan niyang pagpapakita.

"Mary..." Mahina kong sambit sa pangalan n'ya.

"How dare you!" Sigaw ni Ma'am Davis sa kanya.

Narinig kong tumawa si Louise.

"It seems that...you are defeated." Inasar s'ya ni Louise. "I'm tired of this."

Mabilis ang kanyang naging pagkilos. Nalaman ko nalang na nakawala na siya sa dalawang lalaki tapos sinipa niya ang mga ito, sinuntok, at kung anu-ano pa hanggang sa matumba sila. Humanga ako. Imagine. Ang lalaki ng katawan ng dalawang lalaki at si Louise ay babae na, medyo payat pa tapos nag-iisa, nagawa n'ya pang patumbahin silang dalawa? Paano naman nangyari iyon?

"I can escape whenever I want but I chose to stay still and watch your stupidity."

Lumapit si Mary sa harapan ni Ma'am Davis.
"You can embarrass anyone you want, but embarrassing my friends is a big mistake." Seryoso siya pero mahahalata mo pa rin sa boses niya ang kanyang tinatagong galit.

A few seconds after she said that, the black color of her eyes seemed to turn red. Pumikit ako at umiling dahil baka namamalikmata lang ako at tama. Namalikmata lang ako dahil normal na ulit ang mga mata n'ya nang tingnan ko.

"Bakit? Natatakot kang malaman ng lahat na kinikilala ka nilang malakas at matalino pero nalusutan ka lang ng killer?"

"Of course I'm not. Bakit ako matatakot kung alam ko namang hindi sila ang killer?" Pinulot niya ang kutsilyo. "Teacher ka lang. Alam kong alam mo na kahit ano ang gawin mo, hindi mo ako kaya. And I can give my respect to anyone but I will refuse when it comes to you. Because you don't deserve it." She smirked. "I killed a lot of enemies before heading here. Do you want to be one of them? Or maybe you're one of them."

Ma'am Davis was outraged with her and had meant to attack, but Mary intervened by pointing a knife, stopping Ma'am Davis in her act.

"What? Trying to attack me?" She laughed in a teasing way. "Davis...huwag mo akong sinusubukan dahil kilala mo ako. Wala akong pinipili. Matanda man o bata, mataas man ang katungkulan o hindi. Hindi hadlang ang pagiging estudyante ko lang para hindi ka patulan. Naiintindihan mo?"

Halos hindi ako makahinga dito. Grabe. Si Mary lang ang nakikita at naririnig ko na kayang ganituhin si Ma'am Davis. At ito namang si Ma'am, walang magawa sa kanya.

Anong klaseng tao ka Mary? Tao ka ba talaga?

Humarap siya sa crowd. "Everybody listen up! Malamang ay napaniwala kayo nitong teacher na ito pero kung ano man ang iniisip nyo ay kalimutan nyo na. Hindi silang dalawa ang killer at ipapakita ko sa inyo ang itsura ng bangkay ng babae bilang pruweba!"

Tahimik ang lahat kaya nagagawa n'yang makapagsalita na naririnig ng lahat.

Nagulat ang lahat sa nakita sa projector. Nagulat ako nang makita ang bangkay ng babae sa cr. Ang posisyon n'ya ay katulad pa rin ng posisyon niya noong nakita namin siya ni Louise. Walang pinagbago.

"P-Paanong---"

Tumingin si Ma'am Davis sa parte kung nasaan ang taong nag-aasikaso sa computer at maging ako ay nagulat matapos makitang si Gus 'yung naroon. The man who was supposed to be there was lying on the floor unconscious while he waved at us.

"Ito ang bangkay na nakita mismo nitong dalawa. And as you can see, it is very obvious that she killed herself. Just look at her body. Marami s'yang mga laslas at s'ya pa mismo ang may hawak ng kutsilyo."

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon